Chapter 22:
( Amber's POV)
" JU---" nanlaki bigla ang mata ko dahil muntikan ko nanaman masigaw ang pangalan ni Jun, nasa harap ko ngayon si Jude mahimbing na natutulog.
*tsup*
" good noon love " sabi ko pagkatapos ko siyang bigyan ng peck sa lips, yakap yakap niya ako sa may beywang at ako naman eh nakapulupot ang kamay sa leeg niya, 12: 42 na pala ang taas ng sikat ng araw nasisilaw ako.
" hmmmm... gandang gawing pampagising " dinilat na niya ang mata niya, ang gwapo ng mata niya dark blue eyes ang color nito ang tangos pa ng ilong.
" sorry nakatulog ako " sabi ko sa kanya habang hinahaplos ko yung batok niya.
" okay lang at least ikaw yung nakita ko pagising na pagising ko " sabi niya sabay halik ulit sa akin mpero ngayon di na yung wild na kagaya kagabi ngayon eh passionate kiss lang ang binibigay niya.
" love nagugutom na ako " napatigil naman siya sa paghalik sa akin at biglang ngumisi.
" edi ako nalang ang gawin mong almusal hahaha " sabi niya kaya naman hinampas ko, biglang bumakat yung kamay ko hala na sobrahan ata, gumanito din ba yung braso ni Kevin nung hinampas ko siya? aish! bakit ko ba iniisip yung lalaking 'yon? Tss nakalimutan ko pala na tumakas lang ako, ano ba naman 'to para namang nakakulong ako aish! mamaya ko nalang yun asikasuhin nababadtrip nanaman ako tuwing naiisip ko pa, tss malayo pa pala ako doon sa confession something, kung gawin ko kaya yun? ay wag nalang sana naman pag bumalik ako doon sa bahay niya ay mag process na yung plano ko.
" ayaw ko gusto ko ng pagkain " natatawa ko ring sabi sa kanya. Niyakap ko nalang siya ng mahigpit at ganun din naman siya.
" Amber di mo pa ako sinasagot ha " huh? anong pinagsasabi niya?
" what? anong sagot ang sinasabi mo?" nagtatakang tanong ko.
" mahal kita Amber, feeling ko love at first sight yung naramdaman ko para sa iyo kaya please be mine please " parehong mga mata ang nakikita ko kapag may nagmamamakaawa sa akin ng ganyan. Well nabobored ako na tignan o di kaya typical lang naman sa akin na makakita ng mga ganyang mata at makarinig ng pagmamakaawa na di ko sila iwan at siyempre ano pa ba ang gagawin? edi syempre accept the blessings.
" I'm yours Jude " sabi ko sabay yakap ulit sa kanya. Napangiti ako, yung usal na ngiti ko, hmmm... another victim I think this is the 50th na lalaki. Ang galing mo talaga Amber may napaibig ka nanaman. Pareho talaga silang lahat mga lalaking walang kwenta tss.
Na kompleto ko na ang 50 another batch nanaman din pala ulit, Jude Rial? hmmmm... I'll be your nightmare and I think you are mines too.
-----------------------------------------------------------
Vote, Comment and Follow me :D
-DLL
BINABASA MO ANG
The Casanova Queen
Teen FictionA girl who change because of her past. Will she able to find love again after being hurt? or She will continue being a Casanova Queen?