Chapter 29

53 3 0
                                        

Chapter 29: 

(Kevin's POV)

" AMBER!" sigaw ko pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto, nagulat ako sa nakita ko. Si Amber ay parang hirap makahinga, nakahawak siya sa may dibdib niya at yung paa niya may sugat at puro dugo. Di na ako nagdalawang isip na lumapit pa. Agad ko siyang binuhat papunta sa kama.

" Amber, please tell me what happened" alam ko para akong tanga na ngayon ay mukha nang gripo ang mata. Oo umiiyak ako eh paanong hindi eh parang si na makahinga mahal ko eh, umalis lang nga ako sandali tapos ito na ang nangyari aaaaaaaargh! nakakainis kasi yung tourista kung di sana siya puro angal edi sana di nagkaganito si Amber sana aaaaaaaargh! shit!

" I-I can't b-b-breath!" shit di ko na alam ang gagawin ko, I called ambulance and then suddenly Amber is on my hands now lying, she still has a pulse nahimatay lang siya pero aaaaaaarggghh! I'm in panic!

Nandito ako sa labas ng emergency room, pabalik balik ng lakad. Tinawagan ko na rin ang parents niya at pati kuya niya di ko talaga alam kung anong gagawin.

" where the heck is my sister?!" nagulat ako dahil bigla akong kwinelyohan ng lalaki, sa pagkakaalam ko siya ang kuya ni Amber, aakmang susuntukin na sana niya ako pero pinigilan siya ni Mr. Gilbert, ang ama ni Amber.

" stop that Angelo " malambing na pagkasabi ni Mrs. Gilbert mommy ni Amber, magkamukha na magkamukha talaga sila parehong parang anghel.

" where is my daughter? what did you do to her? may ginawa ka ba sa kanya? " mahinahong pagtatanong lamang ang ginawa ni Mr. Gilbert pero nakakanervous parin.

" nasa loob po siya ng emergency room, wala po akong masamang ginawa sa anak niyo nakita ko na lang po siya pagkadating na pagkadating ko na nasa sahig nalang siya hirap makahinga at puno ng dugo ang paanan niya."

" hirap makahinga? oh god! baka bumalik na naman ang alaala niya this is all my fault! if I should just be a good mother to her" what? di ko maintindihan, anong alaala ang sinasabi ng nanay ni Amber at good mother?

" honey no, this is not your fault that jerk, yung lalaking iyon ang may kasalanan kung bakit naging ganito si Amber kung bakit nagkatrauma siya." sabi ng tatay ni Amber habang yakap yakap ang nanay ni Amber na ngayon ay iyak ng iyak. May trauma siya? pero sino? sinong lalaki ang tinutukoy nila? yun ba yung first boyfriend ni Amber?

" dad lumabas na ang doctor " napalingon naman ako sa kalalabas na doctor, siguro ito yung duktor ni Amber.

" kayo po ba ang kamag-anak ng pasyente na si Amber Gilbert? " tanong ng doctor tumango naman ang mga magulang ni Amber pati kuya niya.

" according po sa record mas grumabe ang trauma niya, siguro may nakapagpaalala na mga bagay bagay sa kanya tungkol sa bagay na pilit niyang kinakalimutan at baka rin na dahil sa sobrang lungkot ay naalala na naman niya ang pinagdaanan niya tungkol sa bagay na iyon. Kailangan po nating mag-ingat dahil baka maulit na naman ang ganitong pangyayari mabuti nalang po naisugod siya agad sa hospital kung hindi baka wala na po ang anak niyo. " Napaluha na naman ang nanay niya at napasuntok na lang sa wall ang kuya niya.

Nanahimik na lang ako sa tabi tabi baka magkagulo pa.

" pwede niyo na pong puntahan ang pasyente, nasa kwarto niya na po siya." pagkatapos sabihin ng duktor yun ay agad namang sumugod ang mga magulang niya at kuya niya kaya sumabay na rin ako, gusto ko ng makita at mayakap si Amber, naguguluhan ako sa mga pangyayari.

" Amber anak " agad na niyakap ng nanay ni Amber siya, at nakita ko naman kung paano nagbago ang expresyon niya sa mukha, parang galit di ko maintindihan.

" umalis kayo, di ko kayo kailangan. " di siya nakatingin kahit isa sa amin, at yung tono niya parang iba, di ko maintindihan kung ano ang nasa pananalita niya.

The Casanova QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon