Chapter 48

914 33 0
                                    

[Niel's POV]

Papunta ako ngayon sa room ni Yna para dalawin si Tasha at mukhang dun din nagpunta si Babe.

Habang naglalakad ako nakita ko si Rhaniel. Aba nakarating na pala sila pero nagtaka naman ako sa buhat-buhat niya. Teka! Si Tasha ba yung buhat-buhat niya? Lumapit naman ako.

"Pre, anong nangyare kay Tasha?" tanong ko dito habang sumasabay sa paglakad niya ng mabilis.

"Hindi ko din alam bigla na lang siya nagcollapse." sabi niya.

Tumigil naman kami sa tapat ng silid namin. Pinagbuksan ko sila ng pinto at may nakita akong isang doctor sino naman to?

"Oh, Rhaniel ano nangyare diyan?" tanong nung doctor kay Rhaniel.

Inihiga muna ni Rhaniel si Tasha sa kama.

"Kanina naglalakad siya papunta sa terrace at mabuti na lang nakita ko siya bago pa man siya mawalan ulit ng malay." pagpaliwanag ni Rhaniel.

"Teka! Ibig ba sabihin gising na si Tasha?" tanong ni Johnrey. Tumango lang si Rhaniel.

"Oo, kanina." rinig kong sagot ni Rhaniel.

Tumayo naman yung doctor at chineck si Tasha gamit yung stethoscope na nasa leeg niya.

"Okay naman ang heart beat niya." sunod naman na tinignan nung doctor yung balat niya.

"Hindi maganda ang balat niya, dahil maputla ito." Napansin ko nga yung balat ni Tasha namumutla nga.

"Pagkagising na pagkagising niya yung gamot na kinuha niyo ipainom mo agad sakaniya iyon Rhaniel." Napatango na lang si Rhaniel sa utos nung Doctor.

"Insan?" napatingin naman kami sa nagsalita.

"Valerie? Ikaw ba yan?" Nagulat naman kami sa mga narinig namin. Magkakilala silang dalawa? Ano daw? Pinsan ni Valerie yung Doctor na kasama nila Rhaniel.

"Oo ako nga Jayr, akala ko wala na akong makikitang kamag-anak ko." masayang sambit ni Valerie.

"Masaya akong makita ka insan." sabi naman nung Doctor na ang pangalan ay Jayr. ba yun?

"Paano ka pala napadpad dito?" tanong ni Valerie.

"Dahil dito sa mga to." sabi nung doctor at tinuro sila Ranz, Johnrey at Rhaniel.

"Uhm ganun ba. Mabuti naman." sabi ni Valerie.

"Uhm Ranz, Johnrey, Rhaniel and???" tanong ni Jayr sakin.

"Niel." sagot ko naman.

"Ah okay Niel. Sige mauna na muna kami at mukhang may katulong na ako sa paggawa ng experiment." pagpaalam ni Jayr at lumabas na sila ni Valerie ng silid.

Napatingin naman ako kay Tasha. Umupo naman sa tabing kama ni Tasha si Rhaniel.

"Kuya Niel, ano pong nangyare kay ate Tasha." Napatingin naman ako kay Andrei.

Book 1: Be Live Be Taken: We're Out NumberedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon