Chapter 6

3.4K 124 19
                                    

[Rhaniel's POV]

Ilang minuto na din kaming naglalakad, pero mukhang malayo nga talaga yung Gas Station na sinasabi nila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ilang minuto na din kaming naglalakad, pero mukhang malayo nga talaga yung Gas Station na sinasabi nila. Salamat na lang at wala kaming nakakasalubong na Zombie sa daan.

"Humanap kaya muna tayo ng masasakyan, mukhang mahihirapan tayo kung maglalakad lang." sabi ni Johnrey. Sumang-ayon kami at nagsimula nang maghanap muna ng masasakyan.

"Dito oh!" sigaw ni Kisha, dahilan kaya nakuha niya ang pansin naming lahat.

Paglapit namin, bumungad sa amin yung tatlong motorsiklo. Mukhang iniwan na lang ito dito, dahil naka-susi pa rin yung susi nito.

Hindi na kami nagsayang ng oras at  kinuha yung mga motorsiklo na aming nakita.

Sumakay na ako sa isang motor ganun din ginawa nila Shiela at Johnrey.

"Ranz, iangkas mo na si Kisha." sabi ko habang may nakakalokong ngiti sa labi ko.

Napatingin si Ranz sa akin at kay Kisha. "Ikaw na pre, lilikod ako para mabantayan yung likuran niyo baka  may biglang zombie na sumugod. " nawala din agad yung ngiti ko sa labi ng sabihin niya iyon. Edi wag! Siya na nga tinutulungan eh ayaw niya pa.

"Ayaw pa kasing dumamoves." bulong ko.

"May sinasabi ka?" nagulat ako ng marinig kong magsalita si Kisha. Angkas ko nga pala siya, nakalimutan ko.

"Wala." sabi ko, natinuon yung pansin sa daan.

Kaya ito kami ngayon, binabaybay yung kahabaan ng kalsada. Nasa unahan namin si Johnrey, dahil kabisado niya yung daan habang angkas niya si Sheila. Ako yung nasa gitna habang angkas ko si Kisha at nasa likod naman namin si Ranz na nakasunod lang sa amin.

Habang binabaybay namin yung kalsada biglang may zombie na lumabas sa gubat kaya naman iniwasan namin ito, kaso bigla itong nakakapit sa braso ni Kisha.

"Rhaniel!" rinig kong sigaw ni Kisha.

Shit! Binilisan ko lalo yung takbo ng motorsiklo ko, kaso wala pa din nakahawak pa din yung Zombie.

Napatingin naman ako sa side mirror ko.

Nagulat ako nang biglang binato ni Ranz yung balisong niya.

Pagkakita ko sa Zombie nakabitaw na at head shot pa!

Napailing na lang ako sa ginawa ni Ranz. Delikado yun mamaya iba tamaan niya.

Book 1: Be Live Be Taken: We're Out NumberedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon