[Marc's POV]
"Marc!!!"
"Marc!!!"
Nagising naman ako, dahil sa tumatawag sa akin mula sa pinto.
"Marc!!!"
"Oo nandiyan na!" sigaw ko at tumayo na sa pagkakahiga sa kama ko.
Pagkabukas ko ng pinto nakita ko si Johnrey. "Oh bakit?" sabi ko habang kinukusot pa yung mata ko.
"May meeting daw tayo mamaya." sabi niya.
"Anong meeting naman iyan?" imbis na natutulog lang ako ngayon. Naistorbo pa yung tulog ko.
"Ewan ko din eh. Basta pinapatawag tayong lahat ni James." tumango na lang ako.
Sasarado ko na dapat yung pinto ng pigilan niya ako. "Wait. Ikaw na din pala magsabi kay Kisha na may meeting tayo." nagulat naman ako pero hindi ko sakaniya pinahalata.
"I-ikaw na. May gagawin pa ako." pagdadahilan ko.
"Dali na pre. Inutusan pa kase ako ni Dr. Claveria na dalhin itong mga papeles dun sa mga sundalo eh." Ano pa ba magagawa ko. Kahit anong iwas ang gawin ko. Wala lalapit pa din pala ako doon.
"Haiysst.. Oo na ako na magsasabi doon. Maliligo lang ako." sabi ko at tuluyan ng sinarado yung pinto.
Bahala na talaga. Haiysst...
Nagtungo naman na ako sa banyo para makaligo.
Matapos ko maligo. Nagtapis na lang ako ng tuwalya at nagtungo sa cabinet ko. Matapos ko maisuot yung damit na kinuha ko.
Lumabas na ako ng silid ko at nagtungo sa kwarto ni Ranz, dahil panigurado nandoon si Kisha.
Huminto na ako sa tapat ng pintuan ng kwarto ni Ranz. Nakita ko naman sa salamin ng pintuan na nakayakap si Kisha kay Ranz. May naramdaman naman ako bigla. Hindi ko naman masabi kung ano yun.
Para bang may pumipigil sa akin para huminga. Umalis na lang ako at nagtungo na muna ng roof top para magpahangin.
Bakit ganun? Bakit naman ako nakakaramdam ng ganito. Eto ba yung sinasabi nilang selos? O sadyang may sakit na ako sa puso ko?
Hindi ko na rin maintindihan sarili ko. Mukhang nababaliw na ako... Marc ikaw ba talaga yan? Bakit ba kase ako nagkakaganito.
Napasabunot na lang ako sa sarili ko.
"Aghhh!!!" Sigaw ko mula sa kawalan.Bakit... Bakit nga ba?
"Nababaliw ka na ba?" napatingin naman ako sa nagsalita. Hindi ko siya kilala pero alam ko isa siya sa mga babaeng sundalo dito.
"Bakit ka pa nandito diba magsisimula na yung meeting?" tanong niya.
"Paki mo ba?" tanong ko dito pabalik.
"Sungit naman neto." sabi niya at umalis na.
Napatingin lang ako sakaniya habang siya ay naglalakad na papalayo.
Masyado yata akong nagharsh doon sa babaeng sundalo. Ano ba naman kase pumasok sa isip mo Marc. Pati ba naman yung mga taong walang kaalam-alam dinadamay mo. Haiysst...
Makapunta na nga ako sa meeting. Naglakad na ako papunta sa meeting room at pagpasok ko saktong maraming tao na rin pala dito.
Nakakita naman ako ng malapit na bakanteng upuan kaya doon na lang ako umupo.
"Papasok din pala andae pang-arte." rinig kong sabi ng katabi ko. Pagtingin ko kung sino. Yung babaeng sundalo lang pala.
BINABASA MO ANG
Book 1: Be Live Be Taken: We're Out Numbered
Science FictionWill you choose to LIVE and Fight or Will you be TAKEN and Die... You have two choices to make... But what will you choose? To Be Live or To Be Taken? You need to choose wisely, because we survivors are just Outnumbered... Highest Rank in Thriller:...