[Johnrey's POV]
Nagising na lamang ako sa sinag na nagmumula sa araw. Grabe nakatulog na pala kami dito sa labas. Nasobrahan yata kami sa pagiinom.Tumayo na ako para magunat ng katawan. Nakita kong tulog pa din sila Rhaniel, Marc at Niel sa upuan nila.
"Oh pre, kape." Napatingin naman ako sa nagsasalita. Si Paolo mukhang kanina pa gising.
"Salamat." Kinuha ko na yung kape at humigop ng kaunti.
Napaisip naman ako bigla. Delikado pala yung pagtulog namin dito sa labas. Buti na lang walang nangyareng masama sa amin. Chineck ko pa kung may kagat ako sa katawan.
"Huwag kang magaalala dahil ligtas naman dito sa labas, kahit sa labas kayo matulog dahil may mga incharge naman para magbantay sa gabi." sabi ni Paolo habang humihigop ng kape.
Mabuti kung ganun. Ligtas nga naman talaga kami dito.
Ilang oras lang nagising na din sila Niel, Marc at Rhaniel.
"Marami yata nainom ko." sabi ni Niel habang hinihimas yung ulo niya.
"Grabe ka naman kasi kung makaagaw ka ng tagay." sabi naman ni Rhaniel.
"Oy! Anong nangaagaw?" sagot naman ni Niel.
"Kakashot mo pa lang tapos bigla mong sasabihin na 'akin na yung tagay ko'." sabi ko naman.
Nakita ko na tila inaalala ni Niel yung pinaggagawa niya kagabi.
"Tara balik na tayo sa tent! Inaantok pa ko!" sabi naman ni Marc na nauna ng maglakad pabalik sa tent. Pagewang-gewang naman lakad ni loko.
Naglakad na kami pabalik ng tent nung nasa entrance na kami ng tent biglang napatigil sila Marc sa paglalakad. Hindi ko makita kung bakit kaya naman hinawi ko na sila para makalapit ako.
Bigla na lang ako naestatwa sa kinatatayuan ko, dahil sa nakita ko. Imposibleng mangyare ito.
Nakahandusay na sa sahig si Sheron puro dugo ang damit nito. Kitang kita ko mula sa kinakatayuan ko ang tama ng baril nito sa ulo.
BINABASA MO ANG
Book 1: Be Live Be Taken: We're Out Numbered
Science FictionWill you choose to LIVE and Fight or Will you be TAKEN and Die... You have two choices to make... But what will you choose? To Be Live or To Be Taken? You need to choose wisely, because we survivors are just Outnumbered... Highest Rank in Thriller:...