Chapter 13:
( Kevin's POV)
" wala akong pakealam kung sino ka man pero kapag nalaman kong nakikipag kita ka pa sa girlfriend ko di ako magdadalawang isip na patayin ka " sabi ko doon sa lalaking kahalikan ni Amber kanina, kung hindi siguro ako dumaan sa room nila hindi ko malalaman na pupunta siya dito, may nag text kasi sa akin na nandito daw si Amber at salamat sa kanya dahil nandito nga siya, shit! bakit ba niya ginagawa sa akin to? ang bait ko naman sa kanya ah tapos ang sweet niya pa kanina, ganun nalang ba siya ka moody?!
Lumabas na ako at dinaanan ko lng yung lalaking bagong dating, bartender ata, di ko nalang siya pinansin nakakainis!
Di ko na alam kung ano ang gagawin ko, nagagalit, nagseselos, gustong pumatay ng tao, naghahalong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.
Paglabas na paglabas ko nakita ko si Amber na naka upo sa may bar counter na parang may iniinom, bigla niyang nahulog at aakmang kukunin niya sana pero nahulog naman siya sa upuan.
" ano ba naman yan *hik* nahulog pa *hik*" narinig kong sabi niya, nalasing ata siya sa ininom niya, nilapitan ko siya at hinawakan sa braso pero di na yung mahigpit na mahigpit yung hawak ko di katulad nung kanina.
" Amber uuwi na tayo " seryosong sabi ko sa kanya at tinatayo siya, bigla naman siyang tumingin sa akin at nag smile, ano bang nainom ng babaeng ito?
" ui! ikaw pala *hik* yung pakealamerong lalaki na nanggaling sa *hik* pluto at neptune na alien na sinira ang pintuan nung *hik* V.I.P room ko *hik* na *hik* ewan " lasing talaga siya, di ko nalang siya pinansin at binuhat ko na lang siya na bridal style, maraming nagtinginan pero di ko nalang sila pinansin.
" ui! *hik* nakatingin sila sa atin *hik* ay sa akin lang pala *hik* ganda ko kasi *hik* hehehe " nakahawak siya sa may leeg ko, ang kulit niya at ang daldal pa. Mabuti walang nangyaring masama kanina sa kanya kundi papatayin ko talaga ang lalaking iyon!
" hoy lalaking taga *hik* neptune, bakit mo pala alam na *hik* nandito ako? *hik* " malapit na kami sa may entrance.
" may nag text sa akin " seryoso kong sabi, sino kaya yung nag text?
" *hik* sino naman? *hik* close ba kayo?*hik* " sinakay ko nalang siya sa kotse at di na pinansin.
" ui *hik* dito ka lang wag mo akong iwan *hik* " hawak niya sa kamay ko at nagpapa cute, shit! bakit ba ang cute niya? nag pout pa siya, binigyan ko nalang siya ng peck sa lips, naaamoy ko ang panglalaking amoy siguro sa lalaking kahalikan niya yun? AAAAAAAAARGGHH! NAIINIS AKO!
Wala na akong magagawa, lumiko na lang ako at saka sumakay na sa driver's seat, nilingon ko naman siya parang tulog ata.
BINABASA MO ANG
The Casanova Queen
Teen FictionA girl who change because of her past. Will she able to find love again after being hurt? or She will continue being a Casanova Queen?