Chapter 33

1K 39 4
                                    

[Niel's POV]

Nandito ako ngayon sa roof top. Napansin kong palakad ngayon si Ranz papunta dito sa roof top.

"Mukhang napapadalas yata ang pagtatambay natin dito ah." tumigil naman bigla si Ranz mukhang gulat na gulat pa ng makita ako.

Umihip naman ako ng sigarilyong hawak ko.

"Lagi naman ako nandito eh. Lalo na kapag sobrang daming gumugulo sa isip ko." sabi niya habang malayo ang tingin.

Binuga ko naman yung usok sa bibig ko. Tumingin naman ito sa akin. "Wala ka bang balak tumigil diyan?" sabi niya habang tinuturo ang hawak kong sigarilyo.

Natawa naman ako sa sinabi niya. "Seryoso ako Niel." sabi nito habang nakatingin sa malayo.

"Dude buhay ko na ito." sabi ko naman sakaniya sabay ihip ng sigarilyo.

"Sige buhay mo na yan diba? Eh paano naman si Angela? Baka naman gusto mo tigilan. Isip-isipin mo din yung mahal mo sa buhay." sabi niya sabay naglakad pa-alis.

Bakit naman kaya ito biglang nangelam ng buhay. "Eh ikaw? Ba't ka umiinom dahil ba yan kay Kisha?" napatigil naman ito bigla sa paglalakad.

"None of your business." sabi nito. Ngumiti naman ako ng nakakaloko.

"Sabi nila kapag lasing ang isang tao. Nasasabi raw nito lahat ng nararamdaman niya." sabi ko na may mapangasar na ngiti. Humarap naman ito bigla sa akin at kumunot ang noo.

"H-hindi yan totoo!" sigaw niya. Umiling na lang ako.

"Huwag ako Ranz... Huwag ako." sabi ko sakaniya at tumalikod naman siya bigla.

"Bahala ka sa buhay mo!" sigaw nito at naglakad na paalis.

"Deny pa!" pahabol ko at alam kong rinig niya iyon dahil napatigil siya sa paglalakad at nagpatuloy ulit.

Bakit ba may mga taong in denial pa kahit na halatang-halata naman na sila. Haiysst buhay torpe nga naman.

"Niel?" Napalingon naman ako sa tumawag sa akin. Isa pa to! Sa mga torpe.

"Bakit?" tanong ko kay Rhaniel.

"Kailangan mo akong samahan sa paghahanap kay Tasha." Napailing naman ako.

"Dude alam ba yan ni James?" tanong ko sakaniya.

"Hindi, pero alam na ni Dr. Claveria at pumayag siya pero kailangan ko daw ng kasama." Kumunot naman yung noo ko ng bigla siyang lumuhod sa harapan ko."Please... Dude samahan mo na ako.." pagmamakaawa niya.

Tinapon ko muna yung sigarilyong hawak ko. "Eh bakit hindi ka kay Ranz magpasama? At tsaka nasaan ba si Tasha?" tanong ko sakaniya.

"Pre, hindi ko pwedeng isama si Ranz dahil kakagaling niya lang sa pagiging confined at si Tasha naman ay isa ng zombie." Anu raw? Si T-tasha ay zombie na?

"P-paano mo nasabi?" nakita ko naman na tila ba naluluha na siya.

"N-nakita ng dalawang m-mata ko. H-hindi din ako pwede magkamali d-dahil si Ranz na rin mag s-sabi." garalgal niyang pagsalita.

"Sige sa---"

"Sasama ako!" napalingon naman kami sa pagsalita. Nanlaki naman pareho ang mata namin ni Rhaniel.

"Hindi pwedeng hindi ako sumama at isa pa.... Mukhang ako ang dahilan kung bakit siya naging ganun." Nagkatinginan naman kami ni Rhaniel.

"Kisha hindi ka pwedeng sumama." pagtutol ko sa gusto niyang pagsama. Sinamaan naman ako neto ng tingin.

"Tama si Niel, Kisha hindi ka pwedeng sumama." sabi naman ni Rhaniel.

"Sasama ako sa ayaw at sa gusto niyo. Kaibigan ko si Tasha at alam kong kailangan natin siyang mailigtas." Mariin niyang pagkakasabi.

Nagkatinginan naman kami ni Rhaniel. Tumango na lang siya. "Okay fine." sagot ko naman.

Nagpaalam naman na kami kay Dr. Claveria pero hindi namin sinabi na kasama si Kisha dahil panigurado tututol din si Doc.

Binigyan naman kami ni Doc ng kung ano-ano. Mga sako at panali para daw mahuli namin ng maayos si Tasha at hindi kami makagat.

Nagtungo naman ako sa kwarto namin ni Angela. Pagpasok ko nakita kong nakahiga siya sa kama. Mukhang tulog pa siya.

Nagiwan na lang ako ng sulat sa maliit na table sa tabi ng kama.

Pero hindi ko sinabing si Tasha ang hahanapin namin. Ang nilagay ko ay inutusan kami ni Dr. Claveria na kunin ang isang bagay at baka tagalin ito ng hanggang dalawang araw.

Matapos ko isulat nagtungo na ako sa labas kung saan naghihintay sila Rhaniel.

"Okay na tayo?" tanong ko ng makalapit sa kanila. Pareho naman silang tumango. Asuswal ako ulit ang magmamaneho.

Habang nasa gitna kami ng biyahe hindi mawala sa isip ko ang mga salita na "Wala sanang masamang mangyare sa atin."

Sana...

Book 1: Be Live Be Taken: We're Out NumberedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon