[Angela's POV]
Naalimpungatan naman ako. Uhm.. Anong oras na ba? Pagtingin ko sa orasan mag 8 na pala ng gabi.
Napaupo ako sa gilid ng kama. Nasaan na kaya si Niel? Hindi man lang ako ginising nun.
May napansin naman akong papel sa maliit na table sa tabi ng kama namin. Ano to?
Kinuha ko naman at binuklat.
Angela,
Hindi na ako nakapagpaalam pa sayo, dahil tulog ka pa. Ayoko naman guluhin ang tulog mo. Sarap ng tulog mo eh hehehe. Inutusan kami nila Rhaniel na kunin yung isang bagay. Siguro hanggang dalawang araw kami doon. Huwag kang magalala ligtas kaming babalik. See you soon ^_^
~Niel
Nagimbal naman ako ng marinig kong may kumakatok.
Tumayo naman ako sa kama at tinungo ang pinto. "Nakita mo ba si Kisha?" Bungad sakin ni Ranz. Umiling naman ako.
Nakita ko naman sa mata niya na tila nagaalala. "Si Niel nandiyan?" Umiling din ako. Kinuha ko naman yung sulat ni Niel at binigay kay Ranz.
Binasa naman ni Ranz ang sulat umiling-iling ito. "May hindi akong magandang pakiramdam dito." Naguluhan naman ako sakaniya.
Binalik naman niya sa akin yung sulat at naglakad pa alis. "Wait!" Napatigil naman siya sa paglalakad.
"Bakit?" tanong niya.
"Sama ako." sabi ko at tumango naman siya. Lumabas na ako ng kwarto at sinarado.
Nagtungo kami sa opisina ni Doc nagdirediretsong pasok naman si Ranz kaya pumasok na din ako.
Nagpunta sa harapan ng desk si Ranz kung saan nakaupo si Doc. "Bakit ka nandito Ranz?" gulat na gulat si Doc ng biglang magbalibag si Ranz sa harap ng desk ni Doc. Kahit ako nagulat din.
"Nasaan si Kisha!?" sigaw nito.
"Huminahon ka nga Ranz." sabi ni Doc.
Lumapit naman ako kay Ranz at hinawakan ito sa braso. Ramdam ko ang panginginig nito.
"Ranz, kalma." mahinang sabi ko sakaniya.
Tumayo naman si Doc at naglakad papunta sa salamin. "Ranz, hindi ko alam kung nasaan si Kisha. Dalawa lang ang alam kong lumabas at hindi kasama dun si Kisha."
"H-hindi ako naniniwala!" sigaw ni Ranz.
Humarap naman sa amin si Doc. "Ranz, kailan ako nagsinungaling sayo?" Umiling-iling naman si Ranz.
Hinila naman ako ni Ranz palabas ng opisina. "W-wait lang Ranz." sabi ko sakaniya na muntikan na ako matisod.
Mukhang napansin naman ni Ranz kaya binitawan niya na yung braso ko at nagpatuloy-tuloy na ito naglakad. Kaya naman sinundan ko na lang siya. "Saan tayo pupunta?" tanong ko dito pero hindi naman ito sumagot.
Oo Angela may kausap ka no. Tumigil naman si Ranz sa isang pinto at nakita ko sa itaas ng pinto ang Closed-Circuit Television.
Pinihit naman ni Ranz yung door knob pero hindi ito nabuksan. "Shit!" rinig kong sambit niya.
Nagulat naman ako ng biglang sinipa ni Ranz yung pinto at laking gulat ko ng biglang bumukas ito.
Dirediretsong pumasok si Ranz at nagtungo sa mga TV screen.
Tinignan ko naman yung door knob halos matanggal na ito sa pagkakakabit nito sa pinto. Napailing na lang ako. Grabe naman ito magalit.
Pumasok na din ako sa loob nakita ko naman yung napakaraming TV screen.
May kung ano naman pinindot si Ranz sa key board.
Napansin ko naman na parang nagrereverse yung nasa TV screen.
Inistop naman si Ranz sa roof top. Nakita ko si Niel naninigarilyo at si Ranz dumating tapos ilang sandali lang umalis na si Ranz.
Hindi namin marinig yung paguusap dahil na rin sa mahina. Dumating naman si Rhaniel at kinausap si Niel. Nagulat ako ng biglang lumuhod si Rhaniel sa harap ni Niel. Parang nagmamakaawa.
Bigla naman sila napatigil at tumingin sila pareho sa may hagdan. Doon na namin nakita si Kisha.
Parang tutol sila Niel at Rhaniel dahil na rin sa kung paano nila sinasalita yung sinasabi nila.
Napansin ko naman na umiling si Ranz at linipat naman ni Ranz ang TV screen sa CCTV sa entrance.
Nakita kong lumabas sila Rhaniel, Niel at pati si Kisha.
Tumayo na si Ranz at akmang aalis na ng tanungin ko siya. "Saan ka pupunta?"
Tinignan naman niya ako. "Hahanapin ko sila." Nanlaki naman yung mata ko.
"Teka teka sino kasama mo?" Napaisip naman bigla si Ranz. Nagkibit-balikat lang siya.
"Ako. Sasama ako." Napatingin namab kami pareho ni Ranz sa may pinto kung nasaan si Marc.
"Isipin mo na lang na sumama ako dahil sa kaibigan ko." sabi ni Marc kay Ranz. Tumanggo lang si Ranz at naglakad na palabas.Sumunod naman sakaniya si Marc.
Paglabas ko nakita ko si James naglakad papunta dito. Tinignan naman ako ni James na tila nagtataka kung bakit ako lumabas sa CCTV room.
Naglakad na ako paalis at hindi ko na hinintay pa sasabihin niya. Nagtungo na muna ako sa kwarto ko.
Sana ayos lang sila. Ligtas sana silang makabalik dito.
BINABASA MO ANG
Book 1: Be Live Be Taken: We're Out Numbered
Science FictionWill you choose to LIVE and Fight or Will you be TAKEN and Die... You have two choices to make... But what will you choose? To Be Live or To Be Taken? You need to choose wisely, because we survivors are just Outnumbered... Highest Rank in Thriller:...