Chapter 9

93 4 0
                                    

Chapter 9: 

( Kevin's POV )

" at sinong may sabi na manghihiram ako? magpalit ka nga baka lamigin ka niyan" sabi ko sa kanya, naka sando ba naman na kitang kita ko pa naman ang bra niya at ang iksi ng shorts nang-aakit ba siya? naku naman o tukso! layuan mo akoooo~

" ha! tama nga ako, ang hot ko ano? " sabi niya sabay higa agad sa kama at binalot niya yung kumot sa katawan niya at pumikit agad, nakakainis ang babaeng ito, bakit ba kasi sa kanya pa ako natamaan letche naman yang si kupido, naubusan ata ng pana kaya binaril na ako, ano ba naman ito ang mais mais ko na.

AAAAAAAAAAARGH! bakit ang sexy sexy ba kasi niya, wala narin akong nagawa kaya naman humiga narin ako, saan ba ako haharap? sa kanya? o tatalikod ako? ano ba naman niyan! ako yung nahihirapan eh, ako pa naman yung nagpumilit na dito siya sa bahay ko titira oo bahay ko to kakabili ko lang nung pag uwi ko dito sa pilipinas at pangako ko na siya lang ang babaeng unang makakapasok dito at dito ko papatulugin oo na ako na romantic pero bakit di yun napapansin ni Amber? hanggang ngayon pa pala di pa niya alam pangalan ko.

Gumalaw siya ng konte kaya naman nakita ko eh yung likod niya naka ipit pa talaga masyado yung paa niya siguro giniginaw siya, sabi ko naman sa kanya na magpalit siya ayaw naman niya ayan tuloy giniginaw na. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko nalang siya at yung paa ko eh pinatong ko sa kanya hindi yung buong paa ko talaga baka madurog ang payat pa naman ng babaeng ito pero di naman yung todo na payat talaga.

Ang bango naman ng buhok niya, yung kamay ko eh sa may stomach niya na part hoy hindi ako nanananching ha pero wala lang ang sarap niya kasi yakapin kaya lang mabuto pero bahala na mahal ko naman eh, oo na confirm ko na, na love at first sight ako sa kanya, ang ganda ba naman kasi mala anghel ang mukha pero yun pala may masamang budhi pero joke lang baka batukan ako ng mahal ko at magalit pa at maghanap ng iba oo and drama ko na naman ano ba naman to iba't ibang genre na ata ang story na ito.

Ang saya siguro noh kung ganito kami araw-araw yung hindi niya ako aawayin pero konting hintay narin baka magkakatotoo nga patience is a virtue pero baka mahulog sa patience is abuso kaya wag nalang basta papainlabin ko siya sa akin within two weeks! Bigla kong naramdaman na may humawak sa kamay ko, si Amber lang pala, hohohoho ang saya ko, pssh, ang gay ng dating pero okay narin kesa sa kinikilig ako pero aaminin ko kinikilig talaga ako walang aangal.

Siguro mas masaya kung yung tiyan niya may laman, naku ang green ng dating pero bahala na basta mas gusto ko ganito yung mag-asawa kami hehehe, tulog na ba siya? siguro naman nakatulog na, binaon ko na lang yung ulo ko sa may leeg niya hmmm... ang bango naman niya ano kayang sabon ang gamit niya? ng magamit ko rin at pareho na kami ng amoy?

May klase na pala makatulog na ugma baka magka dark circles pa ako sa mata at mag mukhang zombie at ipagpalit na niya ako sa iba naku naku dapat di iyon mangyari iihawin ko talaga ng buhay ang sino mang ipapalit niya sa akin.

" good night baby sweet dreams " sabi ko sabay halik sa may leeg niya oi wag kayong green minded nanglalambing lang hehehe, ang sarap kagatin hoooo! mag hunosdili ka nga Kevin wag mong pagsamatalahan ang tulog, kung gisingin ko kaya? ay may naisip ako, kinuha ko yung phone ko sa sidetable ko gamit ang isa ko pang kamay, hindi yung hinawakan ni Amber at saka nag picture kami dalawa hehe ako lang pala yung naka smile tapos siya ang ganda *O* ano ba naman to nakaka bakla pero grabe parang anghel na natutulog.

Pinost ko sa twitter ko at saka may caption na ' The only Girl that I will only love and first enter my bedroom ' hehehe kinikilig ako ano ba naman yan nakakabakla ulit, ang daming nag retweet at nag favorite, wow ang bilis naman may nag comment na ang sweet, naka kiss kasi ako sa pisngi niya tapos parang naka patong yung ulo ko sa may leeg niya sige ako na ang sweet eh sa masaya ako eh kasama ko mahal ko basta paiibigin kita sa akin Amber.

------------------------------------------------------------------- 

Alam niyo yung feeling na pati mismo kayo kinikilig sa ginagawa niyong lines sa story? ghad! ang sweet ni Kevin sana may ganyan hanggang ganun hehehe. Support kayo :D

Ang susunod po na chapter ay naka private i follow niyo na lang po ako kung gusto niyong basahin thank you :D

Vote, Comment and Follow me :D

-DLL

The Casanova QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon