Chapter 18:
( Amber's POV)
" anong ginagawa natin dito? " tanong ko sa kanya at may lumapit na babae mukhang siya yung manager napangiti siya at kumislap kislap pa yung mga mata.
" good afternoon sir " wow siya lang ang binati? aba loko 'tong manager na ito ah.
" hey bakit ba tayo nandito? " napalingon sa akin yung manager at parang disappointed yung mukha bwisit naman oh!
" ay ma'am magkasama ba kayo ni Sir? " aish! pigilan niyo ako mananabunot talaga ako dito!
" excuse me pero di ako kumakausap sa mga babae na naglalaway sa asawa ko " sabi ko at iniwan ko siyang nakanganga at pinahid pa niya ang bibig niya kung may laway nga at sa totoo meron talaga. Yuck kadiri, narinig ko ang mahinang tawa ni itim sa akin.
" halika nga dito ASAWA KO " sabi niya sabay ngiti, di ko siya maintindihan kanina parang toro na galit at saka ngayon parang maamong aso.
" hoy itim di kita naiintindihan kanina lang galit na g--- "
" ito isuot mo yang cap na iyan at ito shades o ayan pareho na tayo! " napatingin ako sa may salamin, pareho nga kami naka shades at cap, yung shades eh di yung makita mo ang mata parang yung sinuot ni Jude kanina.
Agad naman kaming pumunta sa counter. Napatingin ako sa babae parang nakatuon lang ang pansin niya dito kay itim.
" hoy asawa ko babayaran mo ba? " tanong ko sabay kapit sa braso niya at siya naman napatawa ulit, eh sa nakakairita ang babae eh tingin ng tingin kung tanggalin ko kaya mata niya aish!
" here miss " sabi niya doon sa babae at tinanggap naman ng babae sabay touch nung kamay niya dito kay itim.
" thank you po sir! come again! " masaya nitong sabi tss mga papansin.
Lumabas na kami sa botique at tinanggal ko na rin yung pagkakapit ko sa kanya sa braso niya kaya naman napatingin siya sa akin.
" o bakit mo tinangal kamay mo ASAWA KO? " sabi niya ng may nakakalokong ngiti sa labi, aaaaaaaaargggh!
" hoy itim wag na wag mo akong matawag tawag na asawa, ano ba yan ang bagal mo naman maglakad " binilisan ko kasi yung lakad ko.
" oo na asawa ko hahaha ang sarap pakinggan diba? " tss umakbay kasi siya sa akin kaya naman binalewala ko nalang siya, nakapasok na kami sa supermarket at kumuha na siya nung tulak tulak tapos may pinaglalagay siya na kung anu-ano may nakita pa nga akong mga babae na nakatingin sa kanya sabay bulungan at parang na koryente ata gumalaw galaw may mga high school students pa ata na gusto lumapit sa kanya kaso nahihiya may hawak pa na Camera.
Naiirita talga ako, eeeeeeh! sa pagkairita ko agad akong lumapit sa kanya at pinulupot nanaman yung kamay ko sa kanya kaya naman napatigil siya at napa ngiti nalanga yung isang kamay niya eh nakahawak doon sa tulak tulak na ay basta di ko alam kung ano at yung isa eh hinahawakan ko narinig ko naman ang mga pag singhap ng mga babae na nakatingin sabay bulungan ulit may mga kinilig pa nga.
" hey Asawa ko may pagka selosa ka pala at saka possesive ka pala " bulong niya sa akin kaya naman nanlaki bigla yung mga mata ko at siya naman tawa lang ng tawa hinampas ko pero parang walang epek ang tigas kamay ko ata ang nasira.
" ano ba yan ang tigas ng braso mo " sabi ko sabay hilot ko sa kamay ko at napansin ko na napatigil siya at nilapitan agad niya ako.
" ikaw naman kasi asawa ko hinampas hampas mo pa ang braso ko alam mo naman na may muscles ayan tuloy nasaktan ka patingin nga " kinuha niya ang kamay ko at saka hinilot pagkatapos ay hinihipan, mawawala ba ang sakit kapag ihipan?
*tsup*
" o ayan ayos na yan tara na? " bakit parang ang init ng mukha ko? hinalikan lang niya naman ang kamay ko namula na ang mukha ko di to maari baka may sakit ako.
Hinawakan nalang niya yung left hand ko yun kasi yung hinampas ko na kamay at saka yung left niya ay hinawakan yung tulak tulak.
" oi itim anong tawag jan sa tinulak tulak mo? " napalingon siya sa akin at bigla siyang natawa bakit ba palagi niya akong pinagtatawanan?
" hahahaha! ano ka ba naman asawa di mo alam? ehem ehem ito pong bagay na tinulak tulak ko eh ang pangalan nito ay cart hahaha bakit di mo alam ang tawag dito? di ka ba nag gro-grocery? " tanong niya sa akin kaya naman nataranta ako dahil baka masabi ko na si Jun yung gumagawa ng grocery.
" hindi naman ako nag gro-grocery at saka di ko naman kailangan " matipid kong sabi at ngumiti nalang at saka tumingin tingin nalang ako sa mga bagay bagay.
" eh yung mga napkin na ginagamit mo? saan ka kumukuha ng mga ganun? " O____O
" m-malamang binibili! " bakit ba ako nauutal? eh kasi naman ang pinaguusapan eh ang personal na mga kailangan ko na, di ba siya nahihiyang sabihin yun sa mukha ko?
" anong brand ng napkin ang ginagamit mo?" yung mata ko siguro ngayon ay sobrang laki na, naka drugs ba itong lalaking ito?
" bakit ba? pinapakealaman mo ang about sa ganung bagay mahiya ka nga babae kaya kausap mo " di ako nakatingin sa kanya habang sinasabi iyon.
" malamang para pag dalawin ka edi alam ko kung anong napkin ang bibilhinko at saka asaw naman kita ah "
" tumahimik ka nga itim asawa asawa ka jan sabing di mo ako asawa " bumitiw na ako sa kanya.
" eh tinawag mo ako na asawa kanina meaning nun asawa na kita " sabi naman niya kaya naman may mga napalingon sa paligid ligid.
" oo na matahimik ka lang tss " nakakita ako ng mga cereals kaya agad akong pumunta doon at kumuha ng walong box nito, nilapitan naman ako ni itim at napanganga sa nakita.
" Amber ilang ulit ko bang sabihin na wag kang kumain ng mga iyan, di yan healthy " sabi niya sabay balik nung mga kinuha ko doon sa tray kaya biglang tumaas ang presyon ko.
" tss kahit isa lang " sabi ko pero mahina lang yumuko nalang ako kasi talagang umabot na ako sa pinakaayaw ko, ang pinapakealaman ako.
" hey " tinaas niya ang mukha ko at wala na siyang shades ngayon, akin ay kanina ko pa tinanggal di ako nakakakita ng maayos.
" Amber wag ka ng magtampo oh, sige na nga pero isa lang ha " tumango nalang ako sa kanya gusto ko talagang sumigaw pero nagpipigil ako dahil baka isipin ng mga tao na ang iskandalosa ko tignan at walang pinag-aralan ayaw ko pa naman ng ganun.
Kumuha na siya ng isang box ng cereals at ako naman eh di ko nalang siya pinansin pa muli, di narin ako nagsalita pa at di na ako umangal, tinamad din ako magsalita. Hinawakan niya lang kamay ko at di nalang ako umangal pero sa totoo lang ang sarap baliin ng kamay niya aaaaaaaaaarrgghh!
Agad naman kaming nagpila, ano ba yan nabadtrip na nga ako dahil sa pangengealam niya sa akin pati ba naman sa linya?
Matapos ang ilang oras nakabayad narin at malapit nanamang tumulo ang laway ng cashier sa kanya pero pinabayaan ko na lang kasi yung kasamahan ng babaeng cashier eh nakatingin sa akin na para ding naglalaway di ko na din pinansin ano ako easy to get?
BINABASA MO ANG
The Casanova Queen
Fiksi RemajaA girl who change because of her past. Will she able to find love again after being hurt? or She will continue being a Casanova Queen?