Chapter 14

76 3 0
                                    

Chapter 14: 

( Kevin's POV)

" oi *hik* anong pangalan mo? hanggang ngayon di ko pa *hik* alam ang *hik* pangalan *hik* mo eh! " kakapasok lang namin sa bahay at buhat buhat ko nanaman siya ngayon, ang gaan nanaman niya, may kinakain ba siya?

" Kevin, Kevin ang pangalan ko " pa akyat na kami ngayon at muntik pa akong ma tapilok.

" Kevin? *hik* ang pangit ng pangalan mo? *hik* ano sure name mo? *hik* " ang likot niya, pinihit ko na yung door knob at sa wakas nakapasok na kami.

" Black, Kevin Black ang pangalan ko, ngayon alam mo na? " sabi ko sa kanya, siya naman pilit tumatayo pero di naman makatayo, umupo ulit siya.

" *hik* tanggalin mo sapatos ko! *hik* si Jun *hik* yun agad ginagawa! *hik* "

" who the heck is Jun?!" lumuhod ako at tinanggal nalang yung sapatos niya, ang taas naman ng takong nito, ganito ba ang tipo niya sa sapatos?

" si *hik* Jun? siya yung *hik* kasama ko araw-araw *hik* " huh? lalaki? kasama niya araw-araw?

" may aso ka? " baka naman aso panglalaki lang ang pangalan.

" hindi! *hik* si Jun yung *hik* nag-aalaga sa akin *hik* yung best friend ko *hik* gwapu yun at laki ng muscles *hik* " sino ba yang Jun na yan? best friend? eh akala ko wala siyang kaibigan? nag-aalaga? baka yaya niya?

" muscles? meron din naman ako nun ah at saka pwede mo rin naman ako taga alaga sa iyo at wag lang yung best friend, ayaw ko nun gusto ko asawa mo " sabi ko sa kanya at tumayo na, ang hirap naman tanggalin nung sapatos niya ang daming kung anu-anong kinakabit.

" may muscle *hik* ka? weh? *hik* patingin nga *hik* " hinila naman niya ako at saka tinignan tignan yung braso ko.

" hala may muscles ka nga! hahaha *hik* ang galing! " ang cute naman niya! parang bata, sana pala parating lasing itong babaeng ito.

" gusto ko piggy back *hik* ride! ay mali dapat *hik* sexy back ride *hik* dahil di naman ako piggy! " nakataas yung kamay niya at saka yung paa niya para siyang bata na gustong magpabuhat.

" ayaw ko tulog nalang tayo " ay di pa pala siya nakabihis, ano ba naman yan ako ba ang magbibihis?

" tulog? waaaaah! bihisan *hik* mo ako! *hik* dali na! *hik* si Jun *hik* binibihisan *hik* ako kapag di ko kaya *hik* " sino ba talaga yang Jun na yan at papatayin ko! binibihisan siya? edi nakita na ng Jun na yun ang katawan niya!

" sino ba talaga yang Jun na yan? " naiinis na talaga ako, puro nalang siya Jun ng Jun.

" bihis! *hik* bihis! " paano ko ba ito gagawin? pipikit nalang ako? sige sige mabuti yun. Pumunta ako sa walk in closet ko.

Damit ba ito? ang liliit at iiksi, baka magkasakit siya nito. Kumuha nalang ako ng polo ko.

" ang tagal *hik* mo naman! *hik* " akala ko tulog na. Bibilang nalang ako 1...2...3 pikit!

" ano ba Amber wag malikot! " nakapikit parin ako siya naman tawa ng tawa at sa wakas mabuti nalang at nasuot na.

" ang lwalaw! *hik* laki naman nito! " para siyang nagsuot ng dress sa laki, ang laki ko pala ngayon ko lang napansin.

" hindi sadyang payat ka lang talaga " sabi ko habang hinihiga siya sa kama, nakapagbihis narin ako kaya tabi na kami matulog.

" ako payat?! *hik* ang sexy ko *hik* kaya! " sabi niya sa akin sabay talikod. Niyakap ko na lang siya, bakit ang hilig niyang tumalikod?

" oi sorry na baby ko " paglalambing ko sa kanya di na kasi siya dumaldal pa, tulog na ata. Ang cute naman naming tignan. Bakit ba kahit inis na inis na ako dito sa babaeng ito dahil nakipag halikan siya sa iba eh biglang nawawala? Argh!

Sino kaya yung Jun na sinasabi niya? hardinero? ay hindi hindi, hardinero nila tapos nagbibihis sa kanya?

Yaya? hindi hindi parang mali naman yun siguro nag-aalaga pwede pa.

Kuya niya? hindi hindi parang incest naman ng dating.

AAAAAAAAARGGHH! sino ba talaga siya? ayan tulot di ako makatulog, kung makikita ko lang talaga ang Jun na sinasabi niya sisiguraduhin kong di na siya aabot sa June na Month kahit kailan!

Naramadaman ko na gumalaw si Amber, hala baka nagising ko. Bigla siyang humarap sa akin pero nakapikit , tulog ba siya?

" u-uoi " hinawakan niya ang mukha ko, hala hahalikan niya ba ako? ano ba naman yan ang babae ko pakinggan.

" Jonathan " huh? Jonathan? iba nanaman? kanina lang Jun yung sinasabi.

" hoy sino naman y-- "

" Jonathan " hala nag sleep talk na, bakit ang daming lalaki sa buhay nitong babaeng 'to?

" Amber sino naman yan kanina lang J---"

" Jonathan I love you " napakunot na yung noo ko, I love You? siya ba si Jun? si Jun at Jonathan ba ay iisa lang?

" Jonathan please " ano ba? naguguluhan na talaga ako.

" Amber hey, gu---"

" Jonathan don't leave me " umiiyak na siya ngayon,. aaaaaaaaaaaaaarggghhh! sino ba si Jun? yan ang tanong kanina? ngayon sino nanaman si Jonathan?! naguguluhan na ako ng sobra sobra, niyakap ako bigla ni Amber ng sobrang higpit.

" Jonathan mahal na mahal kita please don't leave me " di nalang ako nagsalita, gulong gulo sa mga nangyayari, mabuti pala hindi lasing si Amber, mas mabuti pang magsungit siya, awayin niya ako wag lang ganito, yung umaamin siya ng totoo.

" Amber wag kang mabahala mahal na mahal kita at di kita iiwan di katulad niya " yinakap ko ng mas mahigpit si Amber, sana pala she should have told a lie so that I would not be hurt like this.

--------------------------------------------------------- 

Ano ba naman 'to si Amber nag sleep talk pero advice galing kay L Gilbert, the best way to know the truth is that when people are sleeping, because they told the truth not the thing that they are making truth.

Vote, Comment and Follow me :D

-DLL

The Casanova QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon