Chapter 26

1.2K 49 2
                                    

[Shiela's POV]

Naalimpungatan naman ako dahil sa narinig kong pagsabog. Anong nangyayare?

Nilibot ko ng paningin ang buong paligid. Nakita ko naman na maging yung mga kasamahan ko ay nagising din.

Nakarinig naman ako mula sa pinto ng mga sundalong tumatakbo.

Nagulat naman ako ng may maramdaman akong humawak sa kamay ko. Pagtingin ko kung sino si Johnrey lang pala.

"Nandiyan na sila." sabi niya. Huh? Naguguluhan naman ako.

"Sinong sila?" tanong ko sakaniya.

"Sila Ranz." sabi niya. Masaya naman ako at maliligtas na kami.

Bumukas naman bigla yung pinto at nilabas nito ang isang sundalo. Nakaramdam naman ako ng biglang pagkatakot.

"Huwag kayong magalala, dahil kakampi niyo ako. Ako nga pala si James." sabi niya. James pala pangalan niya.

"Nasaan sila Ranz?" tanong ni Johnrey.

"Nandun nilalabanan nila yung mga sundalo ni Jinghin. Tara na wala na tayong oras pa." sabi niya at pinalabas kaming lahat.

Napansin ko naman si Andrei ayaw gumalaw sa kinakatayuan niya. Nilapitan ko naman ito at kinarga. Nung una pumapalag pa siya pero ng malaman niyang ako yung bumuhat sakaniya nanahimik na siya.

Pagkalabas namin dinig ko mula sa kinakatayuan ko ang pagputukan ng mga baril.

"Tara dito tayo dumaan." sabi ni James at tumakbo naman na kami.

Pinapuputukan naman niya ng hawak niyang baril yung mga sundalo na  nakakasalubong namin.

May binuksan naman na pinto si James at pumasok. Patuloy lang siya sa pagbaril ng mga sundalong nakakasalubong namin.

"Tara dito tayo." sabi ni James. Pagpasok namin mas lumakas yung naririnig naming putukan at bumungad samin ang dalawang panig na nagpapalitan ng bala ng baril.

Nakita ko naman sa kalayuan si Ranz na nakikipagpalitan ng putukan sa mga sundalo ni Jinghin.

Nakita ko din si Kisha na nasa likuran nila Ranz. Siya naman yung bumabaril sa likuran. Nakita ko din naman si Marc mabuti na lang at ligtas siyang nakatakas. Pero nasaan si Rhaniel? Akala ko ba magkasama sila ni Marc?

"Sheila!" rinig kong tumawag sa akin. Napatingin naman ako si Johnrey nasa malayo na pala sila. Napatakbo naman ako papunta sa kanila.

"Ba't niyo ko iniiwan." reklamo ko sa kanila.

"Hindi ka naman kase maiiwan kung hindi ka tumigil sa paglalakad." pagpapaliwanag ni Johnrey. Oo na ako na may kasalanan. Kinuha naman niya sa akin si Andrei na karga-karga ko.

Naglakad kami patungo sa likuran ng building at doon ko nakita ang malaking pagsabog nanangyare. So sila pala may pakana nung narinig naming pagsabog.

Book 1: Be Live Be Taken: We're Out NumberedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon