Author's Note

1.9K 51 16
                                    

Para sa mga bumasa ng aking gawa....

Nais kong simulan ito sa isang pasasalamat. Salamat sa tumulong, gumabay at nagpatatag sa akin. Sino-sino nga ba ang taong nais kong pasalamatan? Una sa lahat ay ang Diyos sumunod ang aking mga Kamag-aral, kaibigan at maging ang aking kaaway kung meron man hahaha.

Hinihiling ko lang sa akin mambabasa na huwag kaagad huhusgahan ang aking gawa. Dapat ay ito'y inyo munang basahin at unawain. Alam naman natin na walang taong perpekto. Hindi rin ako isang bihasang manunulat na katulad ng kilalang manunulat. Dahil ganun pa man tanggap ko at masasabi kong isa pa din ako sa mga taong baguhan. Respeto lang aking hinihiling. Rerespetuhin ko din ang kutya na ibibigay niyo sa akin.

Hindi naging madali para sa akin ang magsulat ng storya tungkol sa mga Zombie o Science fiction. Alam ko din sa sarili ko na nahahaluan ko ito ng Romance dahil sa mga relationship ng characters at isa pa. Nagawa ko lang ito dahil sa hindi ko maipaliwanag na panaginip. Yes! Sa panaginip ang idea na ito. Pagtapos ko managinip ng zombies kinuwento ko naman ito sa kaibigan ko at doon pinilit nila akong gawan ng storya. Pasensiya na kung hindi ko man nabigyan ng full descriptions ang bawat characters.

Una sa lahat hindi ako babae. Hehehe lalaking writer po ako at hindi rin ako bakla, Kaya napakahirap para sa akin ang gawan ng Point of view ang babae kong characters. Kung tinatanong niyo kung kasama ba ako sa line up ng characters ko? Opo kasama ako. Nagmumukha nga akong bias sa character ko. Ayoko sana magkaroon ng bida dito pero alam ko sa isip niyo may mga umaangat na character. Halos lahat ng pangalan ng characters ko ay kinuha ko sa mga pangalan ng kaklase ko. Noong una iniisip ko mahirap at di ko kakayanin pero ganun pa man nagpapasalamat ako at naitaguyod ko ito sa abot ng makakaya ko.

Ako'y Muling magpapasalamat sa pagugol ng oras para basahin ang aking gawa. Salamat! Kung ito man ay inyong labis na nagustuhan at paumanhin naman kung hindi. Hanggang sa muli aking maganda't gwapong mambabasa.

Lubos na gumagalang,
•greatlywritter•
Manunulat


NOTED: kung ako man ay sisipagin baka i-under editing ko ang book na ito. Maaaring i-edit ko ang lahat ng chapters para maintindihan lalo ng mga mambabasa ang mga pangyayare.

*Feel free to message me*

Book 2 is published. Go check it at my works

Title: "Book 2: Be Live Be Taken: Special Mission"

Thankyou for the beautiful and awesome book cover! Coverymyst please do PM her, I highly recommend this person!

🎉 Tapos mo nang basahin ang Book 1: Be Live Be Taken: We're Out Numbered 🎉
Book 1: Be Live Be Taken: We're Out NumberedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon