[Johnrey's POV]
Tumigil na kami sa tapat ng hospital at minabuti naming huwag gumawa ng anumang ingay dahil delikado na nasa closed area kami ngayon.
Napatingin naman ako sa hospital malaki-laki nga ito at mukhang mahihirapan kaming hanapin ang kailangan namin.
"Ranz, saan tayo dadaan?" tanong ko dito. pero hindi naman ako nito pinansin at tila ba may hinahanap siya.
"Ano hinahanap mo?" tanong ni Rhaniel kay Ranz.
Nakatingin lang kami ngayon kay Ranz. May hinugot naman si Ranz sa lapag na tubo yata ito.
"Oh, gagamitin niyo to. Delikadong gumamit ng baril sa loob baka matrap pa tayo sa loob kapag nagkataon." sabi ni Ranz, kasabay ng pag-abot niya sa amin ng tubo.
Nagtungo naman na kami sa Entrance laking gulat namin ng biglang may sumalubong na zombie at mabuti na lang nakasarado ang babasagin na pinto dahil kung hindi nadali na kami nito.
Hahawakan na sana ni Rhaniel ang pinto pero pinigilan ko ito. "Pre, huwag delikado baka maraming zombie diyan." agad naman niya binawi ang gagawin niyang pagbukas.
"Saan tayo ngayon?" tanong ni Rhaniel. Napalingon naman ako sa paligid ko nakikiramdam baka mamaya may biglang sumunggab sa amin. Napansin ko naman ang pagtingala ni Ranz at mukhang alam ko na ang gusto niyang gawin.
"Akyat tayo." sabi ni Ranz habang nakatingin sa hagdan na nasa itaas.
"Kailangan natin ng mataas na bagay para maabot yang hagdan." sabi ko.
Napatingin naman ako sa paligid. Wala naman akong makitang pwede namin tungtungan.
"Pre, yun oh pwede." sabi ni Rhaniel habang tinuturo yung malaking basurahan.
"Teka! May naririnig akong yapak." sabi ni Ranz habang nakadapa sa sahig at pinapakingan ito.
"Tara dito!" sigaw ni Rhaniel at pumasok sa loob ng basurahan. Tumakbo na din kami ni Ranz at pumasok na din sa basurahan.
Ang dilim naman dito sa loob. "Sino kayo!?" nagulat naman kami ng makarinig kami ng nagsalita.
"Sino ka?" tanong ko. Kahit hindi ko siya makita.
"Mga pre, minumulto na ba tayo?" tanong naman ni Rhaniel.
Nagulat naman kami ng biglang umilaw yung loob ng basurahan.
Gusto kong masuka ng makita ang loob nito. Ngayon ko lang nadama na sobrang baho pala sa loob nito.
Napatingin naman ako sa taong nagilaw sa amin mukhang isa itong doctor dahil na rin sa suot nitong lab gown kahit na ba ang dumi na nito tignan makikita mo pa din ang pagiging doctor nito.
"Isa kang doctor?" rinig kong tanong ni Rhaniel. Binatukan naman siya ni Ranz.
"Nakita mo na nga yung suot itatanong mo pa." sabi naman ni Ranz.
"Sino ba kayo?" tanong ng doctor sa amin.
"Ako si Johnrey, Eto naman si Rhaniel at siya naman si Ranz." Tumango lang siya.
"Uhmm. Mga survivors pala kayo." tumango naman kami sa sinabi niya.
Nabasa ko naman sa name tag niya ang pangalan niya ay si Dr. John Rafael Piñeda isang Chemist.
Sinilip naman ni Ranz kung meron pang zombie sa labas. "Okay na guys, tara na." sabi ni Ranz at binuksan na ang takip ng basurahan.
Lumabas naman na kami ng basurahan at talaga namang kumapit yung di kaaya-ayang amoy sa amin.
BINABASA MO ANG
Book 1: Be Live Be Taken: We're Out Numbered
Science FictionWill you choose to LIVE and Fight or Will you be TAKEN and Die... You have two choices to make... But what will you choose? To Be Live or To Be Taken? You need to choose wisely, because we survivors are just Outnumbered... Highest Rank in Thriller:...