Chapter 47:
(Amber's POV)
" sure ka ba na di ka na magpapasama? " tanong ni Jun sa akin, hinatid niya kasi ako dito sa park kasi naman gusto ko munang mag practice sa sasabihin ko kay Kevin malamang no para di masyadong shocking at saka na rin gusto ko munang mag-isip isip.
" di na, ano ka ba Jun para mo naman talaga akong binabata niyan hahahaha, o siya aalis na ako. Linis linisin mo yung condo ko ha baka may kunin na akong mga bagay doon okay okay? " ngumiti ako sa kanya habang nandito na ako sa labas ng kotse, naku naku nakalimutan ko na palang alagaan itong sasakyan ko pero sa susunod na lang bahala na meron naman taga hatid at sundo sa akin na si Kevin kyaaaaah!
" Amber sigurado ka na ba jan sa gagawin mo baka mapano ka niyan a-" nag action ako ng stop sa mukha niya yung kamay ko nasa mukha niya kaya naman napatigil siya.
" naku naku Jun I know kung ano ang ginagawa ko noh! o siya siya aalis na ako okay okay? masyado na tayong ma emosyonal hahahaha! para naman kung ano ang mangyari sa akin, o alis na shoo shoo! " iniwan ko na siya dun, masyadong corny para naman may masamang mangyayari.
Hmmm.... ang ganda ng simoy ng hangin masyadong presko, mabuti na lang at napag isipan kong dumaan muna dito, matagal tagal na din akong di nakapunta sa other places, miss ko na rin ang pag sho-shopping with Jun, ang dami ko na palang na miss na gawin si Kevin kasi, masyado akong kinukulong sa bahay pero sweet naman hahahaha.
Marami rami din akong nakikita na mga bata na naglalaro sa damuhan, puro takbuhan ang cu-cute! kailan pa kaya kami magkaka-anak ni Kevin? hmmmm... malapit na ang graduation isang taon na lang, I'm third year na kaya ako kung nagtataka ako, hindi high school no! kundi college kaya malapit na, hehehehe konting tiis na lang gra-graduate na rin ako at makakagawa na ng plans kasama si Kevin. Ano na kaya ang ginagawa niya ngayon?
Ano ba naman ito na mi-miss ko na agad siya, haaaay ang sarap ma-inlove ulit, nakalimutan ko na kasi ang feeling dahil dati alam na, pero tinatawa tawa ko na lang kasi naman kung di ako mag mo-move on sa past di din ako makakapag patuloy sa present and I want to be happy with Kevin now and for the future, I want to forgive Crayon, peice by peice ko siyang pinapatawad dahil pagod na akong mamuhay sa nakaraan ko kaya I want to make peace with him and gusto ko ng magbago.
I want to be pure in everything para kay Kevin, gagawin ko lahat ng gusto niya para lang mahalin niya ako kagaya ng nararamdaman kong pagmamahal sa kanya. Di ko talaga inaasahang mapapa-ibig ako ng lalaking iyon, alam ko na masyadong ma-ikli lang ang panahon na nakilala at nakasama ko siya as I've said he passed the test na ibinigay ko sa kanya at yun yung time na na-ospital ako, yes I am testing him that time pero di parin mawala sa akin ang pagka shock sa mga pangyayari.
Sinubukan kong ipakita sa kanya ang worst ko, at napabilib niya ako dahil kahit na nakita niya na ako in my worst he still loves me and that makes me love him also, I tried na ideny ang nararamdaman ko towards Kevin many times but still the truth came out. I can't help it like how I loved Crayon but I truly love Kevin at walang halong awa ang nararamdaman ko sa kanya because I know na he truly loves me and he tried so hard to win my heart kaya minahal ko siya? hell no! I love him because he can accepted a person like me even though my own family, the people I thought will never turn their backs at me still hates me in the end.
At yun ang ginawang test ko, kung totoo ba talaga ang nararamdaman niya para sa akin o pity lang ba o di kaya naman minahal niya lang ako dahil gusto niya lang ang katawan ko. Di naman ako makakapaniwalang nilapitan niya ako para paglaruan lang, maybe pero nah! hinding hindi niya magagawa yun sa akin, si Kevin pa? m---
" Amber? " lumingon akko sa likuran ko kasi may tumawag sa akin. Pero paglingon ko bad idea ata. Shoot! what am I gonna do?
" Amber? oh god! I am dying to see you! " bigla niya akong niyakap, hell! niyakap yakap niya pa ako?! yucks! kakadiri siya!
" get away from me! Jude! " yes, si Jude yung artista na nagmakaawa sa akin na siya na lang piliin ko instead na si Min yung naging boyfriend ko dati. Yeah ang daming past na sumusulpot ngayon ah!
" What? get away? Amber are you sick or something? do you want to go to hospital? naalala mo pa ba ako? it's me Jude! your boyfriend! " aish!! kakainis siya! sunod sunod ka banamang tanungin di kan kaya mahilo?
" get away from me asshole, you're not my boyfriend anymore. Nung iniwan kita sa condo mo it means were done at ngayon ex na lang kita okay? " napalaki naman ang mga mata niya sa sinabi ko, aaaaargh! mabuti na sana kung nadala ko si Jun aaargh! kainis!
" what? --no! NO! no! Amber ako parin ang boyfriend mo, were not done yet Amber. " hinawakan niya ako sa magkabilang braso ko.
" stop it Jude! it's nonesense, I was just toying you in the first place and wala kang awtoridad para hawakan ako okay?!" pilit kong tinatanggal ang pagkahawak niya sa akin pero masyado siyang malakas.
" heck Jude! bitiwan mo ako ano ba! aaargh! " tinatanggal ko parin pero ayaw parin niya.
" you are only mine Amber! tandaan mo yan. I will make an anouncement in the media, sooner or later mapapasaakin ka na at malalaman na ng buong mundo na akin ka kaya wag na wag mo yang kakalimutan Amber " sabi niya sa akin habang aakmang hahalikan ako pero may biglang nanghigit sa kanya.
" Ghad Jude! what are you doing? this is a public place baka may media dito or paparazzi baka makita ka nila, doon na lang yan sa condo niyo gawin okay? halika na Jude may interview ka pa sa movie mo! " hinila siya pero pumiglas naman siya, I think na manager na iyon. Mukha nga.
" Amber di pa tayo tapos " pagkatapos nun umalis na siya, like duh! para naman niyang magagawa iyon, siguro bye that time kasal na ako kay Kevin hahahaha! di ko na lang siya pinansin na alam ko naman na di iyon mangyayari kasi ang labo hahahaha!
Pumara na lang ako ng taxi at dumiretso na sa office ni Kevin, maraming tumitingin sa akin malamang dyosa ang ganda ko eh!
May nakita naman akong mga lalaki na naglalaway sorry na lang kayo taken na ako.
Pumunta ako sa 10th floor, kung saan ang office ni Kevin, ghad sosrpesahin ko siya pero parang kinakabahan ako, malay mo wala pala siya dun edi instant epic!
Bahala na nga, ng palapit na ako sa office niya may nakita akong lalaki na pabalik balik ng lakad sa harapan ng pintuan. Agad ko namang nilapitan malay mo baka magnanakaw pero para naman atang ang formal ng damit niya.
" Excuse me? " napalingon naman siya agad sa akin at gulat ang expresyon sa mukha. Eh? bakit masyado atang gulat ang kanyang expresyon? ang ganda ko naman ata para pagkamalan niyang aswang at masyado naman akong sexy para katakutan niya.
" a-ah yes ma'am? how can I help you? " umupo siya sa desk niya, eh? ano ba ang posisyon niya dito?
" nandito ba si Kevin? " napalaki bigla ang kanyang mga mata, aba napansin ko lang kanina pa itong paglaki ng mga mata ng kinakausap ko ha simula pa ito kay Jude.
" s-si Sir Kevin po? a-ah wala po siya ngayon " napataas naman bigla ang kilay ko, secretary siguro ang lalaking ito, hmmm... mabuti naman at lalaki ang kinuha na secretary ni Kevin baka nahampas ko na ang lalaking iyon sa selos ko hahaha joke lanng naman mahal ko kaya ang lalaking iyon.
*craaaaaash* huh? nanggaling yun sa loob ng office ha? tsk tsk tsk ito talaga si Kevin masyadong masorpresa naku naku nahuli pa, agad naman akong nagtungo sa pintuan ng opisina niya pero bigla akong hinarangan ng secretary niyang lalaki, okay okay masyado na silang halata sa surprise nila kaya tinabig ko na lang siya.
Hinay hinay kong binuksan ang pintuan para di niya mahalata ang pagbukas ko kaya naman----.....
"hmmm.. ano ba Kevin nakikiliti ako jan na part! kyaaah! " sabi ng babae na nasa kandungan niya habang nakababa ang damit nito sa may beywang.
" eh saan ba? dito? " sabi ni Kevin na mapang-akit ang boses at humalik halik sa kung saang parte ng katawan ng babae, di ko mapigilan ang namumuo kung luha, agad nagsitulo ang mga walang hiyang luha ko sa base ng nakikita ko, may nagawa akong mali at yun ang magtiwala ulit. Akala ko di niya ako sasaktan yun pala mali ako. I am wrong... again
![](https://img.wattpad.com/cover/7024997-288-k101906.jpg)
BINABASA MO ANG
The Casanova Queen
Teen FictionA girl who change because of her past. Will she able to find love again after being hurt? or She will continue being a Casanova Queen?