Chapter 8

2.8K 107 14
                                    

[Ranz's POV]

Naiwan kaming lima dito sa loob. Napatingin naman ako kila Sheila at Tasha na inaaliw ang bata na si Jamea.

Nalipat naman ang tingin ko sa Mall hindi ako pwede magkamali narinig ko ang mga putok ng baril.

Napaka tigas ng ulo! Sambit ko sa aking isipan.

Nakita kong patakbo na dito sila Johnrey at Rhaniel pero teka! Nasaan sila Kisha?!

Inaabangan kong lumabas ng Mall sila Kisha pero wala!

Nang makasampa sila Rhaniel at Johnrey sa Bus agad ko silang tinanong.

"Nasaan sila Kisha?!" Hindi ko na maiwasan hindi mapasigaw. Dahil na rin sa pagkataranta. Baka kung ano na nangyare sakanila.

Nagkatinginan naman silang dalawa at nakita ko ang pagsampal ni Johnrey sa sarili nila. Spell TANGINA! Nilang dalawa!

Agad ko naman binulsa yung dalawa kong baril at nilabas yung balisong ko na kinuha ko ulit ito matapos ko ibato sa ulo ng Zombie na nakahawak sa braso ni Kisha.

Nakita ko naman napatakbo na dito yung mga zombie kaya hindi na ako nagsayang pa ng oras

Bago ako bumaba sinabihan ko sila Niel na pumunta sa Simbahan ng Antipolo at wala na akong naisip pang lugar kung hindi iyon.

"Ranz." Napatingin naman ako kay Niel.

"Huwag mong pababayaan si Angela." sabi niya at nakita ko naman sa mata niya na ang pagaalala. Talagang mahal na mahal niya si Angela. Kaya naman tumango ako.

"Oo pre pangako dadalhin ko silang ligtas sa simbahan. Sa ngayon umalis na kayo agad bago pa kayo maabutan ng mga Zombie dito at mahihirapan ka pang makalabas." sabi ko at bumaba na. Tinignan ko naman sila na tuluyan ng paglayo ng bus.

Agad na akong pumasok sa Mall pero imbis na sa harapan ako dumaan para makapasok mas pinili kong dumaan sa likod ng mall kung nasaan ang daan papunta sa pinakaitaas ng mall.

Habang naglalakad ako may mga ilan akong nakasalubong na zombie. Agad ko naman ito pinatumba dahil wala na dapat akong sayangin na oras.

Habang naglalakad ako sa taas. Tinitignan ko naman yung mga nasa baba pero bigo akong makita sila Kisha, dahil puro zombie lang nakikita ko sa baba.

Nakarinig naman ako ng sigawan. Hindi ako pwedeng magkamali kay Kisha ang sigaw na iyon. Agad naman akong sumilip sa baba at hinahanap kung saan, pero wala bigo pa din akong makita sila. Napansin ko naman na nagsitatakbuhan yung mga zombie papunta sa storage room. Kaya naman hindi na ako nagsayang pa ng oras at agad kong sinundan kung saan tumatakbo yung mga zombie.

Pagbukas ko ng pinto sa itaas hindi ko akalain na tama ang ginawa kong pagsunod sa mga zombie, dahil nakita ko sila Kisha nasa baba.

"Kisha!" sigaw ko mula sa kinatatayuan ko ngayon. Napatingala naman sila sa akin.

Tumingin ako sa paligid ko para maghanap ng paraan kung paano sila makakaakyat. Nahagip naman ng mata ko yung hagdan sa gilid. kaya naman ibinaba ko na kaagad yung hagdan. Napansin naman nila yung hagdan na binaba ko kaya tumakbo na sila papunta sa hagdan at umakyat. Binunot ko yung baril sa bulsa ko at pinaputukan yung mga Zombie na umaakyat sa hagdan.

Matapos nilang umakyat agad naman kaming tumakbo papunta sa pinto at sinarado ito.

Habang naglalakad kami biglang nagtanong si Angela.

Kung paano ko sila nahanap at ayun sinabi ko sa kanila kung paano sila nahanap.

Sinabi ko na din sakanila na pinauna ko na sila Niel sa Simbahan ng Antipolo kaya kinakailangan na namin pumunta doon dahil doon kami magkikita-kita.

Book 1: Be Live Be Taken: We're Out NumberedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon