Chapter 13

1.9K 76 9
                                    

[Niel's POV]

Pagdating namin ni Angela sa Bus andaming tao

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagdating namin ni Angela sa Bus andaming tao. Mga nagkakagulo na sila sa loob. "Magsi-upo nga kayo!" Rinig kong sigaw ni Angela. Agad naman silang umupo.

"Niel umalis na tayo!" Bungad naman ni Johnrey.

"Hindi pa tayo pwedeng umalis wala pa sila Kisha!" Pagtutol naman ni Marc kay Johnrey. Narinig ko naman yung ibang kasama namin. Gusto na rin nilang umalis.

Kung mananatili pa kami dito baka maging zombie na rin kami.

Tahimik lang akong nagiisip. Walang alinlangan kong sinabi sakanila ang desisyon ko.

"Aalis na tayo." sabi ko at pumuwesto na sa Driver's seat.

"Anong aalis?! Hindi pwede!" sigaw naman ni Rhaniel na pilit gustong lumapit sa pwesto ko pero bigo siyang makalapit dahil hinahawakan siya ng mga kasama namin. Hindi ko na siya pinansin pa at binuhay ko na yung makina.

"Hoy Niel! Itigil mo yan!" Sigaw ni Marc. Nakita ko naman sa rear mirror na pinipigilan siyang makalapit ng mga kasama namin.

Pinaandar ko na yung bus at sinimulan ko ng baybayin yung daanan sa kagubatan.

Nabalot ng katahimikan ang loob ng bus yung iba walang pakielam sa mga nangyayare yung iba naman mga nagluluksa sa pagkawala ng mahal nila sa buhay.

Sana Ranz nasa ligtas kayong lugar ni Kisha at Tasha. Alam kong hindi mo basta basta pababayaan ang kasamahan natin.

Nang makalayo na kami sa gubat. Naisipan ko munang tumigil sa isang gasolinahan. Sinilip ko muna sa bintana para masiguro na walang zombie sa paligid.

Matapos kong makasiguradong wala ng zombie ay bumaba na ako ng bus.

Napatigil naman ako sa pagbaba ng may humawak sa balikat ko. "Pre."

Pagtingin ko kung sino si Johnrey lang pala. "Oh bakit?" Tanong ko.

"Tama lang yung ginawa mo. Kailangan nating isipin ang makakabuti para sa nakakarami hindi lang para sa iisang tao" Tumango na lang ako. Alam kong pinapagaan niya lang yung nararamdaman ko ngayon. Guilty strikes me kung alam mo lang... Hindi ko alam kung tama nga ba yung ginawa ko.

Nagpunta na muna ako sa likuran nung bus at nagsindi na lang ako ng sigarilyo. Sana bumalik na sa dati ang lahat.

Napatigil naman ako sa pagihip ko ng sigarilyo ng maramdaman ko na may nakatutok na baril sa likuran ko. "Taas kamay! Wag kang gagalaw." Tinapon ko yung sigarilyo ko. Pinakiramdaman ko muna kung saan banda yung baril ng maramdaman ko na kung nasaan. Kukunin ko na sana yung pagkakataon para humarap at kunin yung baril sa kamay nung tumutok sakin ng makita kong marami rin pala ang nakatutok na baril sa akin.
"Taas kamay!" sigaw sa akin ng sundalo na tumutok sakin ng baril. Hindi na ako pumalag pa at sinunod na lang.

Nakita ko na pinapababa nila yung mga kasama ko sa Bus. "Boss wala ng tao sa loob." sabi nung sundalo doon sa isang lalaki na nakasuot na lab gown. Parang nakita ko na siya dati pa. Hindi ko lang matandaan kung saan at kailan.

"Where is Ranz!?" Sigaw nung nakasuot ng lab gown. Bakit naman niya kilala at hinahanap si Ranz? Hindi kaya isa rin si Ranz sa may kana nitong lahat?

Pagtingin ko kila Rhaniel. Kita ko sa mga mukha nila na naguguluhan din sila.

"Is there anybody here is Ranz!?" sigaw nung nakalab gown.

"Boss eto na yung notebook na hinahanap natin." Napatingin naman ako sa nagsalita. Hawak-hawak niya yung note book ng Project Zombierus. Yung notebook na pinakita sa amin ni Ranz.

"Good job!.. Now bring them all in the Truck." sabi nung nakalab gown. Matapos niya makuha yung notebook at umalis na.

Naramdaman ko naman yung pagtatali ng kamay ko sa likuran ko. "Lakad!" sigaw sakin nung nagtali sa kamay ko habang tinutulak ako para maglakad.

"Saan niyo ba kami dadalhin!?" Inis kong tanong.

Bigla naman siya tumawa. "Sa impyerno!" sabi niya at tumawa ng malakas. Wow! Baka kayo pa dalhin ko dun eh.

Nakarinig naman ako ng putok ng isang baril "Hoy bumalik kayo dito!" Pagtingin ko si Rhaniel at Marc tumakas. Pinagbabaril sila nung mga sundalo. Mga duling pala ito eh! Hindi asintado tumira!

Hindi ko na natanaw pa sila Rhaniel at Marc at yung ilan na sundalo na humabol sa kanila.

"Subukan niyo lang gawin yung ginawa nila at sisiguraduhin kong hindi na kayo mabubuhay pa!" sabi nung nakasuot na pansundalo habang ginagamit niyang panturo sa amin yung hawak niyang baril.

Pagkasakay namin sa Truck. Agad kong nilapitan si Angela. "Okay ka lang?" tanong ko. Tumango lang siya.

Naramdaman ko naman yung pagandar nung truck kaya naman umayos na ako ng upo.

Sana walang masamang mangyari sa amin. Sana...

Book 1: Be Live Be Taken: We're Out NumberedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon