Epilogue

2K 47 20
                                    

3 Months Later...

[Kisha's POV]

"Kisha!!!" nagulantang naman ang payapa kong pagkatulog ng marinig ko ang sigaw ni Tasha. Mula sa labas ng kwarto ko.

Kinuha ko naman yung unan ko at pinantakip ito sa tenga ko. Narinig ko naman ang sunod na sunod na katok nito sa pinto ko. Sa tingin ko kakalas na sa pagkaka-kabit yung pinto sa sobrang lakas niyang kumatok.

Ilang minuto din ang lumipas at wala na akong narinig pang katok mula sa pinto. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil makakatulog na ulit ako. Mukhang napagod na din si loko kakatawag.

"Kisha!!!" napabangon naman ako ng marinig kong nasa loob na siya ng kwarto ko.

Inis ko naman itong tinignan. "Bakit ba!? Kay aga-aga nambubulabog." iritang sabi ko dito.

"Nakita mo na ba yung letter na pinadala sayo?" napakunot naman noo ko.

"Anong letter naman yun at isa pa wala naman akong letter na inaasahan no." sagot ko dito at Pahiga na sana ako ng bigla niya akong batuhin ng unan.

"Ang bastos naman neto. Tinutulugan yung bisita." sabi nito.

"Correction! Bwisita!" sigaw ko dito at pinikit na ulit ang mata ko.

Pagdilat ko napansin ko na maaraw na pala sa labas. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Anong oras na kaya? Kinuha ko yung cellphone ko para tignan kung anong oras na. Magtatanghali na pala. Bumangon na ako sa pagkakahiga ko at nagunat-unat. Nakuha naman ng atensiyon ko ang isang sobre na nasa study table ko kinuha ko naman ito at binuksan.

Dear Ms. Kisha,

         We're inviting you to attend the program that will be held in the house of our president. A small gathering for the successful of your team. I hoped that you will come in the day 17th of January year 2020 at the time of 6:00pm general assembly.

Totoo ba ito? Sa bahay mismo ng presidente?

"Oo anak, totoo yan." napatingin naman ako kay mama na nasa pintuan.

"Goodmorning ma! Pano niyo nasabi? Siguro binasa niyo na ito no?" sabi ko kay mama.

"Nasa TV na din yan anak, oo naman nabasa ko na yang sulat pero totoo yan dahil sa TV binalita yan ng pangulo sa press conference niya." awtomatikong napabuka ang bibig ko.

"Nak, Isarado mo nga yan. Tsaka mag-ayos ka na ng sarili mo dahil January 17 na ngayon." napatingin ako sa kalendaryo totoo nga! Dali-dali akong nagtungo ng banyo para maligo.

Paglabas ko ng banyo nakita ko si mama na naglalatag ng kung ano-anong mga dress sa kama ko.

Agad naman ito itinaas ni mama sa harapan ko. "Sa tingin ko mas mabagay sayo itong navy blue dress." sabi ni mama at nilagay sa harapan ko yung navy blue dress. Tinignan naman niya kung mas okay nga ito.

"Hmmm. Maganda nga nak! Dali suotin mo na!" sabi ni mama at tinutulak ako papasok ng banyo.

"Teka ma! Magsusuklay pa ako." sabi ko habang pinipigilan ang pagtulak sa akin ni mama.

Tumigil naman siya sa pagtulak sa akin at nagtungo si mama sa drawer ko at dali-daling kinuha ang suklay sa loob nito.

"Oh, eto na dali pasok!" sabi ni mama kasabay ng pagabot niya sa akin ng suklay. Wala na ako nagawa pa at pumasok na lang ng banyo.

Sinuot ko naman yung navy blue dress na binigay sa akin ni mama.

Pagtapos ko suotin yung dress lumabas na ako ng banyo. Nakita ko naman si mama nakaupo sa kama ko na tila inaabangan ang paglabas ko.

Book 1: Be Live Be Taken: We're Out NumberedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon