Chapter 52

967 33 0
                                    

[Angela's POV]

Habang inaantay namin ngayon si Yna sa silid niya. Naramdaman ko ang pagkalam ng  sikmura ko.

"Babe, kain muna tayo" pag-aya ko dito habang hawak-hawak ang tiyan ko.

"Sige." sabi nito at tumayo. Sakto naman ng pagtayo niya ay ang pagbukas ng pinto at nilabas nito si Yna.

"Sorry, kakadating ko lang ah." sabi ni Yna at may dala itong pagkain napatingin naman ako sa sandwich na dala nito.

"Gusto mo?" tanong nito. Napatango naman ako. Agad naman inabot sa akin ni Yna yung isa pa niyang sandwich.

Agad ko naman kinain yung sandwich na binigay ni Yna.

"Antakaw mo naman babe." Bulong ni Niel sa akin. Napapout naman ako

"Gutom ako babe eh." sabi ko. Natinawanan lang ako nito. Inirapan ko nga. Bwiset eh.

Ilang minuto ang lumipas at dumating na sila Rhaniel at Ranz

"Ano meron ba't niyo kami pinatawag?" bungad ni Ranz kay Yna.

"Maupo muna kayo." sabi ni Yna habang tinuturo yung isa pang sofa na malapit sa amin.

Umupo naman sila Ranz at Rhaniel sa sofa. "Isa kayo sa mga inatasan kong mamahala sa oras na maging matagumpay ang experiment ni Doc. May ilan din akong sinama na survivors perop magkahiwalay kayo ng truck na sasakyan. Wala naman akong ibang aasahan kung hindi kayo ng mga kaibigan mo din  Ranz." nakikinig lang kami sa mga sinasabi ni Yna.

"Bukas nakahanda na ang truck na gagamitin niyo at inaasahan kong magiging matagumpay ang experiment ni Doc at maging kayo ay magawa niyo ang plano." sabi ni Yna.

"Ibig ba niyan sabihin babalik na sa dati ang lahat?" masayang sambit ni Rhaniel. Umiling naman si Yna.

"Hindi ganun kadali makakarecover ang buong pilipinas Rhaniel kaya baka abutin pa ito ng ilang buwan bago maibalik na ang dating pamumuhay ng mga tao." paliwanag ni Yna.

Narinig naman namin ang katok sa pinto.

Tumayo naman si Yna para pagbuksan ito. Si Doc. Jayr lang pala yung kumatok.

"Good news!" bungad nito sa amin.

"Bakit doc ano meron?" tanong ko dito. Nakakapanibago dahil nakangiti ito at mukhang maligalig si Doc ngayon.

"Naging matagumpay ang experiment ko. Bumalik sa dating anyo yung aso at kusang nawala ang mga kagat nito sa katawan." masayang ibinalita sa amin ni Doc ang pagiging matagumpay ng imbensiyon niya.

"Magandang balita nga iyan doc!" pagsangayon naman ni Niel.

May inilabas naman si Doc sa suitcase niya at isa itong puting baril. "Kung iisipin niyo para lang itong ordinaryong baril pero diyan kayo nagkakamali dahil ang bala nito ay inupgrade ko. Kaya kung titignan niyo ang bala nito may fluid kayong makikita na nakalagay sa transparent bullet nito." sabi ni Doc at pinakita sa amin ang imbensiyon niya.

"Wow!" iyan na lang ang nasambit ko.

"Isa pa. Hindi ito basta-basta nauubusan ng bala." pahabol ni Doc.

Napansin ko naman maging sila Ranz ay nagulat sa pinagsasabi ni Doc. Kahit din ako di ko lubos maisip na posible pala ang bagay na iyon. Akala ko sa mga libro o comics ko lang nababasa at nakikita ang mga ganun.

Napatingin naman ako sa may pintuan. Nanlaki ang mata ko ng makakita ako ng aso sa paahan ni Doc. Jayr.

"Ay eto yung aso na dinala niyo Ranz at Rhaniel sa akin." sabi ni Doc. Nalipat naman yung tingin ko kila Ranz at Rhaniel na halos pasukan na ng langaw ang bibig nila dahil sa nakanganga ito.

Book 1: Be Live Be Taken: We're Out NumberedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon