[Ranz's POV]
Naglakad naman na kami patungong parking lot.
Nakita ko naman yung dalawang motor na nakaparada. pero wala ang susi nito.
Mukhang napansin din ito ni Marc.
Nilibot ko ng paningin ko sa buong paligid at may nakita akong isang maliit na estraktura na malapit sa gate.
Mukhang dito nilalagay yung mga susi.
"Marc tandaan mo yung plaka ng isa." sabi ko dito at tinandaan ko naman yung plaka ng isa.
Nagtungo na kami sa security house kung tawagin malapit sa gate. Napansin kong walang tao sa loob nito kaya naman pumasok na ako sa loob at sumunod din si Marc sa likod ko.
Pinuntahan ko kaagad yung stante kung saan nakalagay ang mga susi. "Hanapin mo na yung plaka na pinatandaan ko sayo." sabi ko at tumango naman ito. Hinanap ko na din yung sa akin at nang makita na namin pareho lumabas na kami at nagtungo na sa motor.
Sumakay na ako sa motor at ganun din siya. Nauna naman na akong paandarin ito at nakasunod naman siya sa likudan ko.
Nagulat naman ako ng biglang gumalaw yung malaking gate na tila ba pa sarado na ito. "Shit!" sambit ko. Mukhang alam nilang tatakas ako.
Tinodo ko naman yung bilis ng pagpatakbo ko ng motor. Hanggang sa paunti ng paunti ang awang ng gate. Mukhang nakita din ito ni Marc at tinodo din ang bilis ng pagpapatakbo ng motor niya
"Konti na lang." sabi ko ng makitang kaunti na lang ang layo ko sa malaking gate.
Nakabot naman ako bago pa magsara ang gate at ganun din si Marc.
"Wait!" rinig kong sigaw niya. Kaya naman napahinto ako.
Nang magkapantay na kami ng layo. "Saan natin sila hahanapin?" tanong nito sa akin.
Naalala ko naman bigla yung nakita ko sa TV screen mga senariong nangyari inalala ko lahat.
Simula ng si Rhaniel ay biglang lumuhod sa harapan ni Niel. Bakit naman yun luluhod kung walang hinihinging pabor o kaya naman may gustong malaman pero kung gusto malaman ano naman ang kinalaman ni Kisha doon at bakit siya sumama?
Hindi naman yun sasama kung hindi mahalaga ang pupuntahan?
"Alam ko na." sabi ko sakaniya. Gumuhit naman sa mukha niya na tila nagtatanong kung ano yun.
"Diba si Kisha best friend niya si Tasha at alam naman natin na may gusto si Rhaniel kay Tasha mukhang ang balak ni Rhaniel magpasama kay Niel pero dahil sa narinig ni Kisha ang usapan ito ay nagpumilit na sumama kahit na tinutulan na ito ni Niel at Rhaniel." Mahabang paliwanag ko sakaniya. Hindi ko alam kung tama nga ba ang hinala ko ayon lang iyan sa nakita ko sa TV screen.
Mukhang alam ko na kung saan sila papunta. "Sundan mo ako." sabi ko sakaniya.
"Teka! Wala tayong panlaban sa mga zombie na makakasalubong natin." sabi nito sa akin.
"Meron, tignan mo yung loob niyang motor mo." sabi ko sakaniya habang tinuturo ang nasa bandang upuan niya. Binuksan naman niya ito at nakita niya ang dalawang pistol sa loob nito.
"P-pano mo nalaman?" gulat na tanong nito. Nagkibit-balikat lang ako.
Nagsimula naman na kaming baybayin ang kalsada.
"Ranz sa mga gilid may nakaabang." rinig kong sabi ni Marc. Kaya naman napatingin din ako sa paligid.
Meron ngang nakaabang na mga sundalo na galing sa hospital ni Tito.
Napailing na lang ako. "Titigil tayo." sabi ko kay Marc. nakita ko naman sa side mirror ko na tumango siya.
Inihinto ko naman yung motor ko at ganun din si Marc. "Boss saan kayo papunta?" tanong sa akin ng leader incharge ng mga sundalo ang pagkakaalam ko siya si Judiel.
May namuong ngiti naman sa mukha ko. "Ah inutusan kami ng Tito ko na kuhanin yung bagay na nandoon sa kampo ni Dr. Jimuel." napansin ko naman na tila ba kumagat yung palusot ko.
"Ah sige boss gabi na kaya magingat kayo. Oy! Buksan yan!" utos ni Judiel sa mga kasamahan niya.
Bumukas naman yung harang at agad namin pinaandar ni Marc ang mga motor namin.
Lumingon naman ako para makita ulit si Judiel napansin ko na tila may kausap ito telepono at nagbago bigla ang itsura nito tila ba na uto ko siya. Napailing na lang ako.
"Ranz! Tumingin ka sa dinadaanan mo!" Napaharap na ako ng tingin.
Napatingin naman ako sa side mirror ko at nakita ko si Judiel may hawak na sniper at tinutok sa amin. "Shit!"
"Marc bilisan natin!" tinodo ko na ang bilis ng akin at ganun din siya.
Nakarinig naman ako ng ilang putok at dumaplis ang iba sa motor ko.
Napansin kong malayo-layo na kami sa gate kaya naman binagalan ko na ng kaunti ang pagpapatakbo ko.
Nagtungo naman na kami sa kampo ni Dr. Jimuel dahil doon lang ang alam kong pwede nila puntahan kung sakaliman na hahanapin nila si Tasha.
Wala sanang masamang mangyare sainyo Kisha. Ngayon pa na gabi na at mas delikado ang bumalik doon, dapat hindi ka na sumama pa.
Tigas din kasi ng ulo. Haiysst...
BINABASA MO ANG
Book 1: Be Live Be Taken: We're Out Numbered
Science FictionWill you choose to LIVE and Fight or Will you be TAKEN and Die... You have two choices to make... But what will you choose? To Be Live or To Be Taken? You need to choose wisely, because we survivors are just Outnumbered... Highest Rank in Thriller:...