[Marc's POV]
Hinahabol pa din kami nung mga sundalo. Kailangan namin silang mailigaw.
"Hoy saan ba tayo pupunta?" Rinig kong tanong ni Rhaniel. Pagtingin ko sa paligid. Teka! Pabalik na kami sa kampo ah.
Naghanap naman na ako ng matataguan namin. Tingin sa kaliwa. Tingin sa kanan.
"Tara doon tayo!" Sabi ko habang tinuturo yung isang tent na malapit samin.
Pagpasok namin. Nagtago agad kami sa gilid nung bukasan nung tent. "Nasundan ba tayo?" Bulong ko sakaniya. Umiling naman siya habang nakasilip sa konting uwang ng tent.
"Nakita mo ba sila?" Napasilip ako sa bukasan ng tent. Nakaramdam ako ng kaba ng makita ko yung sundalo nakatayo lang dun sa tapat ng tent.
"Oo dito sila dumaan." Sabi naman nung kasama niya. Paupo na sana ako sa damo ng mapansin ko na mali ang turo nung sundalo kung saan kami dumaan.
"Tara baka nandu-- Ahhh!!!" Napabalik ako sa pagsilip. Hindi ko alam kung namamalit mata lang ba ako o ano? Dahil talaga bang si Tasha iyan? Si-si T-tasha isa ng z-zombie...
Pinagkakagat ni tasha yung mga sundalo na humabol sa amin.
Pagtingin ko kay Rhaniel nakatingin lang din siya kay Tasha. Makikita ko sa mga mata niya ang naghahalo-halong emosyon.
Matapos pagkakagatin ni tasha yung sundalo naglakad na ito papunta sa tapat namin. Nasa labas lang siya ng tent habang kami ay nasa loob. Hindi ko alam kung namali't mata lang ba ako o ano. Nakita ko ba talagang ngumiti si Tasha sa amin?
Linagpasan na kami ni Tasha at naglakad na siya palayo. Susunod na sana si Rhaniel kay Tasha pero hinawakan ko kaagad yung braso niya. "Hindi niya gugustuhin na saktan ka." Nakita ko naman sa mata niya yung namumuong mga luha.
Naalala ko bigla si Kisha sana walang masamang nangyare sakaniya. Baka hindi ko na kayanin pa kapag may mangyareng masama sakaniya.
Napaupo si Rhaniel sa lupa at ganun din ako. Pagtingin ko sakaniya, kita ko sa mukha niya ang sobrang lalalim ng iniisip niya. Alam kong mahal na mahal niya talaga si Tasha at mahirap tanggapin na wala na ang mahal mo sa buhay .
"Kahit sabihin mo pang matapang at matatag ka, kapag iniwan ka ng taong binibigyan mo ng halaga walang duda, hindi mo kaya." rinig kong sambit ni Rhaniel dala ng paghihinagpis niya.
Alam kong masakit ang mawalan ng mahal sa buhay. Ni hindi man lang niya nagawang ipagtapat ang nararamdaman niya. Sadya ngang mapaglaro ang tadhana.
Katahimikan lang ang namayani sa amin buong oras.
Nakaupo lang ako ngayon. Napatingin sa mga daliri ko. Bilang na lang ang mga taong mahal ko na buhay pa, sana kasama si Kisha sa buhay pa. kung saan ka man naroroon Kisha sana ligtas ka.
Naramdaman ko yung pagtayo ni Rhaniel. Kaya naman napatingin ako sakaniya. Pumunta lang siya sa tapat ng cabinet at binuksan ito. Nakita ko yung nilabas niyang baril sa loob ng cabinet.
"Magpapakamatay ka ba!?" Natataranta kong sabi. Hindi niya ako inimik. Naalarma ako sa balak niyang gawin. kaya naman nilapitan ko na siya kaagad.
"Pre, huwag kang magpapakamatay!" sigaw ko at hinihila ko na yung baril palayo sakaniya pero ayaw naman niya ito bitawan.
"Siraulo! Hindi ako magpapakamatay. Para saan pa at nanatili akong buhay kung ako mismo ang tutuldok sa sarili kong buhay." Binigay naman niya sakin yung baril.
"Kailangan natin iligtas yung mga kasama natin." sabi ni Rhaniel.
Hawak ko naman yung dalawang pistol na galing sa loob ng cabinet. Akala ko magpapakamatay na siya, kaya siya kumuba ng baril yun pala hindi.
Lumabas na kami sa tent at naghanap kami ng masasakyan. Sakto naman ng makita namin yung jeep ng sundalo.
Sumakay na kami kaagad. Sana okay lang yung mga kasamahan namin. Antayin niyo kami ililigtas namin kayo!
BINABASA MO ANG
Book 1: Be Live Be Taken: We're Out Numbered
Science FictionWill you choose to LIVE and Fight or Will you be TAKEN and Die... You have two choices to make... But what will you choose? To Be Live or To Be Taken? You need to choose wisely, because we survivors are just Outnumbered... Highest Rank in Thriller:...