Chapter 66:
(Thrird Person's POV)
" doon ako maatutulog sa guest room " agad na sabi ni Amber pagdating nila sa bahay kaya naman napatingin si Kevin sa kanya.
" maalikabok doon at saka maraming insecto kaya hindi pwede, doon ka sa kwarto natin " napataas naman ang kilay ni Amber sa sinabi ng binata.
" anong silbi ng mgaa katulong mo kung hindi mo iyong ipapatrabaho sa kanila? at saka anong karapatan mo para utusan ako na doon ako matulog sa kwarto MO? " pansin ang pagkagulat ng mga katulong sa inasta niya pati na rin ang mga security gurad na nakatayo lang sa gilid.
" fine, ipapalinis ko na sa kanila " hindi na lang pinansin ni Kevin ang sinasabing kwarto nila pero sabi naman ni Amber ay kwarto niya lang, agad naman niyang sinenyasan ang mga katulong kaya agad silang napapunta sa taas, hindi naman talaga magulo o hindi napalinis ni Kevin ang guest room sa katunayan ay lahat ng sulok ng bahay pati na ang bodega ay mas makintab pa kesa sa mga porselanang gamit nila.
Umupo na lang si Amber at nagbasa na lang ng magazine, napatingin naman sa kanya si Kevin kasi malakas yung pagkasalampak niya sa upuan at kahit na may foam ang sofa, ayaw niya na hindi nag-iingat si Amber pati na sa pag-upo nito.
" ano ba yan Amber, dahaan dahan nga sa pag-upo baka mapano ang anak natin " alalang sabi ni Kevin sa kanya at tinabihan an siya sa pag-upo matapos niyang sabihin sa mga security guard na sila muna ang maagdala ng mga gamit ni Amber sa taas.
BINABASA MO ANG
The Casanova Queen
Teen FictionA girl who change because of her past. Will she able to find love again after being hurt? or She will continue being a Casanova Queen?