[Niel's POV]
"Babe?"
Narinig ko yung pagtutol ni Ranz sa pagsama namin kay James. May mali naman talaga.
"Babe?"
Bakit naman kase ganon hindi naman kasi mapapasunog ni Jinghin yung hospital kung mahigpit ang pagbabantay nila. Mabuti na lang ta---
"Babe!?" Napabalikwas naman ako sa pagkakaupo namin sa tabi ng sasakyan.
"Bakit babe?" sabi ko kay Angela habang nakatingin napansin ko naman na parang sumungit ang mukha neto.
"Uy babe?" sabi ko at hinawakan ang braso niya pero inalis lang niya yung pagkakahawak ko sa braso niya ng hindi man lang ako tinitignan.
Shit! Mukhang nagtampo na. "Uy sorry na iniisip ko lang kase kung saan tayo ligtas tumuloy panandalian." Humarap naman ito bigla sa akin at ngumiti. Wow! Real quick naman.
"Weh? Di nga?" tanong niya, tumango naman ako. Kahit ang totoo hindi ko din alam saan magandang tumuloy.
Napansin ko naman na paalis na ang mga truck kung saan nakasakay sila James.
Mukhang wala talagang balak na sumama si Ranz kila James.
"Eh saan naman alam mong ligtas tayo?" tanong ni Angela sa akin nagkibit-balikat lang ako. Bigla naman niya akong hinampas.
"Akala ko ba iniisip mo na!? Tapos ngayon hindi mo alam?" Inis na sabi niya.
"Eh kasi na---"
"Tara na Niel. Kailangan na natin umalis sa lugar na ito." singit ni Ranz. Yun oh thank you Ranz. Hindi ko din naman alam saan kami pupunta.
Sumakay naman na kami sa loob ng sasakyan. Pansin ko naman na inis na inis pa din si Angela sa akin. Gusto ko sana siyang suyuin kaso mamaya na kapag nasa ligtas na lugar na kami.
Sumakay naman si Marc at Ranz sa motor nila. "Hindi ba kayo sasakay na lang dito sa amin?" tanong ko sakanila. Umiling naman silang dalawa.
Nasa tabi ko ngayon si Angela na nakaupo sa shot gun seat at ako naman dito sa driver's seat. Halatang ayaw niya akong kausapin dahil sa malayo lang ito nakatingin.
Napailing na lang ako. Nakita ko naman sa rear mirror view.
"Bakit naman ako napunta dito?" rinig kong tanong ni Tasha. Walang sawa naman na pinaliliwanag ni Rhaniel ang nangyari.
Tahimik lang sila Shiela, Kisha at Johnrey para bang anlalalim ng iniisip nila. Napansin ko naman na nakaupo sa pinakalikuran si Andrei at nakatingin lang ito sa labas.
Binuhay ko naman na ang makina at nauna naman ng magpaandar sila Ranz kaya naman naka sunod lang ako sa likuran nila.
Tinuon ko na lang muna sa daanan ang tingin ko. Medyo may kadiliman na rin ito dahil halos palayan na rin ang makikita sa paligid.
Habang nagmamaneho ako napapansin kong nakapikit na si Angela habang nakasandal ang kaniyang ulo sa salamin.
"Sleep tight babe." bulong ko.
Nakatulog na rin sila Rhaniel, Tasha at maging sila Johnrey, Shiela at Kisha. Mukhang tulog na rin si Andrei dahil wala ng malikot sa likod.
Napatingin naman ako ng diresto sa kalsada ng biglang lumiko sila Ranz mabuti na lang nakita ko kung hindi baka bumangga pa kami papunta sa palayan.
Ilang sandali lang nakarating na kami sa lugar kung saan puro mga naglalakihang building ang makikita sa paligid.
Napansin ko naman n tumigil na sila Ranz at Marc sa tapat ng isang malaking gate.
Sumenyas naman si Ranz na wait lang kaya naman tumango lang ako.
Inakyat naman nila yung gate. Napansin ko naman yung karatulang nakalagay sa itaas 'Halina Hotel' Mukhang okay na rin ito atleast may matutulugan kaming maayos.
Bumukas naman kaagad yung malaking gate at Tumambad sa akin sila Ranz at Marc.
Iniandar ko naman na yung sasakyan papunta sa loob. Makikita mong maayos pa naman ang paligid nitong hotel. Pero himala ah wala man lang kaming makitang tao dito.
Naisipan ko naman ng gisingin sila Angela, Rhaniel, Tasha, Johnrey, Shiela at Kisha.
Bumukas naman yung pinto mula sa likuran at pagtingin ko nakita ko si Ranz na binubuhat na si Andrei.
Matapos ko silang gisingin nagtungo na kami sa loob ng hotel. Malinis pa naman ang loob nito.
"Guys hangga't maaari may hawak kayo laging panlaban dahil hindi tayo nakakasigurado na walang ano mang nilalang ang nasa loob nito." sabi ni Ranz. Malaki nga itong hotel na ito dahil na rin sa halos apat na palapag ang taas ng hotel.
Tumango lang kami. Naglakad na kami sa hallway.
"Sino kayo!?" napatigil naman kaming lahat sa paglalakad.
Nakita ko yung nagsalita nasa dulo siya ng hallway may hawak na isang mahabang baril habang nakatutok sa amin ang dulo ng baril.
BINABASA MO ANG
Book 1: Be Live Be Taken: We're Out Numbered
Science FictionWill you choose to LIVE and Fight or Will you be TAKEN and Die... You have two choices to make... But what will you choose? To Be Live or To Be Taken? You need to choose wisely, because we survivors are just Outnumbered... Highest Rank in Thriller:...