Chapter 29

1.1K 43 0
                                    

[Kisha's POV]

Nandito pa rin ako sa kwarto ni Ranz. Hanggang ngayon wala pa din siyang malay. Halos magta-tatlong araw na siyang nakahiga sa kama niya.

Kailan ka ba magigising? Hindi mo na dapat pa hinarangan yung bala na dapat tatama sa akin eh. Edi sana wala ka ngayon diyan.

Nakarinig naman ako ng isang ingay kaya napatingin agad ako kung saan nanggaling yung ingay. Nanlaki ang mata ko ng makita kong sa Heartbeat meter nanggagaling yung ingay.

 Nanlaki ang mata ko ng makita kong sa Heartbeat meter nanggagaling yung ingay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ranz! Gising!!!" sigaw ko ng makita kong nagflat line yung heartbeat meter.

Napatakbo naman ako sa labas. "Doc!!!"

Tumakbo naman palapit si Dr. Claveria. "Bakit anong nangyayare?" tanong niya. Napatingin naman siya sa silid ni Ranz.

"Nurse Defibrillator!!!" rinig kong sigaw niya at pumasok na ng kwarto ni Ranz.

Nakita ko naman yung nurse tumatakbo at may dala itong isang bagay. Ang pagkakaalam ko yun ang defibrillator na kapag dinikit sa katawan may kuryenteng dadaloy sa katawan.

Sinarado naman nung nurse yung pinto nung kwarto ni Ranz.

Napaupo lang ako sa upuan na malapit sa silid ni Ranz.

Naramdaman ko na tumutulo na pala yung luha ko.

"K-kisha?" napatingin naman ako sa tumawag sa akin.

Hindi ko naman ito maaninag kung sino. Dahil puno na ng luha yung mata ko.

Naramdaman ko naman na tumabi ito sa akin.

"Oh. Pamunas." sabi niya na may inabot na panyo.

Kinuha ko naman ito at pinunasan yung luha ko. Pagtingin ko kung sino yung nagbigay ng panyo si Marc pala.

"S-salamat Marc." sabi ko at nararamdaman ko pa din yung luha na tumutulo mula sa mata ko.

"Ano ba nangyare?" tanong niya. Hindi ko na nagawa pang magsalita at tinuro ko na lang yung silid ni Ranz.

Nakita ko naman na napatango siya. "Hayaan mo. Alam kong hindi siya basta-basta bumibitaw." sabi niya.

Mas lalo kong sisihin yung sarili ko kapag na wala siya. Hindi kakayanin ng konsensiya ko.

"Gusto mo kumain ka muna?" tanong niya pero umiling lang ako.

Ilang sandali lang bumukas yung pinto at lumabas naman si Dr. Claveria na naka mask pa.

Inalis naman niya yung mask niya at ngumiti. "Okay na siya Kisha. Huwag kang magalala alam kong nagmana yan sa ama niya." sabi ni Doc.

Tumayo na ako sa pagkakaupo ko at papunta na sana ako sa silid ni Ranz ng pigilan ako ni Doc. "Mas mabuting hayaan na muna natin siyang magisa lang sa kwarto niya." Napatango naman ako.

Lumabas naman na din yung nurse. "Sige Kisha alis na kami." Naglakad naman na palayo sila Doc.

Sumilip naman ako sa salamin na nasa pintuan. Nakita ko naman yung Heartbeat meter bumalik na ito sa dati. Buti naman kung ganun.

Nakahinga na din ako ng maluwag.

Pagtingin ko sa paligid wala na din si Marc. Saan naman kaya nagpunta yun.

Naisipan kong magpunta na muna sa maliit na simbahan na nasa loob ng hospital.

Pagkadating ko ng simbahan umupo naman ako sa upuan.

Lord, sana pagalingin niyo na po si Ranz. Huwag niyo sana po siyang pababayaan. Alam kong kailangan pa siya ng kapatid niya at kailangan pa namin siya.

Amen.

May narinig naman akong umiiyak. Tumingin naman ako sa paligid at nakita ko si Renz umiiyak habang nakaupo sa upuan.

Tumayo naman ako at linapitan si Renz. Napatingin naman sa akin si Renz at pinunasan niya yung luha niya. "A-ate K-kisha?"

"Oh, bakit ka naman umiiyak?" tanong ko dito at Umiyak nanaman siya ulit.

"S-si K-kuya po k-kase." Mukhang alam ko na ito ah.

"Okay naman na yung kuya mo ah." Pagpapatahan sakaniya pero umiling-iling naman siya.

"D-di pa s-siya okay!" sabi niya. Na napapahagulgol na sa iyak.

Hinayaan ko na muna si Renz na umiyak ng umiyak. Mahirap talagang makaintindi lalo na bata pa siya.






Book 1: Be Live Be Taken: We're Out NumberedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon