Chapter 30:
(Kevin's POV)
" Amber tama na iyan, naiinsulto mo na ang mga magulang mo, di na ito tama " isinandal ko siya ulit sa kama niya, naka upo kasi siya kanina.
" o pumapanig ka na rin ba sa mga masasamang tao na nag pra-practice mag tapon ng mga basura? naku wag niyo nga sabing itapon dapat nililibing para di na magdulot ng masamang pangyayari. Sabihin mo sa akin ha kung susunugin o ililibing na nila ang basurang itinapon nila para naman preapred na ang BASURA." walang expression sa mukha niya ni isa wala akong makita pero sa mata niya kitang kita ko, gusto niyang umiyak pero ayaw niyang magmukhang kaawa.
" pasensya na po kayo Mr. and Mrs. Gilbert pero ako na po ang bahala sa anak niyo, wag po kayong mag-alala di po ako katulad nung lalaki na sinasabi niyo na nanakit kay Amber. Kung maaari po umalis muna po kayo " mahinahon kong sabi, narinig ko naman na napabuntong hininga nalang ang tatay ni Amber at ang kuya naman niya ay napahilamos na lang ang kamay sa mukha nito na waring di na alam kung ano pa ang sasabihin.
" sige ikaw na ang bahala sa anak namin. " tinapik ng tatay niya ang braso ko, napabow naman ako its a sign of respect.
" naku wag muna po kayong umalis baka di niyo na po kasi makita pa ang basurang itinapon niyo, naku baka po gamitin niyo ulit pero sige na nga po sasabihin ko na lang po sa BASURA na iyon na di po kayo mahilig mag recycle kaya magpapatangay nalang siya sa hangin hahaha! buhbye po! ingat po kayo! umiwas po kayo sa mga basura ha! ingat po!! " kumakaway siya habang pinapanood ang mga magulang niya at kapatid niya, nakatayo siya ngayon at pagkasaradong pagkasarado ng pintuan ay bigla siyang napa-upo, agad ko naman siyang nasalo.
" oi payong kaibigan, wag mong sasaluin ang basura baka madumihan ka pa at baka madamay ka sa pagiging basura o kaya tawagin kang basurero naku mahirap yun haha " tumatawa siya habang isa-isang tumutulo ang mga luha niya. Bigla niya akong niyakap, sobrang higpit para bang isang bata na ayaw iwanan.
" wag kang dumikit sa basura kasi baka kamuhian ka rin ng mga tao, nanagalit sila sa mga basura di nila alam sila lang pala ang nagtatapon kaya nagiging basura" di na siya nagsalita pa ulit, nanahimik siyang umiiyak kaya niyakap ko na rin siya at inihiga sa kama at tinabihan.
" you are not a garbage, you're just too fragile to be one "
---------------------------------------------------
Vote, Comment and Follow me :D
-DLL
BINABASA MO ANG
The Casanova Queen
Teen FictionA girl who change because of her past. Will she able to find love again after being hurt? or She will continue being a Casanova Queen?