[Rhaniel's POV]
"Aghhh!!!" nagulat naman ako ng biglang sumigaw si Tasha at agad nawalan ng malay.
"Tasha!!?" sigaw ko habang tinatapik yung pisngi niya pero ayaw niya pa din magising.
Binuhat ko siya palabas ng Inner garden. Napalingon naman ako sa kaliwa't kanan ko. Nahagip ng mata ko sila Johnrey at Shiela na tumatakbo papunta sa direksiyon namin.
"Anong nangyare pre?" Tanong ni Johnrey ng makalapit sila sa amin
"Anong nangyare kay Tasha?" Nanlaki naman mata ni Shiela ng makita niyang walang malay si Tasha.
"Tulungan niyo ko. Nawalan na lang siya bigla ng malay." sabi ko habang nararamdaman ko na yung nangingilid na luha sa mata ko.
"Hingi tayo ng tulong kay Yna. Baka may alam siyang doctor na kasama natin." suggestion ni Shiela. Tumango naman kaming dalawa ni Johnrey sa gusto niya.
Naglakad na kami patungo sa kwarto ni Yna.
Kumatok na kami ng ilang beses sa pinto ni Yna pero wala pa rin nagbubukas nito.
"Hoy kayo! Ano ginagawa niyo diyan?" Pagtingin namin sino nagsalita si Clars lang pala.
"Clars nasaan si Yna?" tanong ni Johnrey.
"Ba't ko naman sasabihin sainyo aber!?" mataray na tanong nito.
"Kapag di ako nakapagtimpi baka sabunutan ko yan." rinig kong bulong ni Shiela.
"May sinasabi ka!?" tanong ni Clars kay Shiela.
"Ano naman kung may sina---"
"Guys tulungan niyo na ako please lang!" pinutol ko na ang sasabihin pa ni Shiela.
Bumukas naman bigla yung pinto ng kwarto ni Yna. "Oh bakit ka--- Anong nangyare kay Tasha!?" gulat na tanong ni Yna ng makita niya ang buhat buhat ko na si Tasha.
"Na---" pinutol ko na ang sasabihin pa ni Shiela.
"Pakitulungan niyo nalang muna ako at mamaya na yang mga tanong niyo" pagmamadali kong sabi sa kaniya.
"Ihiga mo na muna siya diyan sa kama ko" utos naman ni Yna sakin
Agad ko naman inihiga si Tasha sa kama ni Yna
"May kakilala ka bang doctor na pwedeng tumulong?" Pagtatanong ni Sheila kay Yna
"Ano ba talagang nangyari sa kaniya?" Pagtatanog naman ni Yna.
"Magkasama kasi kami sa garden tapos bigla nalang siyang sumigaw at nawalan ng malay" Pagmamadali kong sagot sa kaniya.
"Sige magtatanong ako sa mga survivors kung merong doctor tayong kasama." sabi ni Yna at lumabas na ng silid.
"Sana naman maging okay na siya" sabi ni Johnrey habang nakaupo sa sofa
"Oo nga" habang sumandal naman si Sheila sa balikat ni Johnrey
Nakaupo lang ako ngayon sa tabi ng kama ni Yna kung saan nakahiga si Tasha. Pinagmamasdan ko lang siya at nangangarap na sana hindi nalang ito nangyayari sa kaniya.
Ang tagal na ni Yna. Sobrang kinakabahan na ko para kay Tasha.
Maya maya....
"Guys!" Napatingin naman kaming lahat sa pinto at nakita namin si Yna makungkot ang mukha.
"Ano yun?" tanong ni Johnrey.
"Bakit? Anong nangyare?" tanong ni Shiela.
BINABASA MO ANG
Book 1: Be Live Be Taken: We're Out Numbered
Science FictionWill you choose to LIVE and Fight or Will you be TAKEN and Die... You have two choices to make... But what will you choose? To Be Live or To Be Taken? You need to choose wisely, because we survivors are just Outnumbered... Highest Rank in Thriller:...