[Ranz's POV]
Nakakasilaw... Bakit ganun puro puti yung nakikita ko sa paligid. Napatingin naman ako sa sarili ko, nakasuot ako ng puti na polo at pants.
May liwanag naman akong nakita dahilan kaya ako ay napapikit. Pagdilat ko may nakita akong isang babae at isang lalaki sa harapan ko pero pareho itong nakatalikod hindi ko alam kung bakit parang pamilyar sakin yung dalawa.
Lumapit naman ako sa lalaki at hinawakan ito sa balikat. Unti-unti naman ito humarap sa akin. Ganun din yung kasama niyang babae.
Hindi ko alam kung namamalit mata lang ba ako o ano. Talaga bang nasa harap ko sila ngayon?
"Anak?" Maging sila ay nagulat pero agad naman napalitan ng ngiti ang pagkagulat nila.
"P-papa? M-mama?" Hindi ko alam kung bakit ko sila nakikita ngayon. Patay na rin ba ako?
"Gumising ka anak." sabi ni Papa at hinawakan ako sa magkabilang balikat.
"Bakit nasaan po ba ako?" naguguluhan kong tanong. Nagkatinginan naman sila Mama at Papa.
Binalik naman na nila yung tuon sa akin. "Basta anak gumising ka." sabi naman ni Mama. Ano ba talaga pinagsasabi nila?
"Naguguluhan ka talaga anak, pero kailangan mo pang mabuhay. Hindi pa tapos ang misyon mo sa buhay." sabi ni Papa na nakangiti.
"I-ibig niyo bang sabihin nasa lugar niyo ako?" tanong ko sakanila. Sabay naman silang tumango.
"Basta anak paggising mo alagaan mo si Renz at paki-kamusta na lang kami kay Claveria." sabi ni Papa.
"Paalam na anak. Hindi ka na pwede pang tumagal dito baka di ka na makaalis pa." sabi naman ni Mama.
Siguro ito na din ang huling beses na magkikita kami.
"Hindi pa ito ang huli." nagulat naman ako sa sinabi ni Mama.
"Nababasa mo Ma, nasa isip ko?" Tumango lang ito.
"Sige na nak, ipikit mo na mga mata mo." sabi ni Mama.
Pinikit ko naman na at pagdilat ko sobrang liwanag. Kinusot ko naman yung mata ko para makita ko ng maliwanag ang paligid.
Nasa isang kwarto ako at nakahiga ako sa kama. May suwero na nakakabit sa kamay ko.
Narinig ko naman na nagbukas yung pinto. Pagtingin ko kung sino. Si Kisha mukhang gulat na gulat siya ng makita ako.
Nagulat din naman ako ng bigla siyang tumakbo siya at yumakap sa akin.
"Akala ko hindi ka na gigising pa." sabi niya.
Napangiti naman ako. "Paano kaya kapag hindi na talaga ako nagising?" Bigla naman niya ako sinuntok pero mahina lang.
"Baliw ka din eh." Natawa na lang ako sa inaasal niya.
"Matagal na." sabi ko naman.
Narinig kong bumukas yung pinto at humiwalay naman na si Kisha. Napatingin naman ako sa may pinto.
"Oh. May momentum palang nagaganap dito." sabi ni Shiela na nakangiti.
Napailing naman ako sa sinabi ni Shiela.
Napatingin naman ako sa dala-dala ni Shiela na plastic. Mukhang napansin niyang nakatingin ako sa plastic.
BINABASA MO ANG
Book 1: Be Live Be Taken: We're Out Numbered
Science FictionWill you choose to LIVE and Fight or Will you be TAKEN and Die... You have two choices to make... But what will you choose? To Be Live or To Be Taken? You need to choose wisely, because we survivors are just Outnumbered... Highest Rank in Thriller:...