[Ranz's POV]
Malayo-layo na din ang nabyahe namin. Puro palayan na rin ang makikita sa paligid at Mukhang palubog na ang araw dahil sa dumidilim na ang paligid.
Napansin ko sa side mirror ko yung paghikab ni Kisha. "Inaantok ka na?" Tanong ko dito.
Tumango lang siya. Kitang-kita ko sa mga mata niya na parang wala siyang maayos na tulog.
Naalerto ako ng may marinig akong kaluskos sa mga palayan na nadadaanan namin. Habang tumatagal lumalakas yung kaluskos na naririnig ko. May masama akong pakiramdam.
Napahawak ako ng mabuti sa manibela. "Kisha, kumapit kang mabuti." sabi ko at tinodo ko ng sobrang bilis yung motor. Naramdaman ko naman yung mahigpit niyang paghawak sa damit ko.
Nakarinig ako ilang sunod-sunod na putok ng baril. Nataranta na ako nung tumama ito sa motor namin. "Hawak!" Mas kinababahala ko ay baka matamaan kami ni Kisha.
Narinig kong sumingaw yung gulong sa likuran. "Shit!" Nawawalan ako ng balanse sa pagmamaneho! Pinihit ko naman yung break. Kaso hindi ito kumakapit mukhang natamaan din ng baril.
"Ah!!!" Napapikit ako ng makita kong pabulusok kami papunta sa palayan. Ramdam ko naman yung sobrang bigat ng motor.
"K-kisha o-kay ka lang?" tanong ko. Dahil ako wala akong maramdaman namanhid na yata katawan ko ng dahil sa nakadagan sakin yung motor.
Naramdaman ko na umalis siya sa pagkakaipit sa motor. "Okay lang ako, p-pero i-kaw hindi!" Sinilip ko yung paa kong naipit sa gulong ng motor. Hindi ko naman ito makita dahil sa dilim. Pero dama ko yung malamig na likidong tumutulo galing sa paa ko.
Napatingin ako kay Kisha na nakatayo sa harapan ko. Halata sa mukha niya na hindi niya alam kung anong gagawin niya. "Taas kamay!" Napatingin ako sa nagsalita. Di ko maaninag yung mukha niya dahil sa sobrang dilim.
"Saan ka-- teka!" Inilawan naman ako neto.
"Sir Ranz?" Inaninag ko naman kung sino yung nagsalita.
"J-james?" Hindi ako pwedeng magkamali siya nga si James kaibigan ni tito Claveria na isang doctor.
"Ikaw nga!" Sabi niya at biglang kinuha yung walkie talkie. "Bravo! Cease fire! Emergency! Calling for help we have an urgent patient" sabi niya.
Ilang sandali lang may dumating ng mga sundalo at agad naman nila tinayo yung motor para maalis sa pagkakadagan nito sa akin.
Nanlaki naman yung mata ko ng makita kong marami ng dugo ang nawala sa akin.
"Sir, sorry hindi namin sinasadyang pagbabarilin kayo." Paghingi niya ng paumanhin sa nangyare.
"Okay lang." sabi ko at binigyan na lang muna nila ako ng first aid.
Matapos gamutin dinala na ako sa jeep ng sundalo para dalhin sa kampo nila tito. Medyo naibsan naman na yung sakit na naramdaman ko.
Habang nasa jeep kami napansin kong tulala pa din si Kisha. "Uy okay ka lang?" Tanong ko pero hindi naman niya, ako pinansin.
Dinaan ko naman yung kamay ko sa harap ng mukha niya, pero wala pa din.
Isang paraan na lang naisip ko para naman magising ito sa pagkakatulala. Kinuha ko yung kamay niya at pinisil-pisil ito. Mukhang naramdaman niya dahil napatingin siya sa kamay ko.
BINABASA MO ANG
Book 1: Be Live Be Taken: We're Out Numbered
Science FictionWill you choose to LIVE and Fight or Will you be TAKEN and Die... You have two choices to make... But what will you choose? To Be Live or To Be Taken? You need to choose wisely, because we survivors are just Outnumbered... Highest Rank in Thriller:...