Chapter 22

1.4K 52 8
                                    

[Rhaniel's POV]

Napamulat naman ako ng mata ko ng makarinig ako ng ilang sunod-sunod na katok mula sa pinto.

Pagbukas ko ng pinto nakita ko si Asha. "Mabuti naman at gising ka na! Alam mo bang kanina pa ako dito sa labas? Dali mag-ayos ka na! para naman maipakilala na kita sa mga kasama ko." sabi nito na nakapamewang pa.

"Anong oras na ba?" tanong ko habang nagkukusot pa ng mata ko.

"Tinanghali ka na ng gising. Kaya kilos na! Ayaw pa naman ni boss na pinaghihintay siya." sabi naman niya.

Ayoko pang bumangon eh... Haiysst... Gusto ko pa matulog no....

"Oh. Pamalit mo at yung banyo katabi lang ng silid mo kaya kilos na!" Malaauthority niyang sabi.

Kinuha ko naman yung damit na inabot niya at pumunta na ng banyo.

Paglabas ko ng banyo nakita ko naman na nakasandal lang siya sa may pader. Mukhang inip na inip na siya ah..

"Tara na?" tanong ko dito.

"Halos isang oras ka ng nasa banyo.. Ano ba pinaggagawa mo doon sa loob?" Napakamot na lang ako sa ulo ko. Grabe pala itong mainip.

Nakasunod lang ako sa likuran niya. Anlayo na ng nilalakad namin. May mga pinto naman kami pinapasok pero puro daanan pa din pagpasok namin sa pinto. Hindi kaya maligaw ako dito, kapag ako lang magisa?

Huminto naman siya sa paglalakad kaya naman pati ako ay napahinto na din. Tinignan naman niya ako mula ulo hanggang paa. "Dito na tayo. So umayos ka." Napalunok naman ako ng laway ko.

Binuksan naman niya yung pinto at pumasok na kami. Nakita ko naman na marami pala sila. May mga kaniya-kaniya naman silang pinagkakaabalahan. Napatigil naman sila sa ginagawa nila ng mapansin nila kami.

"Oh! Nandito na pala yung bago nating kasama." Sabi nung lumapit sa amin na parang kasing edad ko lang din. Nginitian ko lang sila.

"Rhyan nga pala." Pagpapakilala niya habang nakalahad yung kamay niya.

"Rhaniel." sabi ko naman at tinanggap ko yung kamay niya.

"Dagdag palamunin nanaman!" rinig kong sabi nung isang lalaking mukhang kasing edad ko lang din. Tumayo naman ito at lumabas ng silid.

Gusto ko sana siyang sapakin. Pero ayoko naman gumawa ng gulo lalo na at bago lang ako dito.

"Pagpasensiyahan mo na si Jian. Mainitin lang talaga ulo nun." Jian pala ang pangalan niya ah.

Pinakilala naman ako ni Rhyan sa iba naming kasama.

"Eto naman si Assej. Isa yan sa mga magaling namin kasamahan. Magingat ka diyan baka gamitan ka ng katana niyan." Pagpapakilala naman ni Rhyan kay Assej mukhang mabait naman ito.

(A/N: Assej pronounced as A-sege)

Pinakilala niya pa ako sa ibang kasama nila. Ang sabi niya lahat sila ay galing sa isang school. Bali lahat sila ay magkakaklase. Parang kami lang kaso kami nagkahiwa-hiwalay.

Nakita ko naman si Asha gilid na nakatingin lang sa akin. Halata sa mukha niya na nagpipigil siya ng tawa. Nilapitan ko naman siya. "Ikaw, letche kang babae ka akala ko pa naman napakaformal dito yun pala hindi. Alam mo bang kanina pa ako kinakabahan dahil sa sinabi mong ayaw ng boss niyo na pinaghihintay siya." Hindi naman na siya nakapagpigil pa ng tawa. Sige tawanan mo lang ako...

"Huwag ka sakin magalit. Dahil napagutusan lang din ako." sabi niya na tinaas pa ang dalawang kamay niya.

Napailing na lang ako. Siraulo talagang babaeng to! Ibang-iba siya sa k-kambal n-niya. Naalala ko nanaman si Tasha. Haiysst...

"Guys, mamaya may meeting tayo at walang mawawala. Kasama ka dun Rhaniel." sabi naman ni Rhyan at lumabas na. Lumabas naman na din yung mga kasama namin.

"Tara sumama ka sakin." sabi naman ni Asha. Napatango na lang ako. Tutal wala naman akong maisip na gagawin.

Talaga namang maliligaw nga ako dito, dahil sa sobrang dami ng pintong pinasok namin.

Pumasok ulit kami sa pinto akala ko daanan ulit makikita ko pero pagpasok namin isa itong training room. Ang lawak naman dito.

"Ano ba ginagamit mo?" tanong ni Asha na nasa tapat ng mga iba't ibang uri ng baril at kutsilyo.

Lumapit naman ako sakaniya. Napili kong gamitin ay isang uri ng Rifles.

Pumuwesto naman na ako sa target area. Medyo malayo ang target na kailangan kong tirahin. Matapos ko tirahin yung target.

Kinuha naman ni Asha yung cardboard. "Not bad." sabi niya habang nakatingin sa cardboard.

Nagtry na rin ako ng iba't ibang uri ng baril.









Book 1: Be Live Be Taken: We're Out NumberedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon