Chapter 32

1.1K 43 0
                                    

[Shiela's POV]

"Andrey!" sigaw ko. Paano ba naman panay takbo ng takbo sa loob ng hospital. Kanina pa kami habol ng habol.

"H-hayaan na lang kaya natin?" hingal na hingal na sabi ni Johnrey. Umiling lang ako.

"Eh ano? Hahabulin na lang ba natin yan buong araw?" reklamo niya.

May naisip naman ako bigla. "Bakit kaya hindi tayo maghilaway? Ako sa kabilang side dadaan kung saan papunta si Andrei ikaw naman habulin mo lang siya." Suggestion ko sakaniya.

Nakita ko naman sa mukha niya na tila ba nagaalangan pa siya. Pero bandang huli. "Oo na sige." kaya naman nagpunta na ako sa kabilang direksiyon at siya naman padiretso.

Habang tumatakbo ako may nakikita naman akong dalawang tao sa may entrance isa si James tapos yung isa hindi ko makilala kung sino dahil na rin sa natatakpan ito ng pinto.

"Papasukin niyo na ako please." Napatigil naman ako bigla sa pagtakbo. Pamilyar sa akin yung boses na iyon ah. Lumapit naman ako.

"Hindi pwede!" rinig kong pagtutol ni James.

"Dali na. Payagan niyo na akong makapasok." rinig kong pagmamakaawa nung kausap ni James. Kaya naman lumapit na ako sakanila.

Pagtingin ko kung sino yung nasa pinto. "Shiela!" Sigaw niya ng makita ako. Hindi nga ako nagkalamali.

"Rhaniel ikaw ba yan?" Nakita ko naman na tumango siya.

"James sige ako na bahala dito." Nakita ko naman sa mukha ni James na tila ba gulat na gulat. Tumango na lang siya at iniwanan na kaming dalawa ni Rhaniel.

"Buti dito ka napadpad." sabi ko sakaniya. Mukhang galing siya sa habulan dahil halos masira na yung suot niya sa sobrang punit at ang dae niyang dumi ng putik sa katawan.

"Ah oo. Napansin ko kase yung ibang sundalo na lumalabas sa building na ito. Nagbabakasakali akong maayos ang matuluyan ko. Pero mukhang maayos naman dito." Napatango naman ako.

"Hoy Shiela! Hindi mo man lang ako tinulungan sa pagha---" napatigil naman siya ng makita niya yung nasa harapan ko.

"Rhaniel?" Lumapit naman sa amin si Johnrey at nakipagfist bro kay Rhaniel.

"Kayo lang ba nandito?" tanong ni Rhaniel habang nakangiti. Sabay naman kaming umiling ni Johnrey.

"Kasama din namin sila Ranz, Kisha, Marc, Niel, at Angela dito." sagot naman ni Johnrey.

Nakita ko naman na nakatingin si Rhaniel sa batang hawak-hawak ni Johnrey. Lumapit naman si Rhaniel kay Johnrey at may binulong.

Bigla naman tumawa si Johnrey. "Siraulo ka talaga bro. Kasama lang namin yang batang yan sa kung saan kami nakulong no."

"Ah akala ko kase a-ano niyo na eh." Huh? Anong pinagsasabi ni Rhaniel? Nakita ko naman si Johnrey na tila ba may kakaiba sa tingin niya kay Rhaniel. Parang may sinasabi gamit yung mata. Tumawa lang naman si Rhaniel.

"Tara na Rhaniel, samahan na kita kila Ranz. Ikaw naman Johnrey bantayan mo muna si Andrei." sabi ko. Tumango naman si Rhaniel at si Johnrey naman akala mo sundalo kung makasaludo.

"Under bro." sabi ni Rhaniel na tinapik pa yung balilat ni Johnrey. Hindi ko naman naintindihan yung pinagsasabi niya. Napailing na lang ako.

Naglakad naman na kami ni Rhaniel patungo sa kwarto nila Ranz.

"Nga pala ano pa lang nangyare sayo?" tanong ko napansin ko kasi yung damit niya.

"Ah kasi hinabol ako ng mga zombie na humahabol sa akin, kaya ayun kung saan ako sumusuot-suot para lang matakasan yung mga zombie na humahabol sa akin." pagpapaliwanag niya. Napatango na lang ako.

Book 1: Be Live Be Taken: We're Out NumberedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon