Chapter 42

991 40 0
                                    

[Tasha's POV]

Napamulat ako ng mata ko ng maramdaman ko ang araw na tumatama sa mata ko. Tinignan ko naman ang paligid ko mukhang nagsilabasan sila hindi man lang nila naisara pa ang pinto.

Naalala ko naman yung nangyare ka-gabi ewan ko ba ba't bigla na lang ako nakaramdam ng sakit sa ulo ko.

Hindi ko naman masabi kung bakit nanakit. Basta kinagabihan doon ko naramdaman yung sobrang pananakit.

Napahawak naman ako ulit sa ulo ko at hinimas ito. Nakakaramdam pa rin ako ng kaunting kirot pero hindi na ito tulad ng ka---

"Tasha?" napatingin naman ako sa pinto kung saan narinig kong tumawag sa akin.

Mapupugay na ngiti ang sinalubong ni kyle sa akin, kaya't naman ginantihan ko rin siya ng ngiti.

"Tara kain tayo. Nandoon na din sila Shiela at Angela." pag-aya niya sa akin. tumango naman ako at tumayo mula sa pagkakaupo ko sa kama ko.

Naalala ko nanaman yung kinuwento ni Kisha sa akin kagabi. "Oh ba't napapangiti ka diyan?" hindi ko namalayan na ngumingiti na pala ako. Umiling lang ako. "Wala." sabi ko.

Habang naglalakad kami nakasalubong namin sila Kisha mukhang kakagising lang.

"Hoy Ranz. Saan ka galing ah hindi ka naman kita nakitang natulog sa kwarto natin." tanong ni Rhaniel. Kitang-kita ko naman ang pagkakagulat ni Ranz at maging si Kisha ng makita niya ako.

"Ah m-maaga kasi a-akong nagising." sagot ni Ranz. Napansin ko naman na umiling-iling si Rhaniel. Ano naman kaya itong trip ni Rhaniel? sabi pa naman ni Shiela sa akin malakas daw mangasar ito.

Lumapit naman si Rhaniel kay Ranz at tila may binulong ito sa tenga. Habang may binubulong si Rhaniel napapansin kong nanlalaki ang mata ni Ranz. Hindi ko naman marinig pinaguusapan nila.

"Ano Tasha okay ka na?" tanong ni Kisha sa akin. Tumango naman ako.

"Oo. Salamat nga pala sa kagabi." sabi ko habang nakangiti. Nginitian naman niya ako.

"Tara na Tasha." pag-aya sa akin ni Rhaniel kaya naman nagpaalam na ako kila Kisha at gayun din kay Ranz.

Naglalakad na kami papunta sa kainan daw. Tumigil naman kami ni Rhaniel sa tapat ng pinto at pinagbuksan naman niya ako.

"Salamat." sabi ko.

Pagpasok na pagpasok ko kitang-kita ko sa bawat paligid na napuno ng mga taong abala sa kaniya-kaniyang kinakain. Siguro isa sila sa mga sirvivors.

"Tara doon tayo." sabi naman ni Rhaniel habang tinuturo ang nasa kaduluhan na parte ng silid. Tumango lang ako.

Habang papalapit kami nakita kong nandoon na din sila Shiela, Angela, Niel Johnrey at Marc.

Kumuha muna kami ng pagkain bago kami maupo ni Rhaniel sa table namin.

"Kamusta ka na Tasha?" rinig kong tanong ni Shiela habang kumakain kami. Napatigil naman ako sa pagsubo.

"Okay na." sagot ko sa tanong ni Shiela.

Napansin ko naman patungo si Kisha dito sa table namin habang may dala-dala siyang tray ng pagkain.

"Oh asan si Ranz?" rinig kong tanong ni Rhaniel napatingin naman si Kisha kay Rhaniel at nagkibit-balikat lang.

Matapos kami kumain niyaya naman ako ni Rhaniel na umalis na.

"Saan naman tayo pupunta?" tanong ko.

"Basta tara."sabi niya sabay humawak sa braso napatingin naman ako sa kamay niyang nakahawak sa braso ko dahil tila ba may naramdaman akong kuryenteng dumaloy sa katawan ko.

"Ay s-sorry." sabi niya. Tumango lang ako at naglakad na kami paalis sa kainan.

Saan ba kami papunta. Naglalakad lang kami ngayon hanggang sa tumigil kami sa tapat ng isang pinto. Pinagbuksan naman niya ako, kaya't naman pumasok na ako sa loob.

Namangha naman ako sa mga nakikita ko sa paligid. Para bang nasa isang mahiwagang hardin ako.

Maraming halaman, bulaklak at kung ano anong mga prutas din ang nakikita ko sa paligid.

"Nasaan ba tayo?" tanong ko habang nililibot ng mga mata ko ang buong paligid.

"Nasa inner garden tayo." sabi niya na ikinamangha ko naman na meron palang ganito. Kahit sa loob pwedeng magkaroon ng ganitong kagandang hardin.

Naupo naman kami sa bench na nakita namin.

Pinagmamasdan ko lang ang kagandahan ng paligid. Hindi ko naman maiwasan mapangiti tuwing nakikita ko ang kagandahan ng hardin na ito.

Sana ganito na lang din makikita sa labas. Yung tipong wala kang makikitang bakas ng dugo ng tao sa kalsada.

"Ang ganda no?" tanong ni Rhaniel napatango-tango naman ako.

"Kailan mo pa ito nalaman?" tanong ko.

"Kaninang umaga lang." sagot niya habang nakangiti din.

Napansin ko naman na tila ba may kinukuha sa bulsa niya si Rhaniel. Itinuon ko na lang ang pansin ko sa paligid.

Naramdaman ko naman na tila may nagsusuot ng kung ano sa leeg ko. Pagtingin ko kung ano yun may kinakabit na necklace sa akin si Rhaniel.

"Yan. Ingatan mo yan ah." sabi ni Rhaniel matapos ikabit yung necklace sa akin. Napangiti naman ako habang tinitignan yung pendant na nakalagay sa necklace. pangalan ni Rhaniel at pangalan  ko ang nakalagay sa pendant sa necklace na binigay sa akin ni Rhaniel.

"Oo. Iingatan ko ito. Salamat." sabi ko habang nakatuon pa din ang mata ko sa pendant.

"Alam mo ba antagal kong tinago yan para sa araw na magtatapat na ako sayo ibibigay ko yan. Pero mukhang ma---"

"Aghhh!!!" sigaw ko kasabay naman nito ang pagdidilim ng mga paningin ko.

Book 1: Be Live Be Taken: We're Out NumberedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon