Chapter 47

914 40 0
                                    

[Tasha's POV]

Napamulat ako ng mata ko. Teka! Kaninong kwarto to? Ba't ako nandito?

Napatayo naman ako kaagad sa kama ko. Wala akong nakitang tao sa paligid maliban sa akin.

Narinig ko naman na nagbukas yung pinto. Paglingon ko kung sino.

"Tasha!!" sigaw ni Kisha kasama sila Angela at Shiela na gulat na gulat.

Agad naman silang lumapit sa akin at naramdaman ko na lang na nakayakap silang lahat sa akin.

"Teka! Hinay hinay lang baka di ako makahinga." Naramdaman ko naman na lumuwag na ang paligid ko.

Nginitian ko naman silang lahat. "Mabuti gising ka na." masayang sambit ni Shiela.

"Oonga akala namin aabutin ka pa ng dalawang araw na tulog eh." sabi naman ni Angela.

"Teka ano ba talaga nangyare?" tanong ko sakanila. Agad naman silang nagkatinginang tatlo.

Naisip naman ako at inaalala ang mga nangyare. Ang naalala ko lang yung pagsigaw ko tapos nun nagblackout na paningin ko.

"Hinimatay ka kasi bigla matapos mo sumigaw." sagot naman ni Kisha.

Nakarinig naman kami ng katok mula sa pinto pagtingin namin kung sino.

"Hello. Mabuti naman gising ka na Tasha." nagulat naman ako ng bigla niya akong batiin. Sino naman kaya ito?

"Nga pala Tasha siya si Valerie isa siyang nursing student. Siya ang tumulong sa amin sa kung anong nangyare sayo." pagpapakilala ni Shiela sa babaeng kaharap namin. napatango na lang ako.

"Kumain ka na at alam kong kakailanganin mo ng lakas." sabi nung nursing student na si Valerie.

"Salamat." sabi ko ng inabot niya sa akin yung tray na may lamang mga pagkain.

"Sige maiwan ko muna kayong apat at may aasikasuhin lang ako." sabi ni Valerie at lumabas na ng silid.

"Nasaan nga pala ako?" tanong ko sa tatlo.

"Nasa kwarto ka ni Yna, pinahiram niya muna itong kwarto sayo hanggat di ka pa nagigising." sabi ni Kisha. napatango naman ako.

Umupo muna ako sa kama ko at kinain ang pagkain na nasa tray.
Umupo din naman sa tabi ko yung tatlo.

"Kamusta ka naman na?" tanong ni Angela sa akin.

"Okay naman na." sagot ko na nakangiti.

Habang kumakain ako naalala ko si Rhaniel. "Nasaan nga pala si Rhaniel?" tanong ko habang hinihigop yung juice ko.

"Luma---" hindi na naituloy ni Shiela ang sasabihin niya ng biglang sumabat si Kisha

"May pinuntahan lang siya Tasha." sagot ni Kisha.

Tumango na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain ko.

Napahawak naman ako bigla sa ulohan ko.

"Bakit Tasha? Ano nararamdaman mo?" rinig kong tanong ni Shiela. Umiling lang ako.

Bakit ganun may kirot nanaman akong nararamdaman.

"May masakit ba sayo Tasha?" tanong naman ni Kisha, pero umiling lang ako.

"Tasha, sabihin mo lang kung may masakit para maagapan natin." sabi naman ni Angela. tumango na lang ako.

Medyo nawawala na yung kirot sa ulo ko.

Matapos ko kumain nagpaalam na ako sa tatlo na magpapahangin na muna ako. Gusto sana nila akong samahan pero tumanggi na ako. Gusto ko munang mapagisa. Magmunimuni.

Habang naglalakad ako. Nakakaramdam naman ako ng pagkahilo. Napatigil naman ako sa paglalakad at napahawak sa ding-ding na nasa gilid ko. Unti-unting nanghihina ang mga tuhod ko.

"Tasha!!" Nakita ko naman ang pigura ng isang lalaki na may kalayuan sa akin. Napaluhod ako bigla sa sahig at nagdilim na ang paningin ko.

"Tasha!!!" Huling salitang narinig ko.

---

Napatakip naman ako ng mata ko ng sumalubong sa akin ang sobrang liwanag na paligid.

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko. Teka nasaan ako?

May nakita naman akong pigura ng isang babae at nakatalikod ito sa akin.

Bigla naman itong humarap at laking gulat ko ng makita kong kamukha ko siya. "Sino ka!?" sigaw ko.

Pero imbis na sagutin niya ako, ngumiti lang siya. Mas ikina gulat ko naman ng biglang sinunggaban siya ng zombie sa likuran at pinagkakagat ito sa leeg.

Napaupo naman ako sa lupa at napatakip sa mata ko.

"Hindi!"

"Hindi ako, yan!!"

"Hindi!!!"

Book 1: Be Live Be Taken: We're Out NumberedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon