Chapter 41

980 39 0
                                    

[Kisha's POV]

Nandito kami sa loob ng kwarto namin. Naiisipan namin na kwentuhan si Tasha. Halos ako ang kwento ng kwento tungkol sakaniya dahil na rin sa ako ang Best friend niya.

Nakapaikot kaming lahat ngayon kay Tasha.

Si Shiela ang unang nagkwento. Sumunod naman si Angela.

"Alam mo ba nung unang pasok mo pa lang sa classroom akala ko masungit ka. Pero simula ng magkaroon ng lintek na zombie na mga iyan. Doon ko nalaman na mapalakaibigan ka pala. Hindi ka naman pala masungit katulad ng inaakala ko." sabi ni Angela.

Si Tasha ay patuloy lang sa pakikinig. Habang ako nakatingin lang kay Tasha, bakit naman kasi kailangan pang mangyare yun sakaniya. Ang pinagtataka ko lang bakit mawawala ang alaala niya kung gayo--

"Kisha!"

"Ahhh!" Nagulat naman ako ng marinig ko ang pangalan ko.

"Ikaw na magkukwento." sabi naman ni Shiela. Ako na pala halatang inaantay ni Tasha ang sasabihin ko dahil na rin sa akin nakatuon lang ang mata niya.

Napalunok naman ako ng laway ko bago magsalita. "Simula bata pa lang magkaibigan na tayo kaya nga best friend kita eh. Naalala ko pa nun puro tayo kalokohan. Nagnakaw pa tayo ng Meiji Chocolate sa grocery ni Tito Eric. Tapos nun akala natin papaluin tayo pero pinagsabihan niya lang tayo na huwag na ulit yun gagawin. " napapansin ko naman yung luha kong pumapatak na. Pinunasan ko naman ito.

"Tapos yung first crush mo na si Rhaniel na kahit hanggang ngayon alam kong crush mo pa din siya. Minsan nga hahampasin mo pa ako kapag nakikita mo siya. Iniisip ko na lang minsan na bagong takas ka sa mental dahil sa sobrang kabaliwan mo sakaniya." Nagsisiunahan ng tumulo ang luha ko. Napansin ko naman yung tissue na inabot ni Shiela kaya naman tinanggap ko ito.

"Salamat."

"Si Rhaniel ba yung kasama natin? Yung lalaking katabi ko sa sasakyan?" tanong ni Tasha. Tumango naman kaming lahat.

Tinuloy ko na ang pagkukwento ko. "Tapos tuwing exam? Partners in crime pa tayo. Lagi tayong parehas ng sagot sa exam at kung minsan may magpaparaya pa sa atin na mamaliin ang isang sagot para lang hindi tayo mapaghinalaan na nagkopya---"

"Aray!!" napatigil naman ako sa pagsalita ng biglang umaray si Tasha.

Napatayo naman ako papalapit sakaniya. "Tasha, anong nangyayare?" tanong ko.

"Okay ka lang??" tanong ko ulit. Tumango naman siya.

"Oh tubig." abot naman ni Angela at kinuha naman ito ni Tasha.

"Salamat. Siguro magpapahinga na lang muna ako." sabi niya at tumayo na. Nagtungo na siya sa kama niya at nahiga.

Alam kong babalik pa yung alaala mo Tasha.

Naisipan na rin naming matulog.

"Goodnight guys!" paalam ni Shiela.

"Goodnight." paalam ni Angela.

"Goodnight din." paalam ko at pinikit na ang mga mata ko.

"Goodnight." rinig kong paalam ni Tasha.

Pero ilang oras na ang nakakalipas hindi pa rin ako dalawin ng tulog. Napadilat naman ako ng mata ko at tumayo ako mula sa pagkakahiga ko. Nakita ko naman na mahimbing nang natutulog ang mga kasamahan ko.

Makapunta nga muna sa Terrace para magpahangin baka sakaling dalawin ako ng antok doon.

Habang naglalakad ako patungong terrance may napansin akong taong nakaupo sa bench sino naman yun.

Habang papalapit ako ng papalapit naaaninag ko na kung sino ang taong nakaupo sa bench.

Lumingon naman ito sa kinaroroonan ko. "K-kisha?" Gulat na tanong ni Ranz. Nginitian ko lang ito at lumapit ako sa Terrace. Nilibot ng mata ko ang paligid. Wow! Ang ganda pala talaga dito.

"Maganda?" rinig kong tanong ni Ranz ng tumabi sa akin. Tumango naman ako habang nakatingin pa rin sa mga street lights. Kahit pa marami kang makikitang sirang kotse sa paligid parang wala lang ito. Tila ba ito yung napapanood ko sa mga movie na may mga sumasabog na kotse at gulo gulo ang paligid.

"Tama maganda nga." napatingin naman ako kay Ranz. Nakatingin naman ito sa akin. Ewan ko ba parang may naramdaman akong gumugulo sa sistema ko. Gutom lang kaya to?

Umalis naman siya sa tabi ko at umupo sa bench. Tinitignan niya lang ang hawak-hawak niyang baril. Tila ang lalim ng iniisip niya ngayon ah.

Naglakad naman ako papunta sa bench at umupo sa tabi ni Ranz.

"Bakit?" tanong ko dito. Tumingin naman siya sa akin na tila nagtatanong kung ano ibig kong sabihin.

"Ang sabi ko bakit mo tinitignan yang baril mo?" paglinaw ko ng tanong ko.

"Iniisip ko lang kung hanggang kailan pa tatagal sa akin ang baril na ito." Napakunot naman ang noo ko.

"Bakit naman yun ang iniisip mo?" tanong ko dito.

"Eh kasi." Sabay alis niya ng bala ng baril niya. "Tatlong piraso na lang ito at panigurado kakailanganin ko ng mas marami pang bala para lang makasurvive." Napatango-tango naman ako.

"Dahil ngayon? Ang kalaban natin ay ang sarili natin. Hindi ang mga zombie na nakapaligid sa atin." Napaisip naman ako sa sinabi niya.

"Huwag mo na isipin sinabi ko. Alam kong mahihirapan kang intindihin yun. Nga pala ba't ka pa gising?" sabi nito.

"Hindi kasi ako dalawin ng antok." sabi ko naman.

Napahikab naman ako. "Oh. Inaantok ka na." sabi niya. Pero hindi ko na lang siya pinansin at pinikit ko na lang ang mga mata ko.

"Goodnight." rinig kong bulong niya. Nagpadala na ako sa antok ko.

Book 1: Be Live Be Taken: We're Out NumberedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon