Chapter 11

2.4K 88 15
                                    

[Kisha's POV]

Matapos ang nangyare kila Paolo at Sheron. Ibinalita ni Dr.J sa buong kampo na ang dahilan ng kanilang pagkamatay ay naging isa silang Zombie.

Nakikita ko sa mga mukha ng mga tao ang takot at pangamba. Kahit na isang kasinungalingan lang iyon at isa  pa nasa liblib kaming lugar sa gubat pero ganun pa man hindi pa din masasabi kung hanggang kailan magiging ligtas ang lugar na ito.

Kami ng mga kasamahan ko ngayon ang naging tagapagbantay sa buong kampo.

"Kisha! Any sign?" Rinig kong sigaw ni Ranz mula sa baba. Nasa isang watchtower nga pala ako ngayon.

Sumilip naman ako sa binocular at inikot ang buong paligid. Sumenyas naman akong wala.

Umupo na ulit ako sa upuan. Mas gusto ko na din magbantay gayun nga lang hindi ito laro tulad ng sa Video games dahil nasa isang actual situation ikaw, na kung saan isang maling galaw mo lang tapos na ang lahat.

Nakaramdam ako bigla ng pagkalam ng tiyan ko. Tiis tiis lang Kisha makakakain ka din mamaya.

"Oh kumain ka muna." Napatingin ako sa nagsalita.

Si Marc pala. Inaabot niya sa akin yung tinapay na hawak niya.

Wala ng pagaalinlangan ko itong kinuha. Ayoko din tumanggi sa grasya noh.

"Bakit pala nandito ka" tanong ko habang kumakain. Dapat kasi nagbabantay siya ngayon.

"Nakipagswitch muna ako kay Niel sa pagbabantay." sabi niya habang nakatingin sa paligid ng gubat.

Panggabi si Niel ah bakit naman kaya ito nakipagswitch.

"Salamat nga pala." sabi ko.

"Sa tingin mo ba ligtas pa tayo?" Hindi ko alam kung ano nga ba dapat kong isagot sa tanong niya.

Dahil sa bawat araw na dumating sa amin yung isang paa namin nasa hukay na.

Humarap naman siya sakin "Alam kong mahirap sagutin ang tanong ko. Dahil para lang tayong pasyente sa isang ospital na kung saan 50/50 ang chance para mabuhay." Tama nga naman siya.

Napatingin naman ako sa hawak kong baril. Hanggang kailan ko kaya maipaglalaban ang sarili ko?

"May pag-asa pa kaya ako?" rinig kong tanong ni Marc. Napatingin naman ako sakaniya na naguguluhan sa sinasabi niya.

"An---"

"Una na ako." hindi pagtapos ni Marc sa sasabihin ko at bumaba na ng watchtower.

Ang weird niya din eh. Hindi ko siya maintindihan.

Bumalik na lang ako sa pagmamanman sa paligid.

Mukhang ayos naman yung paligid. Nahagip ng mata ko yung isang pamilya na nagkakasiyahan. Nakakatuwang isipin na kahit sa ganitong sitwasyon magkakasama sila. Kamusta na kaya sila papa at mama? Ayos lang kaya sila? Sana nga...

Book 1: Be Live Be Taken: We're Out NumberedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon