Chapter 53

935 32 0
                                    

[Ranz's POV]

Dumating na ang araw ng paglilibot namin sa buong pilipinas. Sama-sama kaming ibabalik sa dati ang lahat.

Hindi man namin maibalik ang lahat sa kung ano sila dati. Ang pamumuhay nila ay mababago.

"Ranz, tulungan mo kami andae nila!" naalala kong nasa truck pala kami ng sundalo ngayon. Apat lang kaming nila Tasha, Kisha at Rhaniel ang nasa truck ngayon at yung iba naman naming kaibigan ay nasa kabilang truck. Napatingin naman ako sa harapan ko. Madami nga yung mga Zombie at kumpol-kumpol ang mga ito.

Kinasa ko na yung baril na imbensiyon ni Dr. Jayr at tinutok ito sa mga zombie na nasa harapan namin. Agad-agad naman itong nagsibalikan sa dati nilang itsura.Mga sugat at kagat nito sa bawat parte ng katawan ay kusang gumaling. Mapapaisip ka na lang kung may mahika ba na lumalabas sa baril na ito.

Minsan sisihin mo ang sarili mo na bakit mo pa pinapatay yung mga taong infected ng virus o sa madaling salita mga zombie. Tila naging isa kang mamatay tao dahil kinitil mo na rin ang pag-asa nilang bumalik at mabuhay ulit.

Matapos namin maibalik yung mga zombie sa dati nilang anyo. Nagtungo na kami sa iba pang mga lugar.

Naupo muna kami dahil na rin sa pagod. Tinignan ko naman yung mga kasama ko. Si Tasha at Rhaniel masayang nakangiti sa isa't isa. Napansin ko naman si Kisha na tahimik lang sa isang tabi.

Nilapitan ko naman ito at umupo sa tabi.

"Okay ka lang?" tanong ko dito kaso hindi naman ako pinansin at tulala pa din.

Pumalakpak naman ako ng malakas sa harap nito kaso di pa din ako pinansin.

"Uy kisha..." pagtawag ko dito at niyugyog ang katawan nito.

"B-bakit?" gulat na tanong niya.

"Okay ka lang ba?" tanong ko dito at tumango lang siya.

Ayoko maniwala na okay lang siya. Halata naman na hindi eh. Sino ba namang tao ang iisipin at sasabihin na okay lang siya kung galing siya sa pagkatulala. Isa lang naman ibig sabihin ng pagkatulala eh. May malalim kang iniisip.

"Eh. Bakit ka naman tulala?" nagkibit-balikat lang ito. Napakunot naman ako ng noo.

Gusto ko malaman kung ano ang gumugulo sa isipin niya kaso tila ako nakikipagusap sa hangin neto.

"Tila naman pipe tong kausap ko." sabi ko at napatingin sa langit. Hindi naman siya nagreact sa sinabi ko.

"Kisha..." pagtawag ko dito habang nakatingin pa din ako sa langit. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na tumingin ito. Hinarap ko naman ito.

"I--- like you." napayuko naman ako matapos ko sabihin yun. Sa oras na ito nakikiramdam ako kung ano nga ba magiging reaksiyon niya.

Naisipan ko na iangat ang ulo ko at tumigin ako sakaniya habang siya ay nkatingin lang sa akin. Halata ko naman sa mukha niya ang pagkagulat marahil sa sinabi ko.

Umiling-iling siya, parang alam ko na ang gusto niya sabihin.

"Hin---" nilagay ko ang daliri ko sa tapat ng labi niya. Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya.

"Okay lang Kisha naiintindihan ko." sabi ko at ngumiti kahit na ba alam kong pilit lang ang ngiti na iyon.

Tumayo ako sa pagkakaupo at nagtungo sa dati kong pwesto.

Bakit pa kasi siya Ranz ang minahal mo. Sana hindi na lang siya! Ang tanga tanga mo!

Alam mo naman na may mahal siyang iba. Ipagsisiksikan mo pa ang sarili mo sakaniya. Haiysst!

Naramdaman ko naman na may tumulong luha sa braso ko. Naiiyak na pala ako.

Naramdaman ko naman na tumigil na ang truck. Kaya naman tumayo na ako. Pagtingin ko sa paligid marami ring mga zombie sa paligid. Katulad ng kanina. Pinagtatama ko naman ito ng baril ni Dr. Jayr.

Tila sa mga zombie na ito ko na naibuhos ang galit ko. Kahit naman alam kong hindi naman sila masasaktan sa mga pinapatama kong bala dahil itong bala na ito ay gawa sa gamot ni Dr. Jayr.

Napansin ko naman sa peripheral vision ko na napapatingin sa akin si Kisha. Hindi ko na lang ito pinansin at tinuon ang atensiyon ko sa mga zombie na nasa harapan namin.

Naramdaman ko naman na may pumatong ba kamay sa balikat ko. "Bro, chillax." rinig kong sabi sa akin ni Rhaniel. Tinanguan ko lang ito.

Nang matapos kami. Nagtungo na kami sa iba't-ibang parte ng pilipinas.

Hanggang sa malibot na namin ang lahat-lahat ng lugar sa pilipinas.

Masaya akong naibalik sa ayos ang lahat ng tao. Pero lungkot pa din ang nararamdaman ko sa tuwing naalala ko... Haiysst..

Bumalik naman na kami ng hotel para ibalita kay Dr. Jayr. Na naging matagumpay kami.

Pero imbis na magtungo pa ako ng silid ni doc. Nagtungo na lang ako ng silid ko dahil gusto ko na lang ito ipahinga.

Para kalimutan ang sakit na nadarama kahit sa panandaliang oras.

Humiga na ako sa kama ko at ipinikit na ang mga mata ko.

Book 1: Be Live Be Taken: We're Out NumberedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon