----Your past will be your memory at present.----
1 YEAR LATER
CATHY's POV
"Siguro mas masaya kung kasama natin si Lianna." nakangiting pahayag ko bago inilipat ang tingin sa tanawin na nasa ibaba ng burol.
Hanggang ngayon ay hinahabol pa rin kami ng ala-ala ni Lianna. Hanggang ngayon ay nangungulila pa rin kami sa presensya niya.
Taon na ang lumipas at kay rami na ang nagbago pero ang paghanga namin sa kanya ay hindi magbabago. Lubos naming hinahangaan si Lianna sa mga ginawa niya.
"Nami-miss ko na siya" sabay sabay kaming tumango sa sinabi ni Jessica. Nalulungkot pa rin ito dahil nawala man lang si Lianna ay hindi niya pa ito nakakausap at wala nang panahon para makausap pa ito.
Inakbayan kami ni Jessica ni Kardia at tumawa.
"Si Ulter ang tipo ng taong hindi nagpapatagal ng sama ng loob. Saka siya ang nagkulang sayo kaya ikaw ang dapat magpatawad sa kanya." pagpapagaan niya ng loob kay Jessica.
"Kung ano ang pagkakilala niyo kay Ulter ay ganun din kami. Pangalan at katauhan lang ang itinago niya sa inyo."
"Bakit Ulter pa rin ang tawag niyo sa kaniya?" natawa siya at tiningnan ang mga kaibigan.
"Yun kasi yung pangalan nang taong lubos naming ginagalang at hinahangaan bago niyo pa siya nakilala."
Tumango ako.
Ngumiti sa akin ang iba pang dating member ng Dark Ace. Simula nang mawala si Issanna Dark at ang school ng Darkenians ay sa White Academy na sila lumipat para na rin sa kanilang pamilya.
Nalaman din namin na kapatid Ang i Jessica si Zenn na isa Dark Ace at kasama namin ngayon.
Ang kuya ni Xerry, yung batang may kapangyarihan ng apoy na si Xerrick na dating may gusto kay Lianna pero ngayon ay boyfriend ni Roxanne. Napangiwi ako. Hindi ko talaga akalaing magkakagusto sa kanya si Xerrick.
"May galit ka pa rin ba sa akin Princess Cathy?" umiling ako kay Roxanne at natawa. Inakbayan naman siya ni Xerrick na natatawa rin.
Pinagplanuhan namin ang pagpunta dito sa buron na kinaroroonan namin para mag-relax dahil bukas ay pasukan na naman. Sampu kaming narito at ang kulang ay sina Clide at Keith na hindi namin alam kung saan pumunta at tumangging sumama sa amin.
Kami na ni Clide. At alam kong kung nasaan man si Lianna ay masaya siya para sa amin ni Clide. Ganun din kay Blake at Angelica na ikalasal pagtapos ng taon namin sa pag-aaral. Nakakagulat pero mahal nila ang isa't isa eh kaya nagdesisyon na nang pangmatagalang pagsasama.
Inalis ni Kardia ang pag-akbay niya sa amin bago tumulala sa harap.
"Ang sungit ni Prince Keith noh!" napatingin kaming lahat sa kanya.
"Matagal na Kardia haha."
"May gusto ka sa kanya noh" tukso ni Angelica sa kanya.
"Grabe naman kayo sa akin. Di ko naman papalitan si Ulter sa puso niya eh. Nasabi ko lang kasi habang tumatagal lalo siyang sumusungit. Inirapan niya ako kahapon ng tawagin ko siya para lang magtanong."
Tumawa kaming lahat sa kanya. Sanay na kami kay Keith. Pero totoo lumalala ang pagiging masungit niya. Naiintindihan rin naman namin siya. Nang mawala si Lianna ay kalahati ng puso niya ang nawala rin. Mahal na mahal niya si Lianna na hanggang ngayon ay wala siyang ibang pinapapasok sa buhay. Hindi siya tumitingin sa ibang babae. Dahil sa kanya wala nang mas hihigit pa sa babaeng nagmamay-ari ng kalahati ng puso niya.
BINABASA MO ANG
White Academy
FantasyWhite Academy Sa paaralang ito nag-aaral ang mga hindi ordinaryong tao dahil meron silang natatanging kapangyarihan. At tanging Whitenians lamang ang nakakapasok. Paano kung may babaeng lumipat dito na walang nakakaalam kung sino nga ba sya at kung...