Chapter 33:
(Flashback Mode)
" mahal na mahal na mahal kita Amber Gilbert pinapangako ko sa iyo na ikaw lang talaga at wala ng iba pa ang papalit pa sayo dito sa puso ko "
"oo Amber di kita iiwan, kahit ipagtabuyan mo man ako kahit may mga babae mang umaaligid sa akin di ko sila papansinin ikaw lang talaga."
" halika na nga Amber ko bumangon ka na jan sige ka di kita ipapakilala sa bestfriend ko"
" hahaha Amber alam mo mabait yung bestfriend ko, pareho kami hahaha "
" Amber punta ka dito sa bar ko, may sasabihin ako sa iyo"
"hahahahaha! ang tanga mo Amber naninwala ka naman! hahaha tanga!"
" umalis ka nga Amber ang baduy mo! wala ng pag-ibig sa mundo ngayon hahaha! "
" I'm sorry Amber but I am just only using you"
" hindi kita mahal"
" pinaglaruan lang kita kaso ang boring mo ang dali mong nahulog sa mga kasinungalingan ko hahahaha!"
" sayang na maganda ka sana pero nah! masyado kang innocente! pati pag halik di mo alam! "
" ayaw ko sa iyo masyado kang boring walang challenge"
" pinaglalaruan lang kita intindi mo? di kita mahal at wag kang umasa na mahal kita hahahaha!"
Wala sa sarili na umuwi si Amber sa bahay niya, di niya alam kung paano siya naka-uwi ng naglalakad basta walang laman ang utak niya kundi ang mga sinabi lamang ni Cray sa kanya.
Pumasok siya sa kwarto niya at pumasok sa loob ng cr niya. Umupo siya sa loob ng shower room at pinaandar ang shower. Basang basa siya, naguunahang tumulo ang kaniyang mga luha, di niya alam ano ang kanyang gagawin. Nang tumayo siya nakita niya ang repleksyon niya sa salamin.
Bigla niyang naalala ang mga pinagsasabi ni Cray ang unang lalaki na minahal niya. At nanakit sa kanya.
"di kita mahal"
" pinaglaruan lang kita kaso ang boring mo ang dali mong nahulog sa mga kasinungalingan ko hahahaha!"
" sayang na maganda ka sana pero nah! masyado kang innocente! pati pag halik di mo alam! "
" ayaw ko sa iyo masyado kang boring walang challenge"
" pinaglalaruan lang kita intindi mo? di kita mahal at wag kang umasa na mahal kita hahaha---" sa glit niya ay bigla niyang nasuntok suntok ang salamin. Puno ng dugo ang kamay niya pero pinagsusuntok niya lang ito at wala siyang pakealam kung nasugatan na siya at madami ng bubog ang pumapasok sa mga sugat niya sa kamay.
"aaaaaaaaaaaaaaaaaah!....aaaaaaaaaaaaaaaaaah!" sigaw niya habang nakaupong sinasabunutan ang sarili. Puno ng dugo ang damit niya at ang tubig na dumadaloy ay naging kulay dugo na.
May nakita siyang isang matulis na bagay, isa sa mga piraso ng basag na salamin, inabot niya ito. Nanginginig ang kamay niya at ng naabot niya agad niyang itinuon ito sa pulso niya.
Mas dumami ang dugo na umaagos sa kanya at unti-unti siyang nawawalang ng malay at hanggang sa wala na siyang makita.
Naisugod agad siya sa hospital at mabuti naman at naagapan pa. Na infection siya dahil sa mga bubog na pumasok sa mga sugat niya sa kamay at pati narin sa paanan niya. Nasa isang kwarto lang siya na puro puti. Walang ni isang tao ang pumasok, nakatunganga lang siyang nakayuko na naka-upo sa kama niya. Biglang bumukas ang pintuan at nakita niya ang isang lalaki, ang tanging lalaki na labas pasok sa kwarto niya simula ng pangyayari sa banyo niya. Hindi siya nagsasalita sa kahit kanino, ni pagtango di niya ginawa. Di siya nanghihingi ng kung anu-ano. Ang lalaki pa mismo ang nagliligo at nagbibihis sa kanya at yun ay si Jun ang personal butler at bodyguard niya, at ang unang lalaki na nakakaalam kung ano ang tunay na nnagyari di nga lang yung sinabi niya. Di niya kwinento sa lalaki dahil nakita mismo ng lalaki ang nangyari sa kanya, nandoon si Jun sa bar kung saan narinig niya lahat na pinagsasabi ni Cray sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Casanova Queen
Teen FictionA girl who change because of her past. Will she able to find love again after being hurt? or She will continue being a Casanova Queen?