[Kisha's POV]
Bakit ganun di ako makatulog. Haiysst! Magpapahangin na nga muna ako sa labas.
Tumayo ako at naglakad patungo sa labas. Agad kong nakita si Ranz at Jamea, mukhang nag-uusap sila habang nakaupo sa damuhan.
"Bakit po ayaw niyong sabihin sa kaniya?" rinig kong tanong ni Jamea.
"Dahil hindi pa pwede." sagot naman ni Ranz.
"Edi may gusto ka nga po kay ate k---" biglang tinakpan ni Ranz yung bibig ni Jamea ng mapalingon siya sa kinakatayuan ko.
Nakita kong lumapit si Ranz sa tengga ni Jamea tila ba may binulong siya sa bata. Tumingin si Jamea sakin at ngumiti.
Ano meron? Mukha silang mga baliw.
Biglang tumakbo si Jamea papasok ng bus. Kaya naman kami na lang ni Ranz, ang naiwan dito sa labas.
"Maupo ka." sabi ni Ranz habang tina-tap yung damong nasa tabi niya. Kaya naman lumapit ako at umupo sa tabi niya.
"Bakit gising ka pa?" tanong niya habang nakatingin sa malayo.
Bakit nga ba? Hindi ko din alam eh.
"Hindi makatulog?" tanong niya kaya napatango na lang ako.
"Eh. Ikaw ba't di ka pa natutulog?" Pagbabalik ko ng tanong niya.
"Binabantayan ko kayo, tsaka kanina puro tulog na din ginawa ko eh." sabi niya.
"Sa tingin mo matatapos pa kaya ito?" tanong ko sakaniya.
"Hindi ko rin masabi. Basta gagawin ko lahat mahanap lang ang taong may kagagawan lahat nito." sabi niya na may nilabas na isang notebook.
Project Zombierus yan ang nakalagay sa cover ng notebook na pinakita niya.
BINABASA MO ANG
Book 1: Be Live Be Taken: We're Out Numbered
Science FictionWill you choose to LIVE and Fight or Will you be TAKEN and Die... You have two choices to make... But what will you choose? To Be Live or To Be Taken? You need to choose wisely, because we survivors are just Outnumbered... Highest Rank in Thriller:...