Chapter 20

55 4 0
                                    

Chapter 20: 

( Amber's POV)

Nandito na ako ngayon sa labas ng SoundBar, mabuti nalang nakatakas ako doon sa lalaking iyon, akala ko nga magigising nung tinanggal ko ang kamay niya na nakapulupot sa beywang ko mabuti nalang hindi, kundi kulong ako doon.

Pumasok na ako at napapansin ko nanaman ang mga tingin ng mga tao sa akin at lalo na sa mga kalalakihan. Napangisi nalang din ako.

Nag text na ako kay Jude na nandito na ako kaya naman dito sa entrance kitang kita ko na ang mukha niya na palapit sa akin, nginitian ko siya. Naka red dress ako ngayon di masyadong showy ang harapan pero naka-open ang likuran at di naman ito masyadong fit sa akin at di rin maluwag masyado.

" hey there Amber mabuti naman at nakarating ka " sabi niya habang nag beso beso kami.

" ano ka ba sabi ko naman na pupunta ako diba? so asan na mga kaibigan mo? " tanong ko sa kanya. Nakita ko si Kean sa kalayuan na nagulat ata na may kasama akong artista di naman sa ngayon lang ako nagkasama ng artista sa katunayan may mga naka fling ako na celebrity pero ang kadalasan eh models.

" maagang umalis yung iba kaya tatlo lang ang naiwan, tara? " sabi niya sabay lagay ng kamay sa beywang ko kaya naman napalapit ako sa kanya.

Naglalakad na kami papunta doon sa may V.I.P room mukhang mayaman, kinindatan ko lang si Kean nung dumaan kami at siya naman napatawa lang, nakita ko si Jun, wow buhay pa pala siya akala ko inabanduna na ako matagal narin pala na hindi kami nagkikita, di ko papala siya nakausap tungkol doon sa pagsugod ni Kevin sa V.I.P room ko.

The Casanova QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon