Chapter 15:
( Jun's POV)
Nakatingin lang ako kay Amber habang nakikipag halikan siya doon sa lalaki na lumapit sa kanya leader ata ng grupo nila. Ako ang nag text kay Kevin Black na yun, bakit ko alam ang pangalan niya? simple lang dahil itong katabi ko ay sinabihan ako, sino naman katabi ko? edi sino po eh ang pinakakamahal na pinsan ni Amber si L Gilbert. Sinabin niya sa akin ang plano niya na itext kob raw na nandito si Amber para naman magkaroon daw ng process ang plano ng pinsan niya, hindi ko alam kung bakit alam niya ang pangalan ng lalaki pero ang alam ko lang eh papunta palang kami nakabalik na siya bale 5 steps ahead siya sa lahat ng bagay, marami siyang tinatago na mga bagay bagay at isa na roon ay ang katauhan niya.
" Jun, kailangan ko ng umalis " cold na sabi niya, simple lang siya pero sobrang ganda, mahaba at staright na buhok, walang bangs, naka jacket at pants at naka keds lang ang suot. Sino bang tao ang hindi mapapaibig niya? Di siya naglalagay ng kung anu-ano sa mukha niya para lang gumanda siya, di siya mahilig sa alahas except sa mga singsing niya sa kamay. Di mo akalaing babae siya na maraming masyadong alam, siguro nga may mga alam siya na ni multo di alam.
" L wag muna, kadadating mo lang " sabi ko habang hinawakan ang kamay niya, nagtataka ba kayo kung bakit kami magkasama? simple lang din dahil dito sa bar na ito rin siya pumupunta at una naming pagkikita. Nagkita kami nung 22 ako 6 years ago at siya naman eh 15 years old, nakapasok siya kahit underage kasi naman di halata sa mukha. Matured siya kung tititigan mo.
" Jun may trabaho pa ako " sabi niya na mukhang naiirita na pero ang cold parin ng pananalita. Bakit ba parati siyang busy? minsan na nga lang kami magkita, di siya pareho ni Amber na cassanova pero parang nasa dugo na ata nila na maging ganun pero di naman siya masyado.
" L naman oh ayaw mo ba akong makasama? " napalingon siya sa pananalita ko. Bigla namang napakunot ang noo niya.
" tss, Jun stop saying nonesense you're making me sick " ang sungit kahit kailan but I find it cute, napa cross arms siya at pati legs, ang dali dali niya talagang galitin siguro yun yung nagustuhan ko sa kanya, oo gusto ko siya di dahil sa mukha niya dahil sa ugali niya hindi masyadong madaldal di katulad ng ibang babae.
" L naman kasi bakit ba ang init init ng ulo mo kapag nag-uusap tayo at s--- "
" he's here " sabi niya kaya naman napalingon ako sa may entrance at tama nga siya, nanadito na ang lalaking gusto paiyakin ni Amber at yung lalaking kinaiinisan niya. Napatingin ako doon sa table nila , Amber pero wala na sila doon ng lalaking kahalikan niya at napa chuckle nalang ako, dinala nanaman siguro ng babae na iyon yung lalaki sa V.I.P room niya, regalo yun ni Kean sa kanya yung may-ari nitong bar.
Nilapitan ng lalaking Kevin yung parang cubicle area ng mga lalaking kasamahan nung lalaking kahalikan ni Amber at nakikita kong nakatingin din si L doon at may konting ngiti sa mapupulang labi nito, para siyang isang anghel na may masamang plano at siguro sayang saya nanaman siya dahil naayon sa plano niya ang mga nangyayari ngayon. Tumayo na yung mga lalaki at aakmang susugurin yung lalaking Kevin kaya lang nakita ko na may dumating na mga lalaking naka suit at sigurado ako na ito din yung mga lalaki na dumating nung araw na dumating yang Kevin na iyan sa SWA ( Stone Wall Academy ) at sa tingin ko mga bodyguard niya, ang dami naman ng mga lalaki at kung iisipin mo dapat isa lang kasi naman lalaki yung binabantayan nila di katulad ko na mag-isa lang.
" he's entering " mas lumapad pa yung ngiti niya sa labi hindi yung tipong ngiti na talagang masaya para bang may thrill sa pinapanood niya at mukha pa siyang naunuood ng sine, di ko maintindihan ang ugali niya masyado siyang mysteryoso.
" L wanna go out next time? " tanong ko habang palapit na palapit ako sa kanya. Napalingon siya kaya naman mutikan na niya ako mahalikan at biglang tumawa ng mahina.
" maybe? " sabi niya at saka naiwan akong nakatunganga sa ere, shit! bakit ba siya ganito sa akin? palagi nalang niya ako iniiwan sa ere na nakatunganga, hinalikan kasi niya ako, di naman yun ang first kiss ko pero iba talaga ang effect niya sa akin kahit peck lang yung ginawa niya.
Di ko naiintindihan ang sarili ko kung bakit ko minahal yung babae na iyon at ni mga favorites niya di ko alam, yung basic information lang ay kung saan siya nakatira, pangalan at birthday niya ganun lang pero minahal ko siya mahigit anim na taon narin.
" nakaalis na si Amber bro " tumabi sa akin si Kean at umakbay, nakangisi na parang aso.
" alam ko aalis narin ako " binatukan ko, ibig sabihin kasi niya na kung aalis na yung amo ko dapat aalis narin ako salbahe yung gagong yun kahit magkaibigan kami sa college di ako pinalalampas.
" sandali bro pero huy! tinamaan ka ba sa pinsan ni Amber? " takang tanong niya pero may ngiting nakakaloko.
" oo at kung may balak kang pormahan siya sumuko na bro " sabi ko sa kanya kaya naman napatawa siya.
" oo na! ganda kasi eh parang anghel 'lam mo yun? hahaha sige na nga bro sayo na yun pero taka ko lang, bakit may nakamatyag sa kanya? " huh? lumingon lingon ako sa paligid wala naman akong nakikitang nagmamatyag sa kanya.
" tanga bro! umalis na nung umalis siya! " tumawa tawa pa siya, ano ba naman yan tatawataw parang may sayad.
" oo na! " umalis nalang ako nakita ko naman si Amber na nakainom ata kasi naman pinipigilan si Kevin, nagtago ako para hindi ako makita, bakit ba siya nalasing? di naman yan madaling malasing si Amber ng basta basta ang taas nga ng resitensya niyang sa alak parang di babae baka nakainom siya nung bawal sa kanya? yung tequila? naku masama ito, sigurado akong may sasabihin siya ngayong gabi, paano na yan baka di siya magtagumpay sa plano niya? tsk! gulo to. Bukas ko nalang ulit sila pagmamatyagan siguro pupunuin ako bukas ni Amber ng mga tanong kung bakit ako wala kahapon, kung bakit ko hinayaan yung Kevin na pumasok naku naman si L kasi pero wag na mahal ko naman yung taong yun aakuin ko nalang baka siya magalit sa akin pag sinabi ko na nakekealam siya sa mga plano ni Amber di pa naman gusto ni Amber na pinakekealaman siya.
Nakita kong umalis na sila kaya naman sumnakay narin ako sa sasakyan ni Amber, oo sa kanya ito sa akin lang pinapagamit ang tamad nung mag drive at ayaw din niya ewan ko ba sa kanya pero naiintindihan ko naman ikaw daw nasa sitwasyon niya, nagtataka ba kayo kung ano ang sitwasyon niya? nasa isang magulong sitwasyon kaya ayan siya nagkagulo-gulo ang buhay, kailan kaya babalik ang isang malambot na Amber na una kong nakilala? tama kaya si L? na si Kevin lang ang makakapabalik sa Amber na pinatay ni Amber noong nangyari yun sa kanya?
------------------------------------------------------------
Vote, Comment and Follow me :D
-DLL
BINABASA MO ANG
The Casanova Queen
Teen FictionA girl who change because of her past. Will she able to find love again after being hurt? or She will continue being a Casanova Queen?
