Chapter 8:
( Amber's POV)
" what is he doing here?! " sigaw ng lalaki na ito pagpasok na pagpasok sa condo ko at talagang nainigaw pa! ang kapal ng mukha ako ang nag open siya ang umuna pumasok?!
" anong sinisigaw mo j-- oh! " shit! nakalimutan ko pinauna ko pala siya dito, Jun! bakit ngumiti ngiti ka? don't tell me plinano niya ito?
" Amber, bakit kasama mo siya? sorry na Amber please patawarin mo na ako di ko na ulit gagawin iyon " bingo! tama nga ako plinano ito ni Jun, ang galing niya nakuha ko na agad ang plano niya.
" tapos na tayo Jun kaya umalis kana at may gagawin pa kami ni-- basta alis! " sigaw ko sa kanya kaya naman napatingin si lalaki, ano ba naman yan di ko parin alam pangalan niya.
" Amber gagawin ko lahat patawarin mo lang ako please " lumuhod si Jun sa may paahan ko hahahaha! ang kawawa niya tignan at si lalaki naman na kasama ko eh nag cross arms lang.
" hoy lalaki umalis ka na sabi ng girlfriend ko at wag ka na ngang magpapakita sa kanya at pati narin sa akin! " che! hoy lalaking taga neptune ang sarap mong batukan! kung makasigaw ka naman kay Jun.
" wag kang makealam dito pare, Amber wag kang mabahala basta kapag ayaw mo na sa kanya balikan mo lang ako " sabi ni Jun at tumayo na yahoooo! galing! galing! pwede na pang artista.
Lumabas na si Jun at nag grin na lang siya at di naman nakita ng lalaking taga neptune, wow lumevel up ata dati pluto ngayon neptune.
" wag ka ng makikipag kita sa lalaking iyon Amber! " argh! he is so irritating!
" hoy lalaking galing sa neptune pluto pwede ba wag mo akong sisigawan! at tsaka kung maka asta ka naman para kitang asawa! " sabi ko sa kanya at nagpunta na sa kwarto, alam kong nakasunod lang siya kaya pinabayaan ko na. Inempake ko na ang mga damit ko at kung anu-ano pang aparatus ko na nilalagay pero nah! di ako naglalagay ng make-up kasi alam ko naman na maganda na ako di katulad ng mga ibang babae sa school na napuno na ng kolorete sa mukha ampapanget.
" ano to?! bakit kayo magkasama sa picture ng alaking 'yon? " huh? nilingon ko naman siya at boom! nakalimutan ko pala na nakalagay sa study table ko ang picture frame na may picture namin ni Jun! bakit ba ako palaging nakakalimot?!
" akin na nga yan! pakialamero! " agad ko namang kinuha yung frame at saka tinago ko sa walk in closet ko, pakialamero talaga siya! mabuti naman at di nalang niya pinansin masyado at nagsimula nanan siyang nagikot ikot sa kwarto. Maya't maya natapos na ako sa pag eempake, yung mga damit naman na dinala ko eh di naman karamihan kasi alam ko naman na madali ko lang magagawa ang mga plano ko. Siniguro kong dalhin ang mga damit ko na pang night out kasi amboring naman nun kung palagi lang kaming magkasama at saka ay basta! gusto ko lang walang flavor of the week ako ngayon eh nakaka stress!
" good afternoon po ma'am, ma'am sino po siya? " tanong ni manong guard yung sa basement yung nakakaalam na boyfriend ko si Jun kuno.
" ah, siya ba? ay alila k-- "
" boyfriend niya ako na iniwan sa new york nung may nangyari sa amin tapos sinundan ko siya dito sa Pilipinas at magiging fiance ko siya pagkatapos magiging asawa at magkakaanak ng isang team ng soccer players at magkakaapo ng isang batallion ng sundalo at mamatay ng sabay amen. " sabi niya sabay hatak sa akin, woah! ang bilis niyang magsalita! parang nag tounge twister lang kaya naman napa nganga lang si manong guard.
" hoy anong pinagsasabi mo na magiging mag fiance at mag-asawa at magkakaanak ng isang team ng soccer palyers at magkakaapo ng isang batallion ng sundalo?! " ang haba nun muntik na akong bilaukan sa bilis ng pagsalita ko, nahawa tuloy ako ditong si lalaking taga neptune.
BINABASA MO ANG
The Casanova Queen
Teen FictionA girl who change because of her past. Will she able to find love again after being hurt? or She will continue being a Casanova Queen?
