Chapter 65

37 2 0
                                    

Chapter 65: 

(Kevin's POV)

" Bilisan niyo ng maglinis kasi maaga kong susunduin ang asawa ko!! " sigaw ko sa mga tao sa loob ng bahay ko, naglilinis kasi sila kasi naman ngayon ko lang napansin na masyadong maraming basag na gamit sa bahay at hinid pwede na ganito ang ayos ng bahay kapag dumating si Amber...

Ayaw ko na masamang paligid ang kanyang tinitirhan kasi baka maka epekto ito sa kanilang dala ng anak namin.

May mga pinabago ako kagaya na lang ng mga bagong paintings sa mga dingding at saka yung dark colors na ipininta noon sa wall ko ay ngayon ay pinalitan ko na sa light colors kasi base sa mga na research ko na kapag ang babae ay nagdadalantao kailangan nitong nakatira sa isang relaxing place kaya nagbabalak din akong dalhin ko siya sa isang private island at saka kailangan daw nila ng mga light colors yung mga nakapalibot sa kanila para naman madalas ay nakakaramdam sila ng depression at stress kung ganon at saka sabagal daw iyon kaya naman pinabago ko yung mga painted dark colors ng wall ko baka ma depress at stress pa lalo si Amber.

Hindi ako mapalagay kaya naman tinulungan ko na sila agad na mag linis na pati ang magpintura, may alam naman ako kasi lalaki ako kaya dapat alam ko ang mga ganitong bagay pati ang paglalaba at pagluluto kasi naman di porke't lalaki ka hindi ka na marunong maglaba at magluto at puro asawa ka na lang, ayaw ko namang gawing maid ang magiging asawa ko na si Amber kasi alam ko naman na wala din yung alam at saka mahalaga pa siya kesa sa akin kaya gagawin ko para mabuhay lang siya sa isang masaganang pamumuhay.

Agad kong kinotak ang secretary ko at nagpahire ako ng mga professionals sa mga ganitong bagay at nung pag-uwi ko kasi agad ko siyang tinawagan kaya ng pagdating ko sa bahay, nandoon na ang lahat at kompleto na kaya naman wala akong pakialam kung naiingayan ang mga nandito sa bahay ko sa ingay ko kaka sabi kung ano ang gagawin basta matapos lang itong ginagawa naming semi renovation daw kuno para bukas, maaga akong makakapunta sa bahay ni Crayon at sunduin na si Amber at ang magiging anak namin.

Mga 1:56 am na ata kami natapos kaya naman hindi na lang ako natulog, kahit na umuwi yung mga pinahire ko na malinis na talaga ang bahay, dinistorbo ko muna ang sekretarya ko na magpadala ng limang katulong at saka security guard alas kwatro ng madaling araw para masabihan ko na sila kung ano ang kanilang dapat at hinid dapat gawin, baka masungitan sila kay Amber, agad naman niyang ginawa ang utos ko kaya matapos kong nagwalis walis para walang miski isang alikabok ang nakapasok, mga tsinelas pambahay nilabhan ko na at saka namili na rin ako ng kahit mg instant noodles o kahit ano ano pang nakita ko sa convenience store nilagay ko na sila sa mga cabinets ng maayos at saka nilinisan ko na rin yung CR kahit na nalinisan na kanina.

Sabi nila nakakapagod ang maglinis ng bahay? hindi naman ah sigurop tinatamad sila kasi hindi nila ginagawa ang trabaho nila ng mabuti. Maya maya pa at dumating na ang limang katulong at lima ding security gurad para isa sa umaga tapos papalit naman ang panghapon tapos magagabi na tapos sa madaling araw na naman kaya mabuti nang ganun ang shifting kasi hindi sila mapapagod at saka maayos na rin kung ganoon baka may makapasok pang magnanakaw at saktan pa si Amber baka ako pa makulong kasi papataying ko talaga ang mga iyon kung mangyayari man yun.

Sinabihan ko na sila na dapat maging jolly sila at wag na wag mag chismisan kapag nasa malapit si Amber at saka kung may ayaw sila kay Amber dapat sa akin mun sabihin kasi sinabihan ko na buntis ang asawa ko kaya magiging moody yun at siguro naman alam na nila dahil babae sila na ang mga buntis ay moody kaya maghinahinay talaga sila sa kanilang mga galaw na ipinapakita.

May isa namang katulong ang nagtanong siya ata ang pinaka bata kasi lahat mga 20+ na siya 19 pa, tinanong niya ako kung bakit hindi daw kami magkasama ng asawa ko kaya nagdadalawang isip pa ako pero sasabihin ko na sa kanila kasi alam ko naman na kating kati na silang malaman kaya sinabi kong,

"binuntis ko talaga siya at saka nung pumasok siya office ko may nakita siyang babae na kahalikan ko daw at saka narin nasaktan siya kaya iniwan niya ako at sumama sa karibal ko ang unang bouyfriend ng ni Amber pero hindi pa niya alam na bungis siya nung iniwan niya ako at hiniwalayan kaya naman nung narinig ko sa ospital na buntis siya at ilalayo niya sa akin ang anak ko, naku mabuti na lang at narinig ko sa mga katulong doon sa bahay ng karibal ko na isinugod siya sa ospital kaya naman agad akong napapunta doon at pinigilan siya sa kanyang desisyon na ilayo sa akin ang bata kaya naman ilang araw ko din siyang hinid ginulo at saka bantay sarado din siya ng lalaking yun kaya naman isang araw nagmakaawa ako sa kanya na bumalik siya kahit na binaba ko na ang pride ko pero wala eh mahal ko siya kahit iwanan ko lahat para sa kanya gagawin ko makasama ko lang siya kaya naman.... mabuti na lang at naapapayaag ko siya pero galit parin siya sa akin at ramdam ko iyon kasi hindi niya man lang ako matignan sa mata ng diretso kaya heto ako ngayon ginagawa lahat ng makakaya ko upang maging masaya siya kahit na walang kasiguraduhan ang pagtira niya ng matagal dito." ayun nga yun yung sinabi ko sa nagtanong at para naman silang maiyak-iyak paagkatapos ko iyong sabihin kaya pinangako nila na magiging mabuting katulong sila at yung mga security gurad naman na nakikinig lang parang nababakla kasi may papahid-pahid pa sa luhang kasama pero alaam ko naman na ako yung kaawa-awa sa paningin nila pero ang totoo si Amber ang nasa mahirap na sitwasyon ngayon lalo pa at mahihirapan siya kung sabihin ko na sa kanya yun pero gagawin ko muna ang lahat para pigilan ang deal na iyon between our company.

Ginawa naman nila ang kanilang mga trabaho at pati kasulok-sulukan na bahay pinalinis ko naa naman para walang duming pumasok, agad namang nagtrabaho ang mga security guard kaya naghanda na lang ako ng pagkain pagkatapos mamalengke nung 19 years old na katulong ko at mabuti naman kasi ayaw ko talagang instant foods lang ang kinakain ni Amber, dapaat maalusog siya at patii na rin ang anak namin.

Ayaw kong bigyan ng problema ang bata kapag lumabas na siya sa sinapupunan ni Amber, gusto ko mamuhay siya na kasam kaming dalawa ni Amber yung ginagabayan namin siya at pinoprotektahan at saka minamahal ng buo at palakihin siyaa na isang matapang na lalaki di katulad ko. Kung babae naman ay gusto ko maging kamukha niya ang nanay niya pero wag lang yung pagiging Casanova Queen niya.

Naligo na ako at saka nagbihis na sa maayos na proma yung elegante pero simple lang para naman kapag pumasok ako sa bahay ng Crayon na iyon hindi niya ako mamaliitin kasi naman kahit na bestfriend ko siya at saka mas matanda siya kesa sa akin still karibal ko parin siya kay Amber.

The Casanova QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon