Chapter 31:
(Kevin's POV)
" Doc pwede ko po ba kayong maka-usap?" nandito ako sa loob ng office nung duktor ni Amber.
" oo naman, kaano-ano mo ba si Ms. Amber? " nasa 40s na siya at mabait ang aura.
" boyfriend niya po ako" sabi ko sa kanya. Alam ko kapag si Amber ang tatanungin kung kaano-ano niya ako malamang ang sasabihin nun ay kapitbahay o kung anu-ano wag lang yung mga romantic relationship.
" hahaha, paano mo siya napapayag na maging girlfriend mo? " aba nang iinsulto ba itong doctor na ito?
" ah wag na po yan nating pag-usapan baka maabutan po tayo ng bukas." yun nalang nasabi ko nakakairita naman ng duktor na ito, ang chismoso.
" pero ang ipinagtataka ko lang hijo ay bakit di niya kasama yung lalaking parati niyang kasama kapag may check up siya sa akin. " ano? may kasama palagi si Amber kapag pumupunta siya dito? sino naman?
" sino naman po yun? " napakunot kong tanong, yun ba yung lalaking nanakit sa kanya? ay mali kasi wala na pala sila nung nagkatrauma si Amber.
" ah di ko alam ang pangalan pero parang mag boyfriend at girlfriend sila, basta matangkad yung lalaki, yun lang ang natatandaan ko."
" ah ganun po ba? " sino kaya yung lalaki na iyon?
" gusto mo bang malaman kung bakit nagkatrauma si Amber? " sumreyoso ang mukha niya at makikita mo ang bakas ng kalungkutan dito. Ano ba talaga ang nangyari kay Amber? kailangan kong malaman.
" pwede niyo po bang sabihin sa akin lahat ng nalalaman niyo tungkol kay Amber? " may pagmamakaawa sa boses ko.
" sige pero siguraduhin mo na patuloy mo paring mamahalin ang bata yun di dahil sa awa kundi dahil sa totoo mong nararamdaman para sa kanya."
" oo naman po, pinapangako ko po."
" nasa unang baitang pa lamang sa college si Amber ng nangyari ang mga pangyayaring di mo inaasahang mangyayari sa isang bata na sobrang bait at inosente. Nagkanobyo siya ng isang lalaking sikat sa kanilang paaralan, masaya siya dahil palaging sinasabi ng lalaki na mahal na mahal siya nito, na siya lang ang nag-iisang babae na papakasalan at mamahalin nito hanggang sa mamatay ang lalaki. Alam ng lahat ang relasyon nila, pati magulang ni Amber. Akala niya na ang unang lalaki na minahal niya ay talagang yun na ang papakasalan niya pero isang araw parang gumuho ang lahat ng pangarap niya para sa kinabukasan nilang dalawa, alam niya na masyado pa silang bata para magpakasal at sinabi niya sa magulang na magpapakasal sila at pumayag naman ang mga magulang niya. Nakipagkita ang lalaki sa kanya sa isang bar, nakita niya na may kahalikan ang lalaki, maraming nakapaligid na babae sa kanya at siya sinugod niya ang mga babae dahil sa pagaakalang hinaharass ang nobyo niya pero di niya alam na isa palang playboy ang lalaki, inaway-away siya ng mga babae na nakaaligid sa lalake at sa mga panahon na iyon di man lang siya tinulugnan ng lalaki, masaya itong sinasabayan ang mga pagtawa ng mga babae na nang aaway kay Amber at sinabi sa kanya na ang lahat pala ay kasinungalingan lang. Si Amber lang talaga ang nakakaalam ng totoong sinabi nung lalaki, umuwi siya na wala sa sarili. Nagtangka siyang magpakamatay sa pamamagitan ng paglalaslas, mabuti nalang at isa sa mga katulong nila ay nakakita sa kanya sa loob ng kwarto niya kaya naman agad siyang isinugod dito sa ospital na ito. Simula sa araw na iyon bigla na siyang nagbago, sa isang mahinahon na babae naging palaging galit, at mas worst pa galing sa pagkainosente naging liberated na siya. Trauma, oo na trauma siya minsan nga nung naglalakad siya dito sa mga hallway ng ospital, nakakita siya ng dalawang magkasintahan, bigla niyang sinugod ito at nagwala. " di ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko dahil sa mga sinabi ng doktor pero naguguluhan parin ako doon sa sinabi ng nanay ni Amber na if naging good mother daw sana siya.

BINABASA MO ANG
The Casanova Queen
Novela JuvenilA girl who change because of her past. Will she able to find love again after being hurt? or She will continue being a Casanova Queen?