[Ranz's POV]
Ang dilim nasaan ba ako? Teka! May liwanag akong nakikita.
Agad naman akong naglakad papunta roon.
"Dahil sayo nasira ang plano ko!"
"Ganyan ka na ba kasakim? Lahat na lang gusto mo na kunin!"
"Oo! Sakim na kung sakim. Kinukuha ko lang kung ano dapat ang akin!"
Napatulala na lang ako sa nakikita ko si Tito at Jinghin magkausap.
"Bakit ba hindi mo tanggapin yang pagkatalo mo?!"
"Bakit sa tingin mo ba kapag nasa pwesto kita matatangap mo?? Hindi Clav! Hindi!!" Nakita ko naman kung paano pinagbabasag ni Jinghin lahat ng natapos ni tito na experiment.
"Ano tapos ka na!?" galit na galit na tanong ni tito.
"Hindi pa!" Tinutok naman ni Jinghin yung baril niya kay tito.
Napatakbo naman ako sa pagitan nila at hinarang ko ang sarili ko sa baril kaso tila ba isa akong multo hindi ko man lang mahawakan yung baril.
"Tito!!" rinig kong sigaw mula sa malayo kasabay naman nito ang tatlong ulit ng putok ng baril kay tito.
Bigla naman tumakbo paalis si Jinghin. Nakikita ko ng lumalabo ang paligid dahil sa apoy na patuloy na kumakalat.
Lumapit naman ang reflection ko kay tito. "Tito okay lang po ba kayo?" gusto kong isipin na ang tanga ko bakit yun ang tinanong ko ng oras na iyon.
"R-ranz, eto n-nalang natitirang g-gamot." sabi ni tito sa reflection ko kasabay nito ang inabot niyang injection at papel.
"Iyan a-ng sangkap sa p-paggawa ng g-gamot." Nakikita ko sa kinakatayuan ko ngayon kung paano at gaano nahirapan si tito ng mga oras na iyon.
"Bakit niyo po binibigay sa akin ito tito? Lalabas tayong dalawa ng hospital na ito." sabi ng replection ko at pilit na tinatayo si tito.
"H-hindi na R-anz hayaan mo na ako d-dito. Habulin m-mo si J-jinghin at pa-patayin mo. H-hanggat may oras ka p-a. Dali na----" bigla naman huminga ng malalim si tito at kasabay nito ang pagbagsak ng katawan niya sa sahig.
BINABASA MO ANG
Book 1: Be Live Be Taken: We're Out Numbered
Science FictionWill you choose to LIVE and Fight or Will you be TAKEN and Die... You have two choices to make... But what will you choose? To Be Live or To Be Taken? You need to choose wisely, because we survivors are just Outnumbered... Highest Rank in Thriller:...