Chapter 40

994 35 6
                                    

[Ranz's POV]

"Sino kayo!?" Napatingin naman ako sa nagsalita nasa malayo lang siya at halatang bata lang siya na may hawak na malaking baril na nakatutok sa amin.

Tinutukan naman ni Rhaniel at Marc yung bata. Agad ko naman hinawakan ang baril nila. "Huwag!" saway ko sakanila. Binaba naman nila yung baril nila.

"Dito lang kayo." sabi ko sakanila at maglalakad na sana ako ng may humawak sa braso ko.

"Teka pre? Sigurado ka ba diyan?" pagaalangan ni Rhaniel.

"Hindi natin kilala yan." sabi naman ni Johnrey.

"Ako na bahala." sabi ko sakanila.

"Ingat ka pre." sabi naman ni Niel. Tumango lang ako at naglakad na ulit.

"Diyan ka lang!" sigaw nung bata habang tinututok sa akin yung hawak niyang malaking baril.

Pero patuloy lang ako sa paglalakad. "Tumigil ka!" Hindi ko pinansin yung sinabi niya.

Narinig ko naman na may tumamang bala ng baril sa sahig na nasa harapan ko. Napatigil naman ako sa paglalakad.

"Bata kung ako sayo ibababa ko na yan!" sigaw ko at nagpatuloy sa paglalakad.

"Huwag kang lalapit!" sigaw nito.

Natatanaw ko na yung bata at kitang-kita ko na ang hawak-hawak nitong isang malaking baril na sa pagkakaalam ko isa itong Assault MG at walang-wala ang mga baril namin na pistol.

"Bata bitawan mo yan." utos ko sakaniya. Halos isang metro na lang ang layo namin sa isa't-isa.

"Hindi ako bata may pangalan ako!" sigaw nung bata habang masama ang tingin sa akin.

Malamang hindi naman kita kilala. sabi ko sa isip-isip ko.

Huminga muna ako ng malalim at baka mapatulan ko tong batang to.

Lumakad ako ulit. "Huwag kang lalapit! Puputok ko to!" sigaw nito.

Nang makalapit ako. Lumuhod ako sa harap nito para maging kasing pantay ko yung bata.

"Ibaba mo yan." seryoso kong utos sa bata. Halata naman sa mukha nito na natatakot na.

"H-hindi ako n-natatakot sayo!" sigaw nito habang nauutal na at tinututok sa akin yung baril na hawak niya.

"Ibaba mo sabi!" sigaw ko. Mukhang tuluyan na ngang natakot at mabagal na niyang linapag sa sahig yung baril.

"Angelo!" napatingin naman ako sa sumigaw. Isa siyang babae na kung titignan halos kasing edad lang namin siya.

"Hoy sino ka!?" tanong nito ng makalapit sa amin.

Bigla naman umiyak yung bata na si Angelo daw ba yun. Tinignan naman ako ng masama nung babae. "Hoy ikaw anong ginawa mo kay Angelo!?" sigaw niya habang yung kaliwang kamay niya naka hawak sa baywang niya at yung isang kamay niya naman  pinantuturo niya sa akin.

Napalunok naman ako ng laway ko. Mukhang talo ako dito. "Wala akong gina--- Aray!!" Napahawak naman ako sa pisngi ko. Ansakit nun ah naramdaman ko yung pagsampal sakin nung babaeng nasa harapan ko.

"Pre anong nangyayare na dito?" rinig kong tanong ni Rhaniel. Napatingin naman ako sa nasa likuran ko.

Book 1: Be Live Be Taken: We're Out NumberedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon