Chapter 50

944 36 5
                                    

[Tasha's POV]

Napamulat naman ako ng mga mata ko ng maramdaman ko yung sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.

Napaupo naman ako sa gilid ng kama ko. Nakita ko naman na mahimbing pangnatutulog sila Kisha, Shiela at Angela.

Napansin ko naman na tila ba naaalala ko na yung nangyare sa akin mula sa kampo hanggang sa makagat ako ng Zombie.

"Oh. Tasha gising ka na pala." napatingin naman ako sa nagsalita si Shiela. Nginitian ko naman ito.

"Goodmorning Shiela!" pagbati ko dito. Na siyang ikinagulat niya.

"Tasha?" Napalingon naman ako sa nagsalita.

"Goodmorning bes." pagbati ko dito. Ngumiti naman ito sa akin.

"Nakakaalala ka na Tasha?" tanong ni Kisha, tumango naman ako.

Napatayo naman ito sa kama niya at linapitan ako.

Naramdaman ko naman yung mahigpit niyang yakap sa akin. Kaya naman ginantihan ko rin siya ng yakap.

"Tama ba narinig ko!?" napatingin naman kaming lahat kay Angela na halatang kakagising lang.

Tumango naman ako. "Angela tumingin ka nga sa salamin." sabi ko sakaniya.

Tumayo naman siya at nagtungo sa harap ng salamin.

"What the!!?" nagtawanan naman kaming tatlo dahil sa gatas pa sa gilid ng labi ni Angela.

"Shemay buti na lang kayo lang nakakita. Kung si Niel nakakita nito aasarin ako ng aasarin nun." sabi niya habang pinupunasan yung labi niya.

Nagtawanan lang ulit kami.

Masaya pala sa pakiramdam na nakakaalala na.

Napatigil naman kami sa pagtatawanan ng makarinig kami ng pagsabog.

"Ano yun?" tanong ko dito.

"Ah yun ba? Si Dr. Jayr lang yun. Gumagawa kasi si Doc ng gamot na tinurok sayo dati para bumalik ka sa dati." sagot naman ni Kisha na siyang ikinatango ko.

"Tara cafeteria nagugutom na din ako." pag-aya naman ni Shiela, na kinasangayunan namin.

Habang naglalakad kami papuntang cafeteria. Napansin ko na tila ba nagpunta ng likuran namin si Kisha. Pagtingin ko sa unahan papunta pala sa direksiyon namin si Rhaniel kasama nito si Marc.

"Goodmorning Tasha." pagbati sa akin ni Rhaniel. Nginitian ko naman ito.

"Sasabihin mo na ba sakanila?" bulong sakin ni Shiela na nasa tabi ko lang.

"Mamaya sasabihin ko na sakanila." sabi ko kay Shiela na ikinatango niya.

Book 1: Be Live Be Taken: We're Out NumberedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon