LIANNA's POV
Buti na lang talaga nalunasan agad yung lason. Ok na rin yung pakiramdam ko.
Sadyang nanghina lang ako dahil sa epekto.At sa lahat ng pweding patamaan bakit ako pa.
Linggo na ngayon. Naghahanda na rin lahat para bukas, Tatlong araw daw gaganapin yung White Academy battle.
Unang araw - Group Battle
Pangalawang araw - Dual Battle
Pangatlong araw - One on One Battle
Nakakagutom na araw.
Agad naman akong bumihis, sa canteen ako kakain madami kasing pagpipilian doon haha
Oo nga pala si Jess sabi nya kanina mag-eensayo daw ulit sya. Sipag, samantala ako tinatamad.
Ewan ko ba, o sadya lang talaga ayaw kumilos ng katawan ko.Pagkarating ko sa Canteen ay dumiretso agad ako sa kuhaan. Raramihan ko yung pagkain para may lakas ako bukas ^__^V
Pupunta pa ako sa Library mamaya. Hahanap ako ng pweding maging takteka.
"Lianna dito" napalingon naman ako sa tumawag. Nandito pala sila.
Bakit kaya di ko nakita si Slave, baka pinagtataguan ako haha
"Salamat Princess Cathy" sabi ko sabay upo sa upuan na tinuro nya.
"Cathy na lang" napangiwi naman ako.
"pe-"
"Walang pero pero sundin mo na lang ako" ano pa nga bang magagawa ko.
"Oo nga pala pati rin sila tawagin mo na lang sa pangalan alisin mo na yung Princess at Prince thingy na yan."
Tumango na lang ako. Pangalawang ulit.
Ano pa nga bang magagawa ko.
Eh di wala.Nagsimula na namang magbangayan yung dalawa. Si Cathy at Clide. Sabi nya eh alisin yung princess at prince thingy.
"Ang pangit mo pala Cath"- Clide
"baka ikaw" - Cathy
"Gwapo kaya ako" -Clide
"San banda?" -Cathy
"Sayang bulag pala" - Clide
"Sayang malapit na masasapak ko na" - Cathy-__- kami
Ang ingay nila.
Kumakain yung tao eh.Natapos ko naman lahat kainin yung mga pagkain ko. Saka nagpaalam na din sila. May gagawin pa daw sila eh.
Makapunta na nga sa Library.
Pagdating ko ay pumunta ako sa pinakadulo.
Ang laki ng Library nila siguro ilang oras ko pa mahahanap yung librong kailangan ko.
Ang alikabok naman dito.
Ano bang aklat ang maganda???Napapansin ko lang puro mga luma na yung dito yung iba nabura na yung mga pangalan.
'Element Book'
'Techniques Skills'
Uhmm magaganda naman kinuha ko naman iyon. Makakatulong ang mga ito.
Napatingin ako dun sa kinuhaan ko ng libro bigla kasing may kuminang. Nanggagaling yata sa isang libro. Kinuha ko naman ito.
Ang bigat at ang kapal.
Kung ilalarawan sya kasing kapal nya ang pinagsamang dalawang libro ko na kinuha kanina bali ang taas nya 5 inches.
Tapos napapalibutan sya ng parang bagin tapos kulay gold ang kulay ng balot ng libro kaya siguro kanina kuminang kasi gold.
BINABASA MO ANG
White Academy
FantasyWhite Academy Sa paaralang ito nag-aaral ang mga hindi ordinaryong tao dahil meron silang natatanging kapangyarihan. At tanging Whitenians lamang ang nakakapasok. Paano kung may babaeng lumipat dito na walang nakakaalam kung sino nga ba sya at kung...