Chapter 63:
(Third Person's POV)
Parang naging daily routine na nila Amber at Crayon ang palaging pinagtitinginan simula pagpasok nila sa gate at pati na sa parking space, hindi na lang nila pinapansin ang mga tingin ng ibang tao kasi wala naman silang alam sa totoong nangyayari sa pagitan nilang tatlo.
Marami silang naririnig na ang sama sama ni Amber kasi sinaktan na naman niya si Kevin pero binabalewala na lang yun ni Amber kaya yun na rin ang ginawa ni Crayon.
May mga oras naman ding naiirita na talaga si Crayon kaya kung wala si Amber, pumasok ba sa comfort room at siya nasa labas tapos narinig niya na may nagchichismisan na nagpaparinig kay Amber sa loob ng comfort room walang hiya niyang pinasok ang mga ito sa loob ng cr at tinitignan ito ng masama kaya naman matatahimik sila pero di parin niya ma control kasi abot na ata sa buong school ang mga chismis na wala namang katuturan.
May mga araw na sasakit ang ulo ni Amber kaya di siya papasok sa school at lalabas naman si Crayon upang bumili ng mga gamot at vitamins ni Amber makikita niya sa di kalayuan si Kevin na nakatingin lang sa bahay niya at kapag makikita siya ni Kevin agad itong tatalikod at aalis na kaya, hindi din niya mapigilang maawa kay Kevin kasi parang tinaggalan siya ng karapatan ni Amber sa bata ngunit di naman niya masisisi si Amber kasi babae lang din siya, sinaktan kaya nagkaganyan.
Regular naman ang pagpunta ni Amber sa ospital ng tito ni Crayon at nagpapasalamat naman si Crayon kasi kumakain na ng maayos si Amber, kasi naman nung pagkatapos niyang malaman na buntis siya hindi pa siya napapalagay noon at parang may bumabagabag sa sarili niya kaya wala siyang maayos na tulog at kain pero hindi din naman siya pinapabayaan ni Crayon kasi alam ni Crayon na kapag papabayaan niya si Amber na magkaganoon may mangyayaring masama dito lalo pa may sakit si Amber dahilan nung trauma niya.
Last day na ng Febuary ngayon at 1 month ng buntis si Amber, di pa naman malaki ang tiyan ni Amber pero kapag mag susuot ito ng fitting na damit makikita mo talaga na ang maliit na beywang nito ay parang may nag-iba at saka mabuti na din na ang sinusuot ni Amber ay mga maluluwag ng konti katulad na lang ng mga dress, ayaw niya kasi na ma chismis na naman siya sa school kasi alam niya na madadagdagan at mababawasan ang mga chismis kaya kung maari iiwasan niyang malaman ng iba na buntis siya at kabilang na doon ang pamilya niya.
Hindi din nakalampas kay Jun ang balitang buntis si Amber, medyo nagalit nga si Jun kay Kevin nung sinabi ni Amber sa kanya na buntis siya kasi naman daw iningatan niyang mabuti si Amber tapos gaganunin niya lang ito kaya naman doble din ang pagbabantay ni Jun kay Amber sa malayo.
---------
" Amber, di muna kita masamahan sa school mo ngayon ha kasi naman may urgent meeting sa companya ko" sabi ni Crayon habang kumakain sila ng almusal. Napatingin lang sa kanya si Amber.
" ano ka ba Crayon, wag mo nang alalahanin ako. Buntis lang ako hindi naman ko disabbled at saka nakabantay naman si Jun sa akin sa malayo kaya magiging okay lang ako" sabi niya sabay hawak sa kamay ni Crayon, hindi naman pinalampas ni Crayon ang kamay ni Amber kaya hinawakan niya din ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/7024997-288-k101906.jpg)
BINABASA MO ANG
The Casanova Queen
Teen FictionA girl who change because of her past. Will she able to find love again after being hurt? or She will continue being a Casanova Queen?