Chapter 23:
(Amber's POV)
" Love date tayo mamaya? " tanong niya sa akin, nakapulupot parin ang kamay niya sa waist ko at nandito kami ngayon sa labas ng condo niya.
" uhmm may gagawin pa kasi akong mga bagay bagay kaya sa susunod nalang, tawagan nalang kita okay? " sabi ko sabay hawak sa pisngi niya.
" okay, ihahatid nalang kaya kita? baka mapano ka pa jan"
" wag na, kaya ko naman eh " ngumiti ako, di ba niya na gets na ayaw kong magpahatid sa kanya? tss bobo naman niya.
" sige pero tatawagan kita ha o di kaya mag text ka nalang " sabi niya na may malambing na tono. Ano ba naman yan gustong gusto ko ng umuwi pinapatagal niya.
" sige na nga, bye love " sabi niya sabay halik sa noo ko, agad naman akong nag wave ng hand at saka umalis na.
Nakasakay na ako sa elevator at napangisi nalang ako. Ganun na ba talaga ako kaganda? ang dami naman naghahabol sa akin pero yan ang gusto ko yung hinahabol ako hahaha.
Lumabas na ako sa building at may napapansin ako, kagabi pa yun pero di ko lang pinansin, lumingon ako pero wala naman akong nakita, hala baka multo, pati ba naman multo nagkakagusto rin sa akin?
May tumigil na blue sports car sa harapan ko at agad naman akong sumakay. Pagpasok na pagpasok ko agad kong binatukan si Jun.
" hoy ikaw Jun magpaliwanag ka! " hampas ko pa sa kanya kaya naman todo defense siya sa mga hampas ko.
" wait lang naman " inaayos na niya ang buhok niya sinabunutan ko kasi, bwisit naman oh na miss ko itong lalaking ito pero di lang man nagparamdam, nag paramdam nga pala siya pero lulubog lilitaw naman at style.
" simulan mo doon sa pagkaalam ni Kevin na yun kung nasaan ako, ikaw ba nagsabi? saan niya yun nalaman? explain!" humarap na ako ngayon sa kanya.
" wow alam mo na pala ang pangalan niya akala ko sasabihin ko pa sa iyo hehehe, oo na mag eexplain na. Nalaman niya na nandoon ka sa bar na iyon dahil nag text ako sa kanya pero din naman ako nagpakilala at tinapon ko na rin yung simcard ko naginamit nung araw na iyon. "
" bakit mo alam ang pangalan niya? at saan ka galing ng number ng lalaking 'yon? " takang tanong ko.
" nalaman ko kasi nag imbestiga ako tungkol sa kanya kasi alam ko naman na yun agad ang ipapagawa mo sa akin at yung number kasama na rin yun sa information na na kuha ko. Business partners nga pala ng magulang mo at ng kuya mo ang pamilya nila." pagpapaliwanag niya na may hawak hawak na envelop.
" nakuha mo ba yung likes and dislikes niya? " tanong ko habang tinitignan din yung nasa envelop.
" oo baka naman isali ko pa yung deodorant na ginagamit niya? " natatawang tanong niya kaya naman pinandilatan ko nalang ng mata, ang hilig mangbiro nitong si Jun upakan ko siya eh.
" alam mo Jun may napaibig na naman ako, hahaha! ang ganda ko talaga diba? hehehe " sabi ko sa kanya sabay smile ng smile.
" si Jude Rial ba? tss akala ko ba na ayaw mo yung ka fling na super sikat eh yung Jude Rial na yun eh international actor yun " huh? bakit di ko alam yun?
" really? bakit di ko alam? pero Jun akalain mo nagmakaawa yun sa akin at before that nag makaawa sa akin si Min yung you know korean at nung tinakbuhan ko eh sumunod pala si Jude tapos sabi niya 'don't. give Min a chance please be mine Amber' hahaha isn't is wonderful? "
" oo alam ko yun, nakita ko pa nga pero alam mo may nakita ako kahapon at nung pagbaba mo nga may nakita akong mga tao pero di ko makita kung ano ang ginagawa nila, di ko nalang sila nilapitan baka naman magkagulo pa diba, ikaw ba may napapansin ka ba? " taka niyang tanong.
BINABASA MO ANG
The Casanova Queen
Teen FictionA girl who change because of her past. Will she able to find love again after being hurt? or She will continue being a Casanova Queen?